"ang daya mo naman,dito ka nalang sa tabi ko."kunwaring reklamo niya dito

"haha,pagod kana agad sa paghabol sakin?"lumapit ito sa kanya at natatawang kinurot ang dalawang pisngi niya

"ouch!ito talagang mahal ko sadista."ginantihan niya din ito nang kurot sa pisngi

"abah,gumanti ang gwapo kong boyfriend."binitawan naman nito yung pisngi ko pagkatapos pang-gigilan na maigi

"hay!sakit nun.san mo gustong pumunta ngayon?"tanong niya dito habang magkahawak kamay silang naglalakad sa gilid nang park

"uhm!ikaw,maaga pa naman kaya ayos lang."

"kain nalang tayo dun sa bagong tayong lugawan.ano deal?"tumawa naman ito

"deal na deal,favorite ko yatang kumain sa mga ganun."natuwa naman siya sa sinabi nito

halos isang taon narin niyang karelasyon si ICY,kaklase niya ito nung fourth year high school sila at nung unang kita niya palang dito ay nagkagusto na agad siya.niligawan niya ito bago sila magtapos nung high school

sinagot din naman siya nito pagkatapos niyang manligaw sa loob nang dalawang buwan.iba kasi siyang babae,iba sa lahat dahil hindi siya katulad nang iba na konting ligaw mo lang ay bibigay na.simple lang din siyang babae at iyon ang nagustuhan ko dito

hindi naman mayaman ang pamilya nito pero masasabi mong may kaya din naman sa buhay.sa iisang school din kami pumasok nang kolehiyo para kahit papano nagkikita at nagkakasama parin kami kahit magkaiba kami nang course na kinuha

simple lang din ang ganda nito na kahit sinong lalaki talagang ma aatract dito.at isa sa mga nagustuhan niya sa mga ugali nito ay pagiging mabuti nito sa mga taong walang makain sa buhay.madalas itong magbigay sa mga pulubi nang mga pagkain na minsan ay niluluto pa nito

mga bagay na alam mong talagang ikahahanga mo sa isang babae.parehas silang seven teen years old nito kaya hindi malalayo ang isip nila sa mga kalokohan at kasiyahan na nagpapasaya sa kanilang dalawa.

"malayo paba?"tanong nito na kinatingin ko dito

"medyo malapit na,paglampas natin sa eskenitang iyan nandun na tayo."

"yiie,excited na akong kumain nang mainit-init na lugaw,sana may unlimited lugaw no?"natawa siya nang malakas sa sinabi nito

"haha,huwag kang mag-alala magpapatayo ako nun balang araw."

"bilisan mong magpatayo at baka bigla akong mawala at hindi ko pa iyon matikman."natigilan naman siya paglalakad at galit na sinuway ito

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon