"Anong pinag-sasabi mo?" patay malisya pa siya kung sumagot pero hindi niya ako maloloko. "Masama ang magbintang, Kean." ngumisi siya sakin na halatang nang-aasar pa lalo.

"Wag na nga tayong maglokohan dito Krystal."

Tumawa siya ng napakalakas. "Okay sige. Kahit naman anong sabihin ko, hindi ka maniniwala sakin. So what kung pinasara ko nga 'yong cafe niya? May magagawa ka pa ba? The damage has been done and I'll make sure na hindi na niya 'yon mabubuksan ulit."

Huminga ako ng malalim. Kailangan kong magpigil. Kailangan kong kalmahin 'yong sarili ko dahil kung hindi may magagawa talaga akong masama kay Krystal. Kung lalaki lang siya kanina pa siya nakabulagta sa sahig. Kanina pa siya naliligo sa sarili niyang dugo. That's how I hate this girl.

"Why do you care about her? Hindi mo ba nakita, pinagpalit ka na niya kay Dwayne? You're being so stupud, Kean! Why are you so into her?"

I'm always asking that question to myself. Bakit nga ba? It all leads me to one answer, "Because.. I still love her."

I always do.

Lumapit pa ako lalo sakanya, tinignan ko siya ng diretso sa mata. Gusto kong makita niya kung gaano ako ka seryoso sa mga sasabihin ko. Gusto ko na seryosohin niyang mabuti lahat ng maririnig niya galing sakin.

"Ito ang tandaan mo, sa oras na saktan mo pa siya, ako ang makakalaban mo," lumapit pa ako lalo kaya napa-atras pa siya. "I don't care kung anak ka ng boss ko or kung masira ang career ko. Sa oras na saktan mo siya, humanda ka sakin."

Hindi siya sumagot kaya mas minabuti ko nang umalis. Mas maganda ng hindi muna kami may clash pero sa oras na saktan niya pa ulit si Keila, humanda siya sakin.

Sumakay ulit ako sa kotse ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nag drive ako kung saan at sa cafe ako ni Keila napunta. Nandon siya at kasama niya si Dwayne. Hindi ko maiwasan na masaktan.

Alam ko na 'yong totoong dahilan kung bakit nakipaghiwalay sakin si Keila. Nung una hindi ko maintindihan kung bakit niya nagawa 'yon. Pwede naman niyang sabihin sakin 'yong totoo. Maiintindihan ko naman siya eh pero siguro nga mas pinili niya kung ano 'yong mas makakabuti para sakin. Ganon niya siguro talaga ako kamahal..

Gusto ko man siyang balikan, hindi ko na magawa.

Sa tuwing lalapit ako sakanya, palagi na lang siyang napapahamak. Una sinaktan siya ng mga fans namin, pangalawa kung ano anong pinagsasabi nilang masama kay Keila nakita pa lang nila kaming magkasama at ang pinakamalala don, napasara 'yong cafe niya dahil sa paninira ng fans namin at dahil kay Krystal. Sa sitwasyon ko ngayon, hindi ako pwedeng bumalik sakanya dahil mapapahamak lang siya. Mas importante sakin na ligtas siya. Isa pa mukhang masaya na naman talaga siya kay Dwayne.

Ayoko siyang mahirapan. All I want is for her to be happy and sadly, I can't give her the happiness she deserves.

Kahit masakit, partly masaya ako kasi kapag kasama niya si Dwayne masaya siya tska tahimik lang ang buhay niya. Kung hindi nga lang siguro siya nadikit sakin, baka hindi nangyari 'to. Baka hindi napasara 'yong cafe niya.

Humigpit lalo 'yong pagkakahawak ko sa manibela. Naiinis na naman ako sa sarili ko. Napahamak na naman si Keila ng dahil sakin. Hindi na naman kasi ako nag iingat.

I fvcking hate myself.

"I wish our situation would be so simple," bigla na lang may mga luha na tumulo mula sa mata ko. "Mahal kita at mahal mo din ako. Sana ganon na lang ka simple ang lahat."

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Where stories live. Discover now