"Pasensya ka na. Kung napipilitan ka, pwede ko namang sabihin kay mommy na uuwi na lang ako. Wag mo sanang ipakita sakin na hindi ka masaya na nakakasama mo ako. Pakiramdam ko kasi napakawala kong kwentang tao."

Hinigit ko siya sa laylayan ng damit niya ng subukan niyang umalis. Lumingon siya at nagtama ang mga tingin namin. Matagal kaming nagkatinginan. Pakiramdam ko ang kapatid ko ngayon ang kaharap ko. Pakiramdam ko, tinitingnan ako ngayon ni Iji. Bakit nasasaktan ako ng taong ito kahit wala naman talaga siyang kinalaman sa pagkawala ng kapatid ko. Dala nga lang ba ito ng pagkamuhi ko sa maling pagkakakilala sa kanya? Masyado ba akong nadisappoint sa masama niyang ugali? Dala pa rin ba 'to ng matinding galit na naramdaman ko sa lahat ng mga nagawang mali at nasabi ni Patricio sakin? Kung hindi.. anong dahilan? Anong dahilan? Bakit nga ba ayoko sa taong ito?

Nagbaba ako ng tingin. Binitawan siya, "Patay na ang dating Peij, Shans. Ayoko ng hahanapin mo pa ang dating ako sa kung ano ako ngayon. Lahat ng nangyari noon ay gusto kong ibaon mo sa limot. Gusto kong bumalik ka bilang Nash na hindi pa natutuklasan na ako pala ang Iji na hinahanap niya. Wag mo na akong hanapin. Patayin mo na sa isip mo ang pagkatao ng dating Peij. Bata pa tayo. We're just only 16 years old. Hindi ito ang huling pagkakataon na may magugustuhan kang iba. Kung susubukan mo na ibaling ang pagtingin mo sa iba baka matuklasan mo din na hindi naman pala ganon kaespesyal ang nararamdaman mo para sakin. Bata pa tayo, wag mong masyadong seryosohin ang nararamdaman mo. Wag kang masyadong magpaapekto. Pero kung hindi ka makatiis. Kung gusto mo talaga na may pumapansin sa nararamdaman mo gaya na lang ng kay Grae. Bakit hindi mo subukan si Coco? Diba.. nakikita mo naman ang dating ako kay Coco, ang nagustuhan mo ay yung dating ako. Baka sakali.. baka sakali mabaling ang pagtingin mo sa kanya."

Tumalikod ako. Saka tumakbo palayo sa kanya.

Madaming tao sa paligid. Pero tila nawala lahat sa paningin ko ang lahat ng mga 'to. Hinayaan kong dalhin ako ng mga paa ko kung saan. At napadpad nga ako sa lugar na tila walang makakakita sakin. Naupo ako. Natulala sa kawalan.

'Peij anak, okay ka lang ba?' Naaalala ko pa ang mukha ni mommy nung mga oras na itanong niya sakin ang mga katagang yun. Tila patay ang mga tingin ko na nakaharap sa kanya. Hindi ko maalala kung umiyak na ba ako noong mamatay si Daddy. Hindi ko maalala kung umiyak ba ako nung ilang araw pagkatapos mamatay ni Iji ay sumunod naman siya.

'Minsan kailangan nating tanggapin na iniwan na tayo ng mga taong mahal natin.' Yun ang pinakamasakit na salita na narinig ko sa aking ina.

Nasasaktan ako ngayon kasi pakiramdam ko walang pakialam ang sarili kong ina sa nararamdaman ko. Nilihim niya ang kaugnayan ni Iji kay Shans. Inilihim niya sakin na ang taong kinamuhian ko ay ang taong nagmamay-ari ng mga mata ng sarili kong kapatid.

Naaninag kong may taong nakatayo di kalayuan sakin, "Ikaw na naman?"

Lumapit siya sakin, "Galit ka ba dahil naaalala mo ang kapatid mo sakin?"

Hindi ako sumagot.

"Nagagalit ka ba sa kapatid mo kasi pakiramdam mo nang dahil sa kanya ay namatay ang daddy mo—" tumayo ako at mabilis na kinuwelyuhan siya. Ramdam kong namuo ang mga luha sa mga mata ko habang masamang masama ang tingin sa taong kaharap. Walang lumabas na kahit na anong salita mula sa bibig ko, "Nagagalit ka Peij sa lahat ng nangyayari sa buhay mo kaya yung sarili mo ang pinapahirapan mo? Talaga bang gusto mong magbago? Talaga bang gusto mong maging ganito?"

'..lalaban ka, okay? Lalaban ka Iji. Please lumaban ka. Mag-aaral ng mabuti si Ate, maghahanap ako ng trabaho. Dadalhin kita sa America. Magpapagaling ka. Please.. masyado ng nagiging malungkot sila daddy at mommy. Iji, ang hina hina na ni Daddy. May sakit siya sa puso. Kapag hindi kinaya ng puso niya ang sobrang kalungkutan.. ikamamatay niya yun. Iji, parang awa mo na. Ayokong parehas kayo ay mawala sakin.'

Just YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon