Chapter 61 [Part 1]

Mulai dari awal
                                    

"Wala. Pero katulad mo, mahal ko rin si Kayla dahil siya ang kapatid na wala ako. Kaya natural lang na protektahan ko rin siya. Excuse me." Naglakad na siya pababa. Napatigil lang ako ng ilang minuto doon bago ako naglakad ulit papunta sa loob ng room ko at pabagsak na nahiga at ipinatong ang mga braso ko sa noo.

Hindi ako sigurado kung nagsasabi nga si Jerry ng totoo, pero mas maayos na rin na siya ang isa sa mga nagbabantay kay Kayla. Pareho namin mahal ang babaeng iyon kahit nga matigas ang ulo at hindi sumusunod sa mga sinasabi namin. We felt the need to protect her. Mayroon kasing aura si Kayla na kahit mukha siyang matapang at walang kalambing-lambing sa katawan o parang wala siyang pakialam sa ibang tao, you will still feel the need to protect her. Iyon ang nararamdaman namin ng mga kaibigan niya, panigurado.

Nakita kong nakapatong ang remote ng TV sa side table kaya kinuha ko ito at pinindot ang 'ON' button at nagbukas naman agad ang TV.

"Breaking news! Isa na namang babae ang nakitang patay sa isa sa mga kilalang hotel sa bansa, ang Brilliantes Hotel and Resort. At kumpara sa ibang mga naging kaso noong nakaraang apat na taon, ngayong taon lang may namatay sa ikalawang beses. Sa ngayon ay nai-disclosed ng mga pulis at sa gobyerno na may mga hakbang na silang ginagawa para matigil na ang kaguluhan at patayan na ito. Hanggang ngayon ay sinasabi ng iba na isang multo daw ang may kagagawan ng patayan pero meron ring iba na sinasabi na may malalim na dahilan daw siguro ang killer para gawin ito sa BHR pero ayon sa may-ari ng nasabing hotel na si mr. Brilliantes, wala naman daw silang nakaalitan sa mga ibang kumpanya. Nakiki-usap din ang pamilya nila sa mga pulis na sana ay maayos ng maaga ang kaso para hindi laging natatakot ang mga tao. Ako po si Sherry Cruz, nag-uulat." -TV

Damn! Nagkakasunud-sunod na ang mga problema namin! Sabi ni K sa kin nung isang araw na dumadalaw daw sila lagi nila Pran at Heyenne kay Lindonne na naka-stay sa hotel nila at siyang nag-aayos ng problema dahil si Tito ay nasa ibang bansa at inaasikaso rin ang ibang branch ng nasabing hotel. Lahat na ng tao nagkakagulo at iyong iba hindi na nagtitiwala sa palakad ng mga Brilliantes kaya nagsisiback-out daw ang mga ito, sabi ni Lindonne.

*This I promise you-Nsync*

Kinuha ko ang phone na nakapatong rin sa side table at sinagot ito. "Hello?"

"Nakita mo ba iyong balita, Noob?" Si K.

"Yeah, I just watched it. Tinawagan niyo na ba si Lindonne?" I asked worriedly.

"I tried calling her pero cannot be reached lagi ang sagot! Fuck! What is happening!? Masyado na atang atat na mapunta sa impyerno ng mga killer na iyon!" Kung sa ibang sitwasyon lang, tatawa na ko sa pagmumura ni K. Cute kasi siya pag nagagalit, namumula ang buong mukha.

Pero seryosong bagay ito. "Wait, tumatawag sa kin si Pran, confe tayo." May narinig ang parang nagpipindot at maya-maya lang ay narinig ko na ang boses ni Pran na kalmado pa rin. "Pran, did you call Lindonne!"  K asked.

"Yeah, kaso cannot be reached. I texted Heyenne and she told me the same. Hay, what is happening to this world?" -Pran

"Are you sure you're worried? Eh parang kalmado ka pa rin sa mga nangyayari eh." -me

"Tss." -K

"Yes, I'm worried and thankfully, Gello, I'm drinking my soothing tea to keep me calm. Kung wala akong tea dito, you will see my devil side, again." -Pran

Napangiwi akong tumingin sa phone ko na parang si Pran iyon at binalik ko rin sa tenga ko. Double damn! Ayoko nang makita si Pran na nasa devil side niya. Nakaka-trauma. Lahat ng mga taga-PCA, yung mga matatagal nang estudyante doon, alam nila ang ugaling iyan ni Pran kaya nahihintakutan silang inisin o asarin ito.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang