"How are you?" yan agad ang bungad niya sakin. "May masakit pa ba sayo?" lumapit ako sakanila at umupo ako sa tabi ni Cloud. "Keila, we have to do something about this. Hindi naman pwedeng basta basta ka na lang nilang sasaktan. Kailangan nilang magtanda. We need to file a police report for this." Alam na pala niya. By the look on his face, I know he's serious about it.

"Just let this pass and if they attack me again then I will file a report. I don't want to disturb you about this, Cloud. I know you're busy but it's not your fault because it's your job so let me handle this by myself, okay?" hinawakan ko ang kamay niya para sabihin na okay lang ang lahat. Na-appreciate ko naman lahat ng effort at pag-aalala niya pero hindi naman sa lahat ng oras nandyan siya para sakin kaya kailangan ko din tumayo para sa sarili ko.

"I get that you're trying to be independent but you don't have to shoulder all of this, Keila. We are here for you."

"I know and I will always be grateful for that, Cloud. It's just that I need to grow and part of it is that I need to be independent. You just have to trust me. I got this."

They just smiled at me, it's their own way of saying yes. Madalas sa mga ngiti lang namin, alam na namin kung anong gustong sabihin ng bawat isa. Ganon kami ka-close na tatlo dahil bata pa lang kami ni Cloud alam na namin na si Mama at ang isa't isa lang magiging kakampi namin sa buhay. Wala pa din kasi si Papa dati nuon kaya natuto na din kami na tumayo sa sarili namin na walang inaasahan sakanya.

Gusto pa sana akong ihatid ni Cloud sa cafe pero kapag hinatid niya ako, hindi ko na madadala ang kotse ko kaya hinayaan na lang niya ako.Syempre ang dami pa niyang pangaral sakin bago ako umalis. Tumawag daw ako kapag may kailangan ako. Wag daw akong magpabaya. Expected ko na naman 'yon kay Cloud at wala akong angal dahil alam kong concern lang siya sakin.

Kahit hindi niya sabihin, alam kong nagi-guilty siya sa nangyari sakin kagabi. Ganon naman si Cloud eh. He likes to take the blame and that's what I like about him. He knows how to take resposibility over things. Mas mature siya mag-isip kaysa sakin kaya feeling ko talaga kuya ko siya.

Pagdating ko sa cafe, nilapitan agad ako ni Aly. Halos lahat sila nag-aalala sakin pero hindi ko alam kung nag-aalala sila dahil late akong pumasok ngayon o dahil alam na nila 'yong nangyari sakin kagabi. Hindi na naman halata 'yong mga kalmot sa mukha ko kaya hindi na nila 'yon mahahalata pa. Ayokong sabihin sakanila ang nangyari sakin dahil ayokong mag-alala sila hindi lang para sakin pati na din sa security nila.

"Nakita na namin sa news 'yong nangyari sayo kagabi kaya kanina pa ako hindi mapakali dito. Okay ka na ba?" Sa news? Nabalita na pati sa news 'yong nangyari sakin? "Keila, okay ka lang ba talaga?"

Parang sumikip 'yong dibdib ko.

Kung mayroon man akong ayaw mangyari, 'yon ay ang lumaki at dumami ang nakakaalam ng issue na 'to. Gugulo lang lalo 'yong buhay ko at panigurado na may susugod na naman sakin na mga fans dahil don.

"Ayos lang ako, Aly. Wag niyo nang isipin 'yon. Sa susunod na sugurin nila ako, mag susumbong na ako sa mga pulis kaya wala na kayong dapat ipag-alala."

Bigla ko tuloy naisip na maglagay ng security guard sa cafe. Dagdag expenses siya pero mas mabuti nang safe kami dito. Habang buhay pa ang issue na 'to meron at meron pa ding threat sa akin at sa cafe.

"Miss Keila, kung gusto niyo mag pahinga muna kayo sa inyo. Kami na ang bahala dito sa cafe." alok ni Mommy Karen. "Mukha kasi kayong nanghihina." medyo nanghihina nga ako ngayon pero ayoko silang iwanan dito sa cafe.

"Kaya na namin dito Miss Keila, magtiwala kayo kayo. Kailangan niyong magpahinga." Sambit ni Chef Mira. "Nandito naman si Alyanna."

"Oo nga friend, magpahinga ka na lang muna. Ako na muna ang bahala dito."

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon