Napaisip rin si Roxy saka siya ngumiti, "Hindi. Hindi yun big deal kung wala kaming napapansin diba?" naguluhan ako sa sagot niya, "Kung walang sparks! Hahaha."

Napabuntong hininga na lang ako. Mas lalo lang ata akong nalito sa sinabi niya. Bumalik naman na si Coco at naisip namin na kumain na muna pagkatapos ay pumunta sa gym para manood ng basketball game kung saan makikitang halos lahat ng mga babae sa campus ay nanonood. Ang mga hearthrob kasi ng senior ang mga players. Kabilang na dun sila Patricio at Prieto.

"KYAAA!~" nakakarinding hiyawan ng mga kababaihan ang bumalot sa buong gynnasium. Pati sila Roxy at Coco nakikisabay. Natatawa na lang ako sa kakulitan nila.

"Walaaaa!! Talo na kayo kila Grae at Nash!!" sigaw ng mga babae sa klase namin.

Kapansin pansin na marami talagang naaaliw kila Patricio at Prieto. Marami sa mga nanonood ang hawak hawak ang mga phone nila at pinipicturan at binivideohan ang dalwa. Iba talaga ang epekto ng dalwang ito sa mga estudyante dito sa campus. At kahit mga outsider naaaliw din pala sa kanila. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa nakikita.

"Parang ang laki talaga ng pinagbago ni Nash no."

"Oo nga e."

"Hala! Baka iba na talaga yan Colby Colleen ah!"

Alam kaya ito ni Prieto?

"Sino siya?" naramdaman ko naman ang pag-akbay ni Roxy sakin. Nakatingin siya sa tinitingnan ko.

"Ahh.." nakagat ko ang labi ko.Ngumiti naman siya at binalewala din ang sasabihin ko sana.

Lumipas ang ilang minuto, inannounce din agad na ang section namin ang nanalo. Habang nagdidiwang ang lahat, hindi naman naalis ang mga tingin kong minamatsagan ang mga kilos ni Prieto. Tinapik siya ng kasama at may tinuro sa kanya kung saan na ikinagulat pa niya. Hanggang sa puntahan nga niya 'to, nilapitan niya ang babaeng outsider na batid kong.. ang kasintahan niya.

"Yung ba ang ate ni Grae?"

"Hindi sila magkamukha."

"Pero cute siya."

"Kaso medyo may katangkaran siya." mula sa gilid ng mga mata ko ay bahagya naman akong pinasadahan ng tingin ni Roxy, "..mas bagay kay grae yung mga height na gaya lang ng kay Peij."

Napabuntong hininga naman ako, "Siya ang girlfriend ni Prieto."

Pare-parehas silang laglag panga. Ngumiti na lang ako at tumango pa bilang paninigurado.

Mapapansin na marami talagang interesado sa babaeng kasama ni Prieto. May mga pumupunta pa nga dito sa canteen para makumpirma lang ang kumakalat ng balita. Madami ng nagliparan na mga chismis, gaya ng ate ni Prieto ang kasama niya, ex-girlfriend, nililigawan, at kung anu ano pa. Napapailing na lang ako sa mga nahuhusgahan.

Tinuon ko na lang ang pansin sa kinakain. Bumalik sila Roxy at Coco sa table namin na may dala dalang sponge cake. Sabay silang bumati sakin ng 'Happy birthday' pagkaupong pagkaupo. Binuksan ang lahat ng choko choko na binili at pinaglalagay sa sponge cake na nabili nila.

"Kala mo nakalimutan namin?" nakangiti pa rin nilang sambit. Nag-eenjoy pa rin sa ginagawa. Umiling naman ako bilang sagot, "Eh anong gagawin ninyo ni Tita? Gusto mo magcelebrate ulit tayo kasama naman mommy mo?"

Medyo kinabahan ako sa mungkahi nila. Hindi na lang ako nagpahalata saka umiling at pilit na nangiti, "Hindi kaya. Alam ninyo naman na palaging busy si mommy. Hindi ko masasabi kung anong saktong oras siya uuwi."

"Ganon ba. Sayang naman."

"Wuy ano yan!? Penge kami." Dumating ang iba naming kaklase at sinabi nga nila na birthday ko. Ang iba sa kanila ay bumili pa ng ibang pagkain panlibre. Kinantahan din nila ako ng happy birthday.

Just YouWhere stories live. Discover now