Chapter 37

569 24 15
                                    

Bruha,

Hindi ka na namin ginising dahil sobrang himbing ng tulog mo. Malay ba namin kung si Raven 'yong napapanaginipan mo at ayaw mong magpaabala. Kung gusto mong sumunod sa 'min, hanapin mo lang 'yong Cloud Nine Bar sa 23rd floor.

–Maine & Karen

Napabuntong-hininga ako nang matapos kong basahin ang sulat na iniwan nila sa sidetable. Grabe, ang haba pala ng tulog ko. Paano ba naman kasi? Umaga na kami bumalik sa kwarto simula kagabi dahil nagkuwento nang nagkuwento sila Kurt at Karen tungkol sa relasyon nila. Sabi na nga ba't hindi ko dapat tinanong kung paano sila nagkakilala at nagkagustuhan dahil uumagahin talaga kami.

Mga kalahating oras ata akong nagdedesisyon kung pupunta ba ako o hindi. Nakikipag-wrestling na nga ako sa dalawang boses na naririnig ko sa utak ko, eh. Kung hindi ako pag-bikinihin, papuntahin naman sa bar! Wala pa nga ako sa legal, age!

Tumayo na ako sa kama at naligo. Nakakatawa dahil na LSS na ako sa kinanta ni Raven kagabi at hina-hum ko. Ganito yata talaga kapag masyadong napabilib. In-add ko na sa favorites ko 'yong kantang 'Leaves' dahil iyon ang unang kantang alay niya sa 'kin. Enebe, kinikilig na naman ako.

Kumuha na ako ng pulang bestida. Simula nang binilhan ako ni kuya ng red dress, kinaadikan ko na ang magsuot ng kulay pula. Pansin ko kasi na bagay talaga sa akin ang kulay. Personal color ko na yata talaga ang red. Nag-make-up rin ako at nag-heels na hindi naman ganoon kataas.

Tiningnan kong muli ang sulat. Sa 23rd floor, sa Cloud Nine Bar... okay. Sumulyap ako sa orasan. 9 p.m. na pala. Nando'n pa kaya sila? Siguro naman. Maaga pa, eh.

Lumabas na ako sa kwarto at isinara iyon. Sumakay ako ng elevator mula 19th floor papunta sa 23rd floor. Lumingon-lingon ako para hanapin 'yong bar. Akala ko maliligaw pa ako. Mabuti naman at mabilis lang hanapin.

May mga guwardya at bouncer sa labas para i-check na rin 'yong mga papasok kung may dalang deadly weapon o kaya drugs. Kung titingnan sa labas parang ang tahimik ng bar.

Nagtaka naman ako nang papasukin na lang ako at hindi na tinanong hindi katulad ng ibang nauna sa 'kin.

Pagpasok na pagpasok ko, agad akong napatakip ng tainga at napapikit. Hindi ko akalaing ganiyan kalakas ang tugtog na maririnig ko. Hindi ba sila nabibingi? Tapos ang kakapal pa ng usok mula sa mga sigarilyo. Magkakasakit pa yata ako rito. TB real quick.

Napansin ko ang mga nagsasayawan sa gitna. Halos lahat nga yata ng tao ay naroon at nagtatatalon kasabay ng tugtog. Nagsisigawan pa. Hindi rin ako masyadong makamulat kasi nakakahilo 'yong ilaw. Pakiramdam ko nag-i-slow motion 'yong mga tao dahil sa lights.

Paano ko naman kaya matatawagan sila Karen kung ganito kaingay ang lugar na ito? Talaga bang nandito sila? Nasa'n sila?

Naglakad-lakad ako habang sinusubukang hanapin ang mga kaibigan ko pero hindi ko talaga sila mahagilap. Pinasunod nga ako, wala naman sila rito.

Naikot ko na yata ang buong Cloud Nine Bar at hindi ko sila nakita. Natatakot na nga ako kasi may mga lalaking sumusunod sa 'kin, buti naliligaw ko sila. May nagtatanong pa kung pwede daw humingi kahit isang gabi lang? Papayag sana ako kaso mga bulaklak nga pala ang tanim ni mama sa bahay at walang gabi.

Napapitlag ako nang biglang may humawak sa baywang ko. Nilingon ko 'yon at agad akong tinubuan ng takot.

"Miss, may hinahanap ka ba? Gusto mo samahan kitang maghanap?"

Pilit kong tinatanggal ang kamay niya na nakakapit sa akin pero mas lalo niya lang akong hinahawakan. Tumataas ang kamay niya mula sa baywang ko. Bastos 'to, ah! Gusto niya bang makatikim ng sipa?

With You Forever (Forever Series #1)Where stories live. Discover now