"Yes." he smiled.

"Okay na tayo ha?"

"Oo na..." pagsuko niya.

Bahagya akong ngumiti habang pinagmamasdan si Jared. Minsan hindi ko talaga maisip kung paano ako nagawang mahalin ng isang tulad niya. I'm so blessed to have in my life. Si Jared na ata ang nagturo sa akin na tumayo sa sarili kong paa. To decide in my own. Na kahit kontrolado ng mga tao ang buhay ko, they can't control my feelings.

"Bakit ka nakatingin sa akin ng ganyan?" kunot noong tanong ko kay Jared ng mapansin ko na nakatitig din siya sa akin.

"I realize that I'm so blessed to have you." aniya. Marahan ko namang hinampas iyong balikat niya. Humalakhak naman siya at tumalikod sa akin. Tumingin siya sa langit. "You know what, I'm planning to settle down as soon as possible." seryoso niyang sabi.

Napatingin naman ako sa kanya. "Gusto ko ng magkaroon ng sariling bahay kung saan kasama kita at iyong mga magiging anak natin. I want to prepare for our future. Pero I can wait until everything's okay and we're both ready." malumanay na wika niya. I smiled.

"Sabihin mo lang kung plano mo ng mag-settle down, ayos lang naman sa akin." marahang sabi ko.

"Hindi. I want you to reach for your dreams, Gail. Alam mo ba na sa tatlong taon na pagsunod ko sa'yo, sa bawat pagkakataon na nakikilala kita... I know that my wife is so selfless. You can compromise between your own desires and the desires of your love ones. At hindi naman lingid sa kaalaman ko na ganun din ang ginagawa mo sa akin ngayon. You're compromising for me. Kaya naman, I want to step backwards and let you chase your own dreams. I want you to know that I support you whatever you want to do in your life. At habang ginagawa mo iyon, nasa likuran mo lang ako. I'm willing to wait for you" aniya.

Humarap siya sa akin at ngumiti. I'm so stunned by the way he looks at me. "Tulog na tayo, baby?" nakangiting tanong niya.

Tumango ako at naunang pumasok sa loob ng kwarto niya. Sumunod naman siya sa akin. Nilingon ko siya at nakita ko na nakatingin na naman siya sa akin. Halos magsalubong ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Ano na naman kayang problema ng lalaking 'to? Bahagya siyang ngumisi habang humahakbang palapit sa akin

"Bakit?" tanong ko pero nagulat na lang ako nung bigla niya akong hapitin palapit sa kanya at muling hinalikan.

It was deep and passionate. Lumakas ang kalabog sa puso ko dahil sa ginagawa niya sa akin. Hindi ko man lang namalayan na naihiga na niya ako sa kama niya. He stopped kissing me and looked at me directly. Malumanay at malambing ang tingin niya sa akin. Hinawi niya iyong mga buhok na nakaharang sa mukha ko.

"I love you, Gail. I love you so much..." aniya at muli na naman akong hinalikan. Bumaba iyong halik niya sa leeg ko.

"Mahal din kita Jared..." I slowly answered and let him own me again.

*

Marahan kong minulat ang mata ko nung maramdaman ko na mahimbing ng natutulog si Jared. Pinagmasdan ko siya at hindi ko maiwasang mapangiti. I raised my hand and slowly traced his eyebrows and his eyelashes. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Nilapit ko iyong mukha ko sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa labi.

"I love you, Jared." marahang bulong ko.

Marahan kong tinanggal iyong braso niyang nakadagan sa akin. I want to go out. Hindi kasi ako makatulog. Somehow my mind is preoccupied by many thoughts. Kung pwede lang sana ay iyong ngayon na lang ang isipin ko. Kaming dalawa ni Jared at wala ng iba. I want these moments with him to last longer. Pero hindi pwede kasi kailangan naming ayusin ang lahat.

Beauty and the BeastWhere stories live. Discover now