"Itoy, ikaw na maghimay ng sitaw" rinig ko pang sabi ni Nanay sa kapatid ko bago ako tuluyang makalabas ng kusina. Napadaan pa ako sa kwarto ni Inang na sakto namang palabas.

"may tao daw. Narinig kong sumisigaw si Itoy. Sino ba?"

"Si Ces po Inang, baka dadalawin si Rae" nakangiting sabi ko.

"Ay sige Dalian mo. Papasukin mo na para gumaling na ang pinsan mo" natawa na lang ako sa sinabi ni Inang. Suportadong suportado talaga ng buong pamilya si Rae.

Bumaba na ako, nakita ko si Cecille na naghihintay sa tapat ng hagdan.

"O ces bakit di ka pa umakyat?"

"nakakahiya naman kung aakyat agad ako"

"Sus para ka namang iba. Tara na sa taas" aya ko sa kanya. pag-akyat namin nakaabang na si Inang samin.

"O Cecille buti nakadalaw ka?" tanong ni Inang.

"Mano po Nana Luisa" nagmano na si Ces tapos, inaya ko syang maupo sa sala.

"kagandang dalaga talaga hano? Wala pa bang lumiligaw sayo?"

"Inang naman. Yan agad tanong nyo?" tiningnan ko si Cecille at halatang hiyang hiya sya kay Inang pero sumagot pa rin sya.

"Wala po. Wala pa rin naman po sa isip ko yan" malumanay na sagot nya kay Inang.

"Ay mabuti naman kung ganon!" tuwang sabi ni Inang.

"Ano pong ibig nyong sabihin?" tiningnan ko si Inang nanlalaki yung mata ko. sana lang makuha nya yung ibig sabihin ko.

"Ah ang ibig kong sabihin mabuti naman dahil dapat inuunan nyo ang pag-aaral" napahinga ako ng maluwag. Ang ibig ko kasing sabihin kanina ya baka may masabi syang iba, hindi pa naman alam ni Ces na gusto sya ng pinsan ko.

"Ah ganun po pala" buti naman at naniwala si Ces.

"O bakit ka nga nadalaw Ces? May kailangan ka ba?" kita ko na nag-aalangan pa syang magsabi.

"D-dalaw sana ako kay Rae" halos sabay pa kami ni Inang na nagliwanag yun muka.

"O dadalaw pala. Sige na, samahan mo na sya sa kwarto ng pinsan mo" excited na sabi ni Inang na halatang halata na pinagmamadali kami.

Inaya ko na si Ces na pumunta sa kwarto.

"Buti napadalawa ka Ces, wala ba kayong lakad ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Wala naman, saka nag-alala ako nung sinabi mo na may sakit si Rae. Ilang araw na kasi syang di nagpupunta sa bahay kaya nagtataka rin ako." Lihim akong napangiti. Sabi ko na nga ba e, tyak na mamimiss nya ang pinsan ko dahil nga palagi kaming nagpupunta don tapos biglang huminto diba.

"Dito tayo Ces, dito yung kwarto ni Rae" tumango lang sya. Dahan dahan kong binuksan yung pinto para makapasok kami.

"Insan?" mahina kong tawag pero hindi ito sumagot.

"tara Ces, pasok ka" maingat kaming pumasok sa kwarto. Nakatalikod pa rin samin si Rae at balot na balot pa rin sya ng kumot. Dahan dahan kong sinilip si Rae.

"nakatulog na ata sya Ces, gising pa sya kanina pag-alis ko e. kani-kanina lang bago ka dumating"

"ganun ba? Ayos lang bang dito muna ko?"

"Oo naman. Kaya lang baka naman mainip ka kasi natutulog si Insan. Pwede ka naman bumalik mamaya"

"Hindi, okay lang. hihintayin ko na lang magising si Rae"

"Sige sabi mo e." natahimik kami pagkatapos nun. Nakatingin lang sya kay Rae at ako naman nakatingin sa kanya. iniisip ko kung ano kaya ang iniisip ni Ces ngayon na nandito sya sa kwarto ni Insan.

Meeting CecilleWhere stories live. Discover now