"Ang cute ni Grae." Ani Roxy, "..may girlfriend ba talaga siya?"

Tiningnan ko naman si Coco na malayo na naman ang tingin. Wala na naman siguro sa sarili.

Pinatext ko kay Roxy si Rain. Pinasabi ko dito na mauna na siya dahil di ako makakasama ngayon. Aasikasuhin kasi namin ni Prieto ang lahat ng mga listahan ng mga games, sports, activities, events at kung anu ano pang magaganap sa darating na Sports Fest. Lahat ng mga student representative ng bawat klase ay nakiisa sa meeting. Natapos namin ang lahat ng dapat tapusin at naipasa rin lahat ng mga papel sa faculty. Hindi na nakakapagtaka na inabot kaming mga taga council ng gabi.

"Bye bye, Feijie. Bye bye, Grae. Ingat kayo!" paalam samin ng iba. Nagmartsa naman kami ni Prieto sa classroom pagkatapos.

"Wow! First time ko atang makakasabay sa pag-uwi si Ms. President.!" Kumislap ang mga ngipin niya sa napakagandang ngiti na yun. Agad ding napunta ang atensyon niya ng tumunog ang hawak na cellphone.

Ang kaninang soot na ngiti ay agad na nabura. Naging blanko ang mukha niya habang nasa hawak pa rin ang paningin. Batid kong yung girlfriend niya ang katext niya.

Nahuli niya akong nakatingin kaya naman agad siyang ngumiti, "Muntik na kayo kanina. Okay lang ba sayo na malaman ng lahat na nakatira ka sa mga Patricio."

Umiling ako, "Ayoko."

"Kaya nga dapat nag-iingat kayo. Pwede kitang tulungan! Simula ngayon magiging close na talaga tayo sa isa't isa, Ms. President."

Napakunot ako ng noo. Naririndi ako sa kaka-Ms. President niya. Umalingawngaw tuloy sa isipan ko ang nasambit niya sakin. 'Try call me Grae, instead'. Pero siya hindi naman niya ako tinatawag sa pangalan ko.

Tahimik naming tinahak ang daan pauwi. Mula sa byahe ay tahimik kaming nagsabay. Madalas ay nasa cellphone niya ang kanyang atensyon. Hanggang sa nakarating kami sa subdivision.

"Mabuti na lang half day bukas no." muli siyang nagsalita. Mahaba haba pa ang aming lalakarin, mas malapit ang bahay nila Patricio kesa sa kanila. Nang maya maya ay biglang nagring ang phone niya, "Uh excuse ah." yumuko naman siya saka sinagot ang tumatawag.

"Hey—Hmm dito na ako, pauwi na sa bahay—Bukas siguro masusundo kita, promise.—Hangga't kaya naman ng oras ko diba, gagawa at gagawa ako ng oras para sating dalwa. Pasensya na.—Sige. Bye." Ramdam kong sumulyap pa muna siya sakin, "—I.. love you."

Binalot kami ng katahimikan. Mabuti na lang malapit na talaga ako sa bahay nila Patricio.

"..girlfriend ko."

Tiningnan ko siya. Pinagmasdan kung bakit bigla na lang niya sinasabi sakin 'to. Pero dahil aware naman na ako sa sitwasyon niya ay naisip ko na ding sabihin ang iniisip ko, "Madalas nga kitang makitang problemado kapag nakatitig sa phone mo, hindi ko sigurado kung tungkol ba sa girlfriend mo."

Napahawak siya sa batok niya, "LDR kasi kami." Tumabingi ang ulo ko, nagtataka sa sinabi niya. Ngumiti naman siya, "Long distance relationship. College student siya, mas matanda sakin ng dalwang taon."

"Eh anong problema dun?" napansin kong bumabagal ang paglalakad namin dahil sa pinag-uusapan.

"Sobrang hirap. Madaming mga bagay na hindi kami mapagkasunduan. Minsan hindi rin maiiwasan na magduda kami sa isa't isa kasi hindi naman namin madalas nakikita ang isa't isa. Bukod dun na mas kokonti ang nailalaan naming oras para magkasama kami."

"Hindi ko kilala ang girlfriend mo." Inalala ko naman yung minsang nakita kong may kasama siyang babae sa mall, "..pero sigurado ako na kaya lang kayo nagkakaganyan ay dahil mahal na mahal ninyo ang isa't isa." Sa totoo lang ay hindi ko alam ang sinasabi ko. Wala naman na kasi akong alam sa ganito. Pero sa nakita ko noon, alam kong masayang masaya yung babae na kasama si Prieto.

Just YouWhere stories live. Discover now