Chapter 24

635 29 9
                                    

Lumipas ang mga araw at humupa na ang isyu tungkol sa video ni Maine. Wala naman sa akin ang nangyari. At saka, ang astig nga ng buhok ko. Napagkakamalan ako na tomboy. At least, walang lalaking magkakamali dahil makita palang nila ako, aatras na sila.

Kinawayan ko siya nang makita ko siyang nakaupo sa tabi ng upuan ko. Kakarating ko lang kasi at mabuti na lang hindi ako huli ngayon. Medyo nakatulog ako nang maaga kagabi kaya maganda rin ang gising ko.

Hinawi ko ang buhok ko at sabay umupo sa tabi niya. Kahit papaano nasasanay na ako sa maikli kong buhok. Manipis lang kasi ang dulo ng buhok ko kaya madaling mapuputol kung malakas ang pagkakasabunot. Hays, huwag na nga nating isipin pa ang bagay na 'yon!

"Hindi pa rin ako sanay sa maikli mong buhok," komento niya. "Sorry talaga," dugtong pa niya.

"Sira, wala kang kasalanan," sagot ko.

Unti-unting pumapasok sa isip ko ang dahilan kung bakit umaapaw ang galit niya ng araw na 'yon. Dahil 'yon kay Clark. Nagkausap na kaya silang dalawa?

"Ang dapat nating hanapin at sisihin ay 'yong taong naglagay ng inuming iyon sa locker mo," dagdag ko pa. "Wala ka bang naiisip na taong maaaring gumawa ng masama sa iyo?"

"Meron."

Napalingon ako nang magsalita si Karen sa tabi ko. Nandito na pala siya. Hindi ko namalayan. Himala yata at nauna ako sa kaniya? Sabagay, nagbabago naman ang tao. Parang ako, nag-i-improve. Yes naman, improve!

"Iisang tao lang naman ang pwedeng gumawa niyan sa atin. Una si Jean, sumunod ay ako tapos ngayon kay Maine..." pag-aanalisa niya.

Napaisip din ako. Isa lang naman ang kaaway namin dito sa school, at siya ang puno't dulo ng lahat.

Sabay-sabay kaming napatingin nang dumaan ang isang babae sa harap namin. Tila ba nanahimik ang lahat at para bang naging pipi. Dumating na ang anak ng may-ari ng university na ito; ang nag-iisang prinsesa—si Xyrah. Tahimik siya nitong mga nakaraang araw pero kahit na, siya lang din ang naiisip kong posibleng naglagay ng drugs sa inumin ni Maine.

Muli kong naalala ang sinabi ni Kurt na kailangan naming makakuha ng sample drug ng iniinom at pinaiinom nila sa iba. Kailangan kong humanap ng paraan para makakuha no'n.

Napabuntong hininga ako. Para bang matagal na oras akong nakatunganga at hindi ko namalayang tapos na pala ang morning class.

Muli akong bumuntong hininga. Kung hindi pa siguro ako tapikin nila Karen, hindi ko mamamalayang lunchbreak na.

Bumaba na kaming lahat. Matamlay akong pumunta sa cafeteria kasama ang mga kaibigan ko ngunit hindi ko inaasahan ang makikita ko. Si Sheen at si Raven, nasa table namin.

"Kasabay natin siyang kumain?" tanong ni Maine. Nagkibit-balikat si Karen.

"Jean!" tawag sa akin ni Sheen kaya nakuha ko rin ang atensyon ni Clark at Kurt na para bang nagtataka.

Nakaramdam muli ako ng bara sa dibdib maging sa lalamunan. Ni walang lumabas na boses sa bibig ko. Nginitian ko na lamang si Sheen.

"A-ano guys, pasensya na. May kailangan pala akong gawin," pagpapaalam ko sa kanila. Hindi ko na sila hinintay pang magsalita at tumakbo na ako. Pwede naman kasing magsolo na lang silang dalawa. Bakit kailangan pa nilang sumabay sa amin? Pati ba naman sa pagkain ng tanghalian ay hindi ako patatahimikin?

Huli na nang malaman kong may mababangga akong isang lalaki. At dahil gumana ang bobogenes ko, nadapa ako at nasubsob ang labi ko sa sahig.

"Miss? Are you okay?"

Nabalik ako sa reyalidad nang may magsalita sa likod ko. Agad-agad akong tumayo at pinagpagan ang uniform ko. Umiling ako, ako si Jean, eh. Ay wait, naituro na nga pala sa akin ni Karen 'yan.

With You Forever (Forever Series #1)Where stories live. Discover now