Way #3 (Part 4)

Depuis le début
                                    

Teka...

Isa pa. Last na.

Kinuha ko yung wallet ko mula sa bag ko para magbayad.

Wait. Halungkat muna ng bag.

...

Wala.

Nawawala ang wallet ko. >.> UWAAAAAAAAAA.

ANONG GAGAWIN KO?

Nakatingin na sa akin yung katabi kong lalaki. Alam niya siguro na hindi pa ako nagbabayad. Paano na ba yan? Nalimutan ko ata sa Newspaper room yung wallet ko!

Bumili pa kasi ako ng banana cue kanina. >.< Napala ko sa pagkain!

Hala, nakatitig pa rin sa akin si kuya. O.O Anong gagawin ko?!?

ANO BA? ANO BA? ANO BA?

Sagutin mo ako! ANO ANG GUSTO MONG GAWIN KO!

Wait. Teka, since tatlo na ang tips na ginagawa ko, siguro naman maganda na ako ngayon. Nagtwenty five laps pa nga ako kanina! Siguro sexy na ako.

Ma-try ngang i-seduce si kuya para ilibre niya ako sa pamasahe.

Dahil nakatingin pa rin siya sa akin, dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Yung tipong pati yung eyelashes ko, naka-slow motion ang pagtingin. Then, nag-pout ako ng aking lips.

Medyo napa-sandal si kuya sa inuupuan niya. Siguro hindi na niya kaya ang tension sa aming dalawa. HOHO. Nase-seduce ko na ata siya!

“PARA PO!” biglang sigaw ni kuya sabay takbo paalis.

Hala, hindi pa nga gumagalaw ang jeep, pumara na siya. T___T

Then, napansin ko na nakatingin na sa akin yung drayber.

“Ikaw, totoy? Bayad mo?”

Patay, alam niyang hindi pa ako nagbabayad.

WAIT. TOTOY?!?

“Manong, babae po ako!” napalakas masyado ang sigaw ko.

“Weh? HAHAHAHA. Oh sige na nga! Bayad mo, NENE?” ayaw maniwala nung drayber na babae ako.

Kelan pa naging possible mapagkamalan na lalaki sa sobrang pangit? -_-‘

“Manong, pwede po bang utang muna?”

“Hindi ako nagpapautang. Kung wala kang pambayad, bumaba ka na!”

Nakatingin silang lahat sa akin nung bumaba ako. Nakakhiya lang. TT_____TT

Bumalik na lang ako sa school para hanapin yung nakakagigil na wallet. Siguro nga sa Newspaper room ko lang yun nalimutan. Sana naman.

Ayaw ko maglakad papauwi, dadaan pa kasi ako sa isang sikat na bar. Kahit mga 7:30 pa lang, marami na ang lasing dun. Mga palaboy-laboy sa kalsada. Nakakatakot dumaan, baka kung ano pa ang mangyari sa akin dun.

‘Pag pasok ko sa hallway namin, madilim na. >.< Sa buong hallway, parang tatlo lang ang ilaw na nakabukas. Nakakatakot naman, nasa dulo pa yung pupuntahan kong room.

Dahan-dahan akong naglakad. Takot kasi ako sa mga multo. Ibigay mo na ang lahat, ‘wag lang multo.

Pero kahit takot na takot ako sa kanila, hindi pa ako nakakakita ng multo. Minsan, may malamig na hangin ang dumadaan sa likod ko ‘pag solo ako sa bahay. Pero hanggang doon lang. Siguro pati yung mga multo, ayaw ako makita. Napapangitan din siguro sa akin.

7 Ways to Become BeautifulOù les histoires vivent. Découvrez maintenant