Amber's POV

Pagdating ko sa Coffee Shop ay nadatnan ko na doon si kevin kasama ang parents niya. Nung una ay nag alinlangan akong lapitan sila pero nilakasan ko ang loob ko at naglakad palapit sakanila.

"Sorry to keep you waiting." Sabi ko sakanila.

"Kakarating lang din namin. Have a seat." sabi naman sakin ng dad nya. Ngayon ko lang napansin na kamukhang kamukha pala ni Audrey ang daddy niya at magka-ugali rin sila.

"Amber ano yung importanteng sasabihin mo?" Deretsong tanong sakin ni kevin.

"What about her?" Tanong naman ng daddy niya.

"S-Sir kailangan kayo ni audrey." Naiiyak na sambit ko.

"W-What happened to my daughter?" Tanong ng daddy niya. Hindi ko na napigilan at naiyak nako sa harapan nila.

"S-Sir She has a brain tumor Stage 3. It is a malignant tumor, she need to be admitted but she refused it. Malubha na po ang kalagayan niya. Mam, Sir nagmamakaawa po ako sainyo. Tulungan niyo siya. She really needs her family right now. Ang sabi po ng doctor noon may paraan pa pero 50/50 po ang chance na mabubuhay siya at mas malaki ang chance na ikamatay niya iyon. Pero kung ako po ang tatanungin ay kahit 10% lang ang chance ay susugal ako para sa kaibigan ko. Ang sabi po ng doctor gagawin niya ang lahat ng makakaya niya pero napakalaking halaga ng kakailanganin kaya tinanggihan iyon ni Audrey. Ang sabi ko sakanya ay hihingi ako ng tulong sainyo pero nagmaka awa siya sa'kin na huwag kong sabihin iyon sainyo. Nung huling nagpacheck-up po si Audrey ay binigyan daw po siya ng taning ng doctor na 12weeks nalang ang remaining weeks ng buhay niya. It was few months back!" Tuluyan na'kong napaiyak pero pinilit ko pa'ring ituloy ang sinasabi ko.

"I talked to her doctor a while ago and he said that audrey really need to undergo the operation, dahil kung hindi ay maaari siyang mamatay and I won't let that to happen. Nung araw na inaway siya ni summer, sobrang kaba at takot po ang naramdaman ko ng makita ko ang tatlong malalaking pasa sakanyang braso. Ang sabi ng doctor noon na sa bawat pasang lumitaw sa katawan niya ay katumbas ng dalawang araw na buhay niya sa mundo. Kaya kahit ayaw po ng kaibigan ko, humingi na po ako ng tulong sainyo." Hinawakan ko ang kamay ng mommy nya.

"Ma'am tulungan niyo p-po si Audrey." Pagmamakaawa ko dito.

Laking gulat ko ng bigla nalang napahagulgol ng iyak ang mommy niya sabay yakap sa asawa nito. Nagulat din ako ng makita kong may pumatak na luha sa mata ni Mr. Rodriguez, si kevin naman ay halata sa itsura nito ang pagkashock at nangingilid na rin ang mga luha nito habang nakapatong ang nakakuyom niyang kamao sa table.

"A-Aldrin m-my audrey. It was all my fault. Kung hindi ko lang siya pinaalis noon. Pinagkait natin sakanya ang pagkakaroon ng magulang sa loob ng dalawang taon. Kung h-hindi natin siya tinalikuran naagapan pa sana ang sakit niya! Wala tayo sa tabi niya sa mga panahong kailangan na kailangan niya tayo! It was all my f-fault." Habang sinasabi iyon ni Mrs. Rodriguez ay nakayakap lamang siya sa kanyang asawa at humahagulgol pa rin ito sa pag-iyak.

"Hija dalhin mo kami sa hospital." Saad ng daddy nito. Tinanguan ko lamang siya at sinabi kung saang hospital naroon ang anak nila.

Bago kami pumunta sa hospital ay tumuloy muna sila sa bahay nila at sinundo ang nakakabatang kapatid ni Audrey na si kenji.

Dumiretso kami sa hospital at kaagad kaming sinalubong ni Doctor Jimenez. Panandaliang kinausap muna ito ni Mr. Rodriguez at pagkatapos ay sabay sabay na kaming pumasok sa room.

"Mom what are we doing here?" Narinig kong tanong ni kenji sa mommy niya pero nginitian lang siya nito.

Pagpasok namin ay nakita ko na gising na si Audrey at kitang kita sa mukha niya ang pagkagulat.

Audrey's POV

Nasaan na kaya si amber? tumingin ako sa paligid at nakita ko na mag-isa lang ako. Nakaramdam nanaman ako ng lungkot.

Napalingon ako sa may pinto ng marinig kong bumukas ito. Halos malaglag ang panga ko sa gulat ng makita ko ang p-parents ko kasama si kuya kevin at kenji. Panaginip lang ba ang lahat ng ito?

"A-Audrey a-anak.." Sambit ni daddy sabay lapit sakin at niyakap ako nito ng mahigpit. Nagulat ako sa ginawa niya pero niyakap ko rin siya pabalik at tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. One thing is I realized. A father's embrace is the safest place in the whole world.

"I'm so s-sorry my p-princess, I'm really sorry.." Sambit nito at naramdaman ko ang mga luhang pumapatak sa aking balikat. Umiiyak siya.

Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi labis na saya. Napakasaya ko dahil kayakap ko ngayon ang daddy ko na dalawang taon kong inasam na mayakap.

"B-Baby.." Sambit ni Mom saka ito umiiyak na lumapit sa'kin at niyakap ako.

"I'm s-sorry, anak. I know the word 'sorry' isn't enough compare to the pain I've gave to you. It was all my fault."

"Mom don't blame yourself too much. It was also my fault. I just wanted to say sorry. Sorry for not being good enough that made you want to disown me. Sorry kasi hindi ako yung gusto ninyong anak, sorry ka--"

"Shh..B-baby don't say sorry. Wala kang kasalanan at wala akong pakialam kahit ano kapa. Anak kita.. Patawarin moko, n-napakalaking kasalanan ang nagawa ko sayo a-anak, napakaselfish ko at ipinagkait ko sayo ang pagiging ina ko. Please forgive me.. Babawi ako.." Saad nito habang hindi pa rin humihinto sa pag-agos ang kanyang mga luha.

"Mom s-sapat na sakin na nandito po kayo, hindi nyo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Can we stop saying sorry? I want to catch up with guys bacause as you can see I'm running out of time. Sobrang nanghihina na po ako. Baka anytime pwe---"

"Audrey don't say that. I won't ever let that to happen. I'll do everything. Bago pa man isagawa ang operasyon mo ay ipapaalam ko na ito sa tita mo sa america. Her husband is a surgeon. He's one of best surgeons in the US. Fight for your life that's all I want to ask you." Sabi ni dad.

"P-Princess listen, I'll promise you that every single day we'll make you happy at gagawin ko ang lahat mabuhay ka lang. Magpagaling ka anak. Tulungan mo ang sarili mo." Sabi ni dad at tuluyan ng nagcrack ang boses nito. Nakita ko na yumuko na lamang siya habang nanginginig ang katawan dahil sa pag-iyak.

Lord maraming maraming salamat po, hindi niyo alam kung gaano ako kasaya ngayon..

"A-Ate.."

"Kenj.. "

Lumapit ito sa'kin at niyakap ako ng mahigpit habang umiiyak na rin, hindi ako pwedeng magpalusot sakanya kung bakit ako nandito. Matalino ang kapatid ko at sigurado ako na malalaman niya kung bakit ako nandito.

"Baby sis.." Napalingon ako kay kuya at ngitian siya, ngumiti ito pabalik, isang ngiti na napakalungkot.

Hindi na siya nagsalita at niyakap na lang niya ko ng sobrang higpit.

"Please don't die audrey." Naiyak ako ng sabihin iyon ni kuya. Hindi ko siya sinagot. Mas hinigpitan ko lamang ang pagkakayakap sakanya.

Hindi ko maipapangako sainyo na mabubuhay ako, pero pangako lalaban ako para sainyong lahat. Pero kung hanggang dito nalang talaga ang gusto n panginoon para sa'kin. I will accept his decision wholeheartedly..

Sapat na sakin ang isang araw na pinasaya niya ko. Pakiramdam ko ang dalawang taong pagkawalay ko sakanila ay natumbasan na ng sayang nararamdaman ko sa araw na ito.

Pain and Regret Where stories live. Discover now