CHAPTER 8: Jealous

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sandali nga lang! Ba't ka ba nagagalit?! Bumawi lang ako sa una na ikaw ang nag-intiate!"

"Yung akin may dahilan! Eh ikaw? Ano dahilan mo ha?!"

"NAKAKAAKIT KA KASI! >////<"

Natahimik ang buong paligid. oo buong restaurant ang natahimik. Tumingin ako sa paligid at lahat sila nakatingin sa'min.

Tiningnan ko si Ate Abi at parang mas kinikilig pa kesa sa'kin! So ibig sabihin kinikilig din ako? Nah =///=

Tumingin naman ako sa kabilang lamesa at nagsalubong ang mga tingin namin ni Polly. Ang cold ng pagkakatingin niya sa'kin, meron siyang gustong ipakita pero di niya yun magawa. Hindi ko siya mabasa.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumayo at lumabas.

"Jun--" napatigil si Arthemyst at napatingin sa'kin. Tinakpan niya ang mukha niya ng isang kamay tyaka nakayukong umalis.

"T-teka--" tumayo ako para sundan sila kaso hinawakan ako ni Achilles sa braso para pigilan.

"Sa'n ka pupunta? Pagkatapos kong mapahiya iiwan mo ko dito?" bulong niya.

"Aish!" umupo ulit ako. Siguro kailangan munang mag-isa ni Polly. "Kasalanan mo 'to eh! >__< Bakit ba kasi ngayon ka pa bumabanat?!"

"Hindi yon banat! Tyaka sino bang namimilit sabihin yung dahilan ko?!"

"Eh sino ba kasing nanghahalik?!--"

"Sabi ko nga kakain na 'ko," mabilis niyang sagot tyaka nagsimulang kumain.

"Psh," I looked around at nakita kong nakatingin pa rin yung mga tao. I awkwardly smiled at them. "Kain na po, he-he-he."

Back to business na sila. I sigheed, gusto kong puntahan si Polly pumipigil sa'kin, at di ko alam kung ano 'yun. Aish! Idaan na nga lang sa kain 'to! >__<

Arthemyst's POV

Sinundan ko si Junior at pumunta siya sa likod ng restau. Mukhang di pa niya ako nakikita.

"AHHHH!" napasabunot siya sa buhok niya.

Lalapitan ko sana siya kaso natakot ako sa kanya. Nakakatakot siya parang hindi siya si Apollo na kilala ko.

"AAAHHHH BWISET!" sinipa niya yung malapit na bato. Goodluck na lang kung sakaling may matamaan yun.

"Achilles.... Achilles Villamor... Fck!" sigaw niya at sinuntok yung punong nasa likod niya lang.

Ohmygosh! Dumudugo yung kamay niya! Kaya kahit natatakot ako, lumapit ako at tingnan yun.

"Gosh Junior! Dumudugo!" sabi ko habang tinitingnan yung kamay niya.

"Bakit ka nandito?" cold niyang tanong na ikinagulat ko. 

"K-kasi wala ako dun," natatakot kong bara sa kanya. Oo kahit natatakot ako kaya ko pa ring mambara.

Cold niya lang akong tingnan tapos tumingin ng diretso sa malayo tyaka siya ulit nagtanong. "Ano ulit tawag mo sa'kin kanina? Junior?"

"H-hinde, senior. S-senior tawag ko sayo kanina."

"Kanina ka pa--" hinila ko na siya bago pa siya makapagsalita sa nakita kong gripo na malapit. Hinugasan ko yung kamao niya tapos binalot ko ng panyo ko. Alam kong masakit yun pero di siya umaaray. Hindi ko alam kung bigla bang nagbago si Apollo o ito yung totoong Apollo.

"Naku Athrmeyst, h-hindi mo naman ako kailangang gamutin nakakahiya," sabi niya habang kumakamot sa batok.

Tiningnan ko lang siya ng nagtataka. Balik to Nerdy Junior na ba? Parang dalawa yung pagkatao niya.

"B-bakit?" tanong niya.

"May split personality ka ba?" seryoso kong tanong.

"Huh?"

"Kanina, tinakot mo ko. Nakakatakot ka. ganun ka ba pag--" napatigil ako. Teka, nagseselos ba siya kanina? Kaya siya galit kasi nagseselos siya kay Achilles? At hindi naman siya magseselos pag wala siyang gusto kay Aphrodite di ba?

"Pag?" tanong niya.

I smled wickedly. "Pag nagseselos ka. May gusto ka ba kay Aphrodite?"

Nanlaki ang mata niya. "A-ano? W-wala no!"

"Eh pa'no mo ipapaliwanag yung kanina? May pasuntok-suntok ka pa sa pader nung binanggit mo ang pangalang 'Achilles Villamor'."

"Ah... A-ano.. Ano yun... Kasi ano..." natataranta siyang nag-iisip ng dahilan. Hahahaha! Nakakatuwa itsura niya!

"Oh sina Aphrodite aalis na!" tinuro niya sina Aphrodtie na nakasakay sa motor.

"Omo! Tara na!" hinila kosiya. Ligtas ka Junior, sa ngayon *grin*

=============================================================================

LOISY'S NOTE:

Sorry po kung naaaapakabagal ng aking update >___< Medyo busy po kasi sa school eh. Maski nga pagbasa ng stories hindi ko na nagagawa =___= Kung sino ang makakatuluyan ni Aphrodite? HINDI KO RIN ALAM! Hahahaah XD De joke, alam ko na kung sino, nito ko lang rin napagdesisyonan. Stress nga eh, parang kung ako si Aphrodtie talagang mahihirapan ako hahaha. Pero pwede pa naman magbago yun, basta kumbisihin niyo lang ako sa kung sino gusto niyong makatuluyan ng ating Goddess of Beauty XDD Sorry nga pala kung wala pa ganung scene na magkasama si Aphrodite at Apollo ah, kasi gusto kong ma-justify ang character ni Achilles para mapakitang may pag-asa din siya kay Aphrodite. Marami na rin naman kasing scene silang magkasama sa book 1 eh hohoho. Osiya haba ng author's note ko sorryyyyy~~ Sorry rin sa typo errors dami kong kasalanan >__<

_loisy_

Deja Vu?! [MGDMB Book 2] --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon