Chapter 26: Photo shoot (Part 1)

Start from the beginning
                                    

Para sa kanya ang isang oras na pakikipag-usap kay Zyrah ay parang unti-unti humihigop sa kanyang kaluluwa.

"Miss any problem?" Natauhan siya sa lamig ng pagkakasambit ni Zyrah. Alam niyang may laman sa tono nito. May halong pagbabanta at pagpapaalala. Kaya naman agad niyang inayos ang sarili at pumormal.

"No. I'm fine. Sorry masyado lang maraming iniisip." Pilit nitong tinago ang kaba sa kanyang boses.

"Before anything else, I want to thank you for accepting this offer." Pormal na panimula nito. Bahagya siyang nginitian ni Zyrah na parang sinasabing tama lamang ang kanyang ginagawa. Nakahinga naman na siya ng malalim dahil dito.

"Kami dapat ang magpasalamat. You're offer is great." Ganti ni Sam.

"So ok lang ba kung umpisahan na natin ang shoot?" Sambit nito at tinawag mula yung lalaking naka-suit.

"Please guide them to their dressing room." Yumuko ang lalaki at sinunod ang kanyang sinabi pero bago pa man makaalis sila L ay lumingon ito kay Victoria.

"By the way, they're with us. Please treat them right while we can't accompany them."

"Sure, pwede muna silang maiwan dito habang nag-aayos kayo." Ngumiti ito ngunit halatang kabado. Tumango lamang si L at sumunod na sa kanyang kasama.

Nang tuluyan na silang makalabas ay naglakad lakad si Zyrah sa opisina ni Victoria.

"I'm impressed. Masasabi kong kahit wala ako'y napapatakbo naman ng maayos ang branch dito." Nakangising saad nito bago umupo sa visitor's chair.

"Miss Zyrah." Nakayuko namang bati ni Victoria. "Ano pong sadya niyo rito? Bakit po kayo napapunta? Sorry po pero kakarating lang po ng utos galing..."

"I'm not her intentionally. At kung tungkol man kay mommy 'yang sasabihin mo ay wag mo nang ituloy." Zyrah cut her off. Bumalik ang pagiging malamig ng boses nito at mariing tinitigan si Victoria.

"Sorry po." Nakayukong hingi nito ng tawad

"Don't be so formal. Hindi naman ako ang boss mo ngayon right?" Muling sambit ng dalaga.

"Gusto ko lang ipaalala sayo na tama ang ginawa mo kanina. Don't act as if you know me tuwing may ibang tao. Kung ganitong sila Debby lang ang kasama ko'y ok lang pero kung may iba, Act as if I'm not important." Dagdag pa nito saka bumaling sa kanyang mga kaibigan.

"Yes Miss Zyrah." Nginitian lamang siya nito at hindi na sumagot pa.

Napalingon na lamang sila ng bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalaking naka-suit kanina.

"Ma'am Victoria, hinihiniling po nila kung pwede daw po ba mag-stay ang mga kasama nila sa set. Mas comfortable daw po sila kung makikita ang mga ito na nanonood sa kanila." Magalang na sambit ng lalaki. Hindi maiwasang mapa-irap nila Aphro.

"Those bastards. Napakaarte kahit kailan." Naiinis na sambit ni Aphro. Napabuntong hininga na lamang sila Debby. Tumango si Zyrah kay Victoria at sumunod na sa lalaki. Nang palabas na ay sumabay sa kanya si Debby kaya't napalingon siya rito.

"I'm sorry." Bulong nito na ikinakunot ng noo ng dalaga.

"For what?" Nagtatakang tanong nito.

"Sa nangyari kanina." She's guilty. Zyrah can feel it at bahagya siyang natawa dahil doon. Nakangiting ginulo niya ang buhok ng kaibigan.

"Wala yun. I know you only care." Sambit nito at tuluyan na silang nakarating sa set.

"What the fuck?" Bahagyang nagulat sila Zyrah ng bumungad sa kanila ang sigaw noong baklang may hawak ng camera.

Rule Breakers : Royalty Clash ☠Where stories live. Discover now