"Nasaan ang anak ko." Malamig na sambit naman ni Mr. Rodriguez.

"Kasalukuyan na siyang dinadala sa morgue ngayon."

Nanlumo ako sa narinig ko. Hindi ko akalain na sa morgue na kami muling magkikita ni audrey. Oh God! Sabihin nyo saakin na nababangungot lang ako! Sabihin niyo sakin na isa lamang itong masamang panaginip! Sabihin nyo sakin na buhay pa ang kaibigan ko at hindi totoo na wala na siya! Please, someone tell me this isn't true. Please someone tell me she still alive.

Kahit sobrang nanghihina kaming lahat ay pinilit naming tumayo. Pumunta kami sa morgue na sinabi ng doctor, pagbukas namin ng pinto ay nakita ko na napatakip ng bibig si Tita Aila habang walang humpay na umaagos ang kanyang mga luha, maging ako ay nanghina sa nakita ko.

Nakahiga si Audrey sa isang malamig na higaan na metal habang nakabalot ng puting kumot ang kanyang katawan. Tumakbo si tita aila sa tabi ng kanyang anak at niyakap niya ito.

"Anak, wake up please! Nandito na si mommy. Anak gumising ka, anak hinding hindi kana namin iiwan. Please a-audrey wake up! Wag mo naman kaming iwan anak!"

Punong puno ng iyakan sa loob ng malamig na morgue. Nilapitan namin ang malamig at napaka-pale na katawan ni audrey, dahan dahan kong hinawakan ang kamay niya kasabay ng lalong pagbuhos ng aking mga luha.

"A-Audrey. Bakit hindi mo tinupad ang pangako mo na lalaban ka? Diba ang sabi mo kakayanin mo? Masyado kana man excited umalis. Sana naman tinanong mo muna ko kung h-handa na ba ko sa pag-alis mo, p-para hindi ako nasasaktan ngayon."

---

Lumipas ang apat na araw at nailibing na si Audrey, noong araw na iyon gustong gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala at magmakaawa sa mundo na ibalik ang kaibigan ko pero alam ko na kahit anong gawin ko, hinding hindi na siya maibabalik.

Araw araw tulala ako, araw araw kinakausap ko siya, pakiramdam ko nawalan ng napakalaking parte ang puso ko. Bakit hindi man lang niya ko winarningan na aalis na pala siya? Ni ang makipag-usap hindi niya ginawa and before she left, why isn't she coming back to hug me?

End of Flashback.

"Audz, sana masaya kana ngayon, alam ko lagi kang nandyan sa tabi naming lahat. Shaks! Ayoko nang umiyak. Alam ko ayaw mo kaming nakikitang umiiyak ng dahil sayo, kaya promise, last na to."

"Amber!" 

Napalingon naman ako sa taong tumawag sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Taas kilay na tanong ko.

"Alam ko kasi na nandito ka kaya dito ako pumunta." Sagot naman niya.

"Ewan ko sayo! Bumalik ka nalang dun sa babaeng kausap mo kanina." I said then rolled my eyes in annoyance.

"Wait, are you jealous?" Tanong niya habang nakangiti ng nakakaloko.

"Me? Jealous? Ofcourse not!" Sabi ko.

"You're not good in lying." Natatawang sabi nito.

"Can't you state the obvious?" Taas kilay na sabi ko.

"So nagseselos ka nga?" Sabi niya habang nakangisi.

"Halika nga dito." Sabay hila niya sa kamay ko. 

"Nagtatanong lang naman yung babae kanina, masyado ka namang hot."

"I know" Sagot ko naman, I heard him chuckled.

"Eh kung sinagot mo nako, edi sana iyong iyo na ko." Sambit nito. Excited? Hindi makapag hintay?

"Mag-tigil ka nga kevin!" Saway ko sakanya, saka naman ako humarap sa puntod ni Audrey. 

"Audz! Multuhin mo nga itong kuya mo! Nanliligaw sakin tapos napakadami namang kinakausap na ibang babae!"

Pagsusumbong ko kahit na alam kong hindi naman ako masasagot ni audrey.

"Baby sis wag kang maniwala sakanya, nagtatanong lang naman kanina yung babae, at dahil dakilang gwapo at mabait ang kuya mo eh sinagot ko yung tanong niya." Depensa naman ni kevin.

"Teka anong konek ng gwapo dun?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Wala." Natatawang sabi niya.

"Kevin, amber.." Napalingon naman kami ni kevin sa tumawag sa pangalan namin. Nagulat ako ng makita ko si tita aila. Alam ko kasi hindi siya nagpupunta dito. Simula nung mamatay si audrey ngayon ko lang siya nakita na nagpunta dito.

"Tita/mommy." Sabay naming sabi ni kevin..

"Kanina pa ba kayo nandito?" Tanong niya saamin kaya tumango nalang kami.

"Pwede ba kong mapag-isa muna dito?" Bakas pa rin sa boses nito ang labis na kalungkutan.

"Sure po tita, hintayin na lang po namin kayo sa kotse." Sagot ko.

"Sige, salamat." Sabi nito.

Bago kami umalis ay lumapit na muna ulit ako sa harapan ng puntod ni audrey.

"Bye audz. Dadalawin nalang ulit kita ha? I miss you so much. Alam ko nasa langit kana ngayon at sana maging masaya kana, wag kang magtaray dyan ah?" Sambit ko saka ko na hinalikan ang lapida ng puntod niya. Sa lapida niya ay may maliit na larawan na nakalagay.

Aila's POV (Audrey's Mom.)

Pag-alis ni amber at kevin ay nilapitan ko ang puntod ni audrey, nilagay ko ang mga bulaklak na dala dala ko sa ibabaw ng kanyang lapida at nagsindi ng isang kandila.

"Anak pasensiya kana kung ngayon lang ulit nakadalaw si mommy. Hanggang ngayon kasi sariwang sariwa pa rin sakin ang pagkawala mo, parang kahapon lang ang lahat. Parang kahapon lang nung sabihin ng doctor na wala kana. Anak patawarin moko. Masakit parin kasi hanggang ngayon."

Napaluhod ako sa harapan niya at tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"I'm sorry Audrey, I know it was all my fault, pero alam ko na kahit ilang beses kong sisihin ang sarili ko ngayon hinding hindi na maibabalik ang buhay mo anak at ang araw na itinakwil kita. Anak sana mapatawad moko. Pasensiya kana kung ipinagkait ko ang pagmamahal ko para sayo. I have my reasons and it sad because you wouldn't be able to know my reasons. Patawarin moko anak, kung maibabalik ko lang sana ang panahon."

What I feel right now is Pain and Regret.

Nasasaktan ako anak, dalawang taon na magmula ng iniwan mo kami, pakiramdam ko kahapon lamang ang pangyayaring iyon. Sa dalawang taon na iyon ay nilamon ako ng sobrang kalungkutan ng dahil sa pagkawala mo. Maaaring nabuhay nga ako sa dalawang taon na nakalipas pero pakiramdam ko, ang puso at kaluluwa ko ay unti unting namamatay sa mga araw na nagdaan na wala ka.

Gustong gusto kong mag move on, gustong gusto kong makalimot, pero kahit anong subok ang gawin ko, hindi ko magawa. Nagpakalunod ako sa trabaho, nagpakabusy nako't lahat pero lahat ng yun ay hindi man lang nakatulong. Anak alam ko hindi mo gustong nakikita akong ganito, kaya patawarin moko anak. Pipilitin kong kalimutan ang pagkawala mo pero mananatili ka dito sa puso ni mommy.

Kung maibabalik ko lang sana ang araw na ipinaalis at itinakwil kita sa pamamahay ko, hindi ko na sana ginawa, na dapat ay hindi ko naman talaga ginawa. Sobrang pagsisisi ang nararamdaman ko. Kung hindi lang sana kami naging duwag ng daddy mo sana kasama ka pa namin ngayon, pakiramdam ko wala akong kwentang ina. Siguro nga ay napaka walang kwenta ko naman talagang ina sayo. Tiniis kita! Itinakwil at hinayaang mabuhay ng mag-isa habang ako nag-ampon ng isang anak na hindi ko naman kaano ano at hindi ko man lang naisip ang kalagayan ng sarili kong anak. Nagmahal at nag-aruga ako ng anak ng ibang tao pero sarili kong anak hinayaan ko lamang mawala ng dahil sa kaduwagan.

Hinding hindi ka mawawala sa puso naming lahat audrey at mananatili ang mga magagadang ala-ala na iniwan mo nang mga panahong nakasama kita.

Alam ko anak hindi sapat ang 'sorry' at salitang 'patawad' sa laki ng kasalanan ko sayo, pero anak sana mapatawad mo si mommy. Sobrang pagsisisi ang nararamdaman ko ngayon. Kung maibabalik ko lang ang dalawang taon na yun, wala akong ipaparamdam sayo kundi saya at pagmamahal. Patawarin mo'ko anak.

END

Pain and Regret Where stories live. Discover now