Naglakad siya papunta sa upuan kung saan ang pinakadulo. Yun nalang kasi ang bakante at dinaanan nya lang kami na parang wala siyang nakita at hindi kami nag eexist.

Nang makalampas na siya sa table namin ay nakita kong tumayo si summer at nagcross arms.

"Ganyan ka ba bumati sa may ari ng eskwelahang pinag-aaralan mo?" Saad nito. Nakita ko na huminto si audrey sa paglalakad at tumingin sa direksyon namin. Walang emosyon ang mukha nito. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa parte ng dibdib ko. Hindi ko akalain na ganito na pala kalaki ang pinagbago ng kapatid ko, nasaan na ang makulit at maingay kong kapatid? How did she end up like this?

"What do you want me to do, then? Greet you with a warm hug?" She said sarcastically pero ramdam pa'rin ang panlalamig sa boses niya.

Nakita ko naman na naikuyom ni summer ang kamao niya at nagulat ang lahat sa sunod na ginawa nito.

Itinulak niya ng malakas si audrey. My sister fell on the floor at kitang kita sa mukha niya na sobra itong nasaktan pero pinipilit niyang hindi ipahalata ito

"Summer! What the hell is your problem?! Why did you do that to her?!!" Sigaw ko sakanya sabay lapit ng mabilis kay audrey at tinulungan itong tumayo.

"Will you stop defending that girl? Don't tell me kuya, you like her?! Wala ka na bang taste? Baka pera lang habol niya sayo! Goldigger bitch!" Sigaw nitong muli.

"I said stop! Tumigil ka at manahimik ka! Wala kang alam!" Galit na sigaw ko sakanya.

"Summer tama na yan. Bakit mo ginawa yon?" Mariing sabi ni dad. Anger filled his eyes.

"Wag kang gumawa ng eskandalo dito! Pinagtitinginan na kayo! Mahiya ka naman." Pagpapatuloy ni dad.

"No dad. We doesn't deserve the rudeness from that ill-mannered insecure bitch!" Sabi nito.

"Summer." I said with a threatening voice that made her shut up.

"I think, Summer is right Mr. Rodriguez, hindi tama ang kabastusang ipinakita sainyo ni audrey, ako na ang humihiming ng pasensya para sakanya." Huminto saglit sa pagsasalita si Mrs. Quiroz "Palibhasa kasi wala na siyang magulang kaya wala ng nagtuturo sakanya ng tama o mali. Ipagpaumanhin ninyo." Sambit ng principal dahilan para mapa-smirk si summer.

"Kaya naman pala asal squater ka eh kasi wala ka ng magulang, siguro iniwan ka nila kasi ayaw nila sayo. Kawawa ka naman." pang-iinis ni summer dito.

Hindi pa rin tumatayo si audrey. Blanko ang ekspresyon nito habang umaagos ang mga luha niya.

"Mawalang galang na ho, ma'am. Pero hindi po porque wala akong koneksyon sa eskwelahan na ito ay may karapatan na kayong husgahan ang pagkatao ko. Wala ho kayong alam sa istorya ng buhay ko." Sambit nito. Napatingin ako ng masama sa principal.

"You even had the guts to talk back huh? Respect me!" Nanggagalaiti nitong sabi.

"Respect be gets respect for the one who deserve to be respected but I'm sorry ma'am. You're not even required to be respected." Sagot ni audrey.

Third Person's POV

Habang iniinis ni summer si audrey ay naikuyom ni Audrey ang kamao niya, ramdam na ramdam niya ang galit na umuusbong sa loob niya pero pinili niyang maging kalmado. She badly wants to slap and punch her right on her face but she feel so weak to do that. She's afraid too. Natatakot siya na baka kampihan nanaman ng mga magulang niya si summer at katulad noon ay talikuran siyang muli ng mga ito.

Sa kabilang banda naman ay naroon ang mommy at daddy ni audrey, na pareho ng naluluha marahil sa mga narinig nilang hinanakit mula sa kanilang anak na itinakwil nila noon.

Pain and Regret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon