"Salamat talaga sa inyong lahat. Magpapahinga lang ako pero bukas papasok na ulit ako dito sa cafe. Maghahanap na din ako ng security guard para sa cafe at hopefully bukas meron na tayo."

Bago ako makasakay sa kotse ko dumating si Dana. Lumapit agad siya sakin at niyakap niya ako ng mahigpit. "Sis, I'm really sorry. Hindi ko akalain na gagawi ng mga fans namin 'yon sayo. Sorry talaga." bakas sa mata niya 'yong pag-aalala. "Ayos ka na ba? Nag file na ba kayo ng police report? Kailangan nilang mabayad sa ginawa nila sayo. Wala akong pakialam kung fan ko pa sila. Malinhg mali 'yong ginawa nila, eh."

Humarap ako sakanya. "Dana, just calm down." parehong pareho sila ng iniisip ni Cloud. "Okay na ako, kalmot at sakit ng katawan lang 'yon pero hindi naman ako napuruhan pero sa susunod na saktan nila ako, ako na mismo ang mag re-report non sa mga pulis. Wag kayong masyadong mag-alala sakin." hinawakan niya ang kamay ko at pakiramdam ko naiiyak na siya.

"This is all our fault. Dapat na control namin 'yong issue na 'to. Dapat hindi na 'to lumabas pa. I will find the person behind this and I'll make sure, he or she will pay for it. I can't believe you're suffering because of me." masyado siyang nag-aalala sakin na hindi naman dapat pero masaya pa din ako sa concern na pinapakita nila sakin. "Gusto mo bang mag kape muna? Malayo siya dito at walang masyadong tao kaya safe don."

"Sige, ayos lang sakin."

Simula ng yakapin ako ni Dana, medyo sumigla ako kaya pumayag na din akong sumama sakanila. Sumakay si Dana sa kotse ko at siya na ang nag presenta na mag drive. Nakasunod naman samin 'yong van na gamit niya.

Pumunta kami sa Tagaytay. Wala pang dalawang oras 'yong byahe namin. Pumunta sa tagong coffee shop. Pagbaba namin ng kotse nakasuot na ng cap at sunglasses si Dana.

"Keila, I have to tell you something. It's about Kean."

Naisip ko agad 'yong mga lumabas sa news. Hindi pa nga pala ako nakakapag explain sakanya. Galit kaya siya sakin?

"Dana, wala talagang meaning 'yong pag punta ni Kean sa cafe. Napadaan lang siya don at 'yon lang 'yon. Hinding hindi kita tataluhin. Isa pa tapos na ang lahat sa amin." Hindi ko gustong maging defensive dahil ayokong lumabas na guilty pero ayon na 'yong lumabas sa bibig ko. "Galit ka ba sakin?"

Ngumiti siya at hinawakan niya ang kamay ko. "Keila, wala akong karapatan magalit kasi--" hindi niya natuloy 'yong sasabihin niya kasi tumunog bigla 'yong phone niya. "Sandali lang, sasagutin ko lang 'to."

Umalis siya sandali. Uminom na lang ako ng kape habang naghihintay sakanya. Tinignan ko 'yong inbox ko at napansin ko ilang araw na din na hindi nag te-text sakin si Dwayne. Kamusta kaya siya? Sana ayos lang siya.

Sandali, bakit ko ba siya biglang naisip?

"Kean, we have to tell her!" Napasigaw si Dana kaya hindi ko naiwasan na ma overheard 'yong usapan nila. Nag-aaway ba sila? Sana hindi dahil sakin. "Okay, fine I understand. Bye, see you later."

Pagbalik ni Dana, todo ngiti siya sakin. Feeling ko ayaw niyang isipin ko na nag-away sila ni Kean.

"Sorry about that." Uminom siya ng kape pero mukhang kinakabahan siya kasi nanginginig ng kaonti 'yong kamay niya. "Uhm.."

"May problema ba?" Tanong ko.

"Wala," Simula ng makausap niya si Kean sa phone parang wala na siya sa sarili niya. "Wala naman."

"Ano 'yong sasabihin mo tungkol kay Kean?"

"I just want to tell you that.. that.. We're okay. I mean, hindi naman naapektuhan ng issue 'yong relasyon namin kaya wala ka nang dapat ipag-alala." Huminga siya ng malalim. Kanina pa siya kinakabahan. Ayos lang ba talaga siya? Pero masaya ako na hindi sila nag-away dahil don. "We'll set up a presscon to clear your name. I can't sleep, thinking that our fans might attack you again." Lumapit siya sakin at niyakap niya ako. "I love you sis."

Nag tagal pa kami ng dalawang oras sa Tagaytay. Nag sight seeing at namili na din ng mga Christmas gifts. Babalik na daw agad si Papa dito dahil sa nabalitaan niya. Gusto ko man siyang pigilan pero alam kong hindi din siya magpapapigil. Parehong pareho talaga kami.

Madami kaming napag-usapan ni Dana. 'Yong tungkol sa TV series na ginagawa nila Kean, about kay Cloud, tungkol sa Cafe pero hindi namin napag-usapan si Kean at ang relasyon nila. Umiiwas na din ata si Dana sa topic na 'yon dahil feeling niya siguro masasaktan ako. Hindi naman pero mas preferred ko na din na wag pag-usapan si Kean.

Hinatid ako ni Dana sa bahay. Hinintay ko muna silang makaalis bago ako pumasok sa loob ng gate. Saktong pag-sara ko ng pintuan, may biglang kumatok.

Bumilis na lang 'yong tibok ng puso ko. Naisip ko agad 'yong mga fans nila Kean. Hanggang dito ba, guguluhin nila ako?

"Keila!"

Nanlaki 'yong mata ko sa boses na narinig ko. Binuksan ko 'yong pintuan at nakita ko siya. Nakatingin siya sa mga mata ko at punong puno ng pag-aalala 'yong mga mata niya.

 Nakatingin siya sa mga mata ko at punong puno ng pag-aalala 'yong mga mata niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hinila niya ako palapit sakanya pagkatapos niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"Alam ko na ayaw mo nang lumapit pa ako sayo pero pagkatapos kong makita 'yong news, sobrang nag-alala ako sayo. Pakiramdam ko mababaliw ako kapag hindi kita nakita ngayon."

Habang tumatagal mas lalong humihigpit 'yong pagkakayakap niya sakin.

"Keila, I'm sorry kung hindi kita naipagtanggol sakanila. Sorry kung wala ako nung kailangan mo ako. Promise, hindi ka na nila masasaktan. Hindi ko na hahayaan na makalapit sila sayo."

"Dwayne, ayos lang ako."

Humarap siya sakin pagkatapos hinawakan niya 'yong mukha ko. Feeling ko naiiyak siya. "Kahit ilang araw pa lang kitang hindi nakikita, miss na miss na kita."

"Dwayne.."

"I know Keila, I know. I still need to stay away from you but just remember that I'm always be here for you. I will protect you even though I'm far away from you." He smiled at me. Ngiti na may halong lungkot. Ako na 'yong nasasaktan para sakanya. "Kahit sa malayo lang kita makita, masaya na ako."

Lumapit ulit siya sakin pagkatapos hinalikan niya ako sa noo ko.

"Good night, Keila."

Dear tadhana,
Hindi ba pwedeng ma-meet mo na agad 'yong taong nakalaan para sayo? Hindi ko kasi maintindihan kung bakit may taong darating sa buhay mo para mahalin mo pero sa bandang huli hindi din pala kayo para sa isa't isa. Nasayang lang lahat ng effort at pagmamahal mo at ang masama nasaktan ka pa. Bakit ganon? Ganyan ka ba talaga kalupit?

-

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon