Pinunasan ko 'yong mga luha ko. Mas mabuti pa siguro na umalis na ako dito. I'm just hurting myself more.

It hurts to see that I'm not there for her when she needed someone.

Dati, ako palagi 'yong palaging nandyan para sakanya kapag kapag umiiyak siya, kapag kailangan niya ng masasandalan, kapag malungkot siya at kapag kailangan niya ng kausap.

Ako sana 'yong nasa tabi niya..

Nag drive ako ko pabalik sa hospital. Pagdating ko don natutulog si Hailey. Si Tatay din nakatulog sa sobrang pagod. 'Yong yaya ni Hailey muna 'yong nagbabantay sakanya. Hanggang ngayon wala pa din magandang resulta pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Alam kong gagaling siya. Malakas ang kapatid ko kaya for sure bago mag New year, maayos na siya at uuwi na kami sa bahay.

Kumain muna ako sa pantry at bago ako makapasok ulit sa kwarto nakita ko si Keila kasama 'yong babaeng ayoko nang makita pa. Lumapit sila sakin.

"Anong ginagawa niya dito?" Hindi ko maiwasan na mainis pati si Keila nadamay na sa inis ko. "Sinong nagdala sakanya dito?"

"Ako 'yong nagdala sakanya dito." sagot ni Keila.

Anong naisip niya at dinala niya 'yang babae na 'yan dito? Hindi niya alam kung anong pinag-daanan namin dahil sa babaeng 'yan. Akala ba ni Keila, ganon ganon na lang 'yon? At bakit niya kailangan mag decide para sa pamilya ko?

"Ikaw? Anong karapatan mong mag desisyon para sa pamilya namin?" Hindi ko na napigilan sabihin 'yon. Ayokong magalit kay Keila pero sa ginawa niya hindi ko maiwasan na mainis. "Umalis na kayo."

Tinalikuran ko na lang sila dahil ayoko ng makapagsalita pa ako ng masama kay Keila.

Kaso hinawakan ako ki Keila. "Teka sandali Kean, Nanay niyo pa din siya, nanay pa din siya ni Hailey kaya may karapatan siyang makita ang anak niya."

Inalis ko ang kamay niya sa braso ko. Naririnig ba talaga ni Keila 'yong sarili niya? Ano bang pinakain ng babaeng 'to sakanya?

"Kailan ba siya naging nanay sa amin ni Hailey? Keila, pwede ba? Wag ka nang makialam sa buhay namin at sa buhay ko. Umalis na kayo."

It's better off this way, Keila. Trust me, mas gugustuhin mong lumayo na lang ng tuluyan sakin.

"Kean, nakikiusap ako. Isang oras, kahit isang oras lang pagbigyan mo na si Mommy Karen. Kahit ngayon lang."

Sumingit bigla 'yong taong dati kong tinuring na ina. "Keila, hindi mo kailangan gawin 'yan para sa akin." Tinignan niya ako at nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Kean, nakikiusap ako sayo. Hayaan mo akong makita si Hailey."

Hindi ako nakapagsalita. Lumabas si Papa at gulat na gulat siya sa nakita niya. Pinapatayo niya 'yong babaeng 'yon pero nanatili pa din siyang nakaluhod sa harapan ko habang umiiyak.

Fine, this would be the last.

"Isang oras, isang oras lang."

Umalis na agad ako don. Naiinis ako. All this time, hinintay ko siya na bumalik sa amin pero malalaman ko lang na may iba na pala siyang pamilya sa Japan. Niloko niya si Tatay at niloko niya kami. Hindi ko magawang patawarin siya dahil kung hindi dahil sakanya, hindi lalala ang sakit ni Hailey. Kung sana hindi niya kami iniwan, sana dati pa lang napagamot na namin 'yong kapatid ko. Kahit sorry nga lang dahil sa ginawa niya sa amin, wala akong narinig. Paano ko pa ba siya mapapatawad?

Sumandal ako sa isang puno sa garden ng hospital. Sa hindi malayo nakita ko si Keila. Nakaupo siya sa bench at umiiyak siya.

Parang may kung anong kumurot sa puso ko.

Bigla na lang akong na guilty dahil sa mga sinabi ko kanina sakanya. Hindi ko naisip na may pinagdadaanan nga pala siya ngayon. Ang tanga ko talaga. Mas lalo ko lang pinalala 'yong pakiramdam niya. Naiinis tuloy ako sa sarili ko. Nagpadala na naman ako sa galit ko.

May kung anong nag tutulak sakin para lapitan siya. Gusto kong punasan 'yong mga luha niya. Gusto ko siyang yakapin pero alam ko naman na hindi pwede.

Dumating bigla si Dwayne.

Masakit pero masaya na din ako na nandyan siya para sa babaeng mahal ko. Kaya niyang pasiyahin at kayang kaya niyang mahalin ng buo si Keila. Bagay na hindi ko nagawa at alam kong hindi ko na magagawa.

Dear tadhana,
Hindi sapat na mahal mo ang isang tao. Ang tunay na pag-mamahal kayang magparaya para sa ikakabuti ng taong mahal niya. Ang tunay na pag-mamahal, kayang mag sakripisyo. Kahit anong mangyari, alam kong tunay 'yong pag-mamahal ko kay Keila.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Where stories live. Discover now