Prologue:

7.5K 213 22
                                    

"Nasaan na kaya 'yun?" Inip kong untag sa kawalan.

Narito ako ngayon sa tapat nang sinehan, habang naghihintay kay Earl. Manunood kasi kami ng sine para sa aming unang date.

Tumingin ako sa relo ko, past 7 na. Malapit na magsimula ang palabas, wala pa ang mokong.

Maya maya, naramdaman kong nag-vibrate phone ko. Si Earl, nag-text.

"Venko, pasens'ya di ako makakapunta marami kasing trabaho sa bahay e."

Nakaramdam ako nang panglulumo't panghihinang, ind'yanin ba naman ako? Sa first date pa namin. Sayang 'yung tickets 'tsaka 'yung popcorn at inumin na binili ko kahihintay sa dimuho. Napabuntong-hininga nalang ako. Itutuloy ko 'to kahit mag-all by myself pa ako.

Papasok na sana ako nang mahigip ng mga mata ko ang Impakto (Si Earl).

"Si Earl ba yun?" Nangunot ang noo ko.

Nag-ala ninja akong lumapit at... si Earl nga! Akala ko ba hindi s'ya makakapunta? 'Tsaka sino 'yung kasama nya?

Watdapak?! ba... Bakit n'ya kasama si Bes Sam? Totoo ba 'to... Totoo ba 'tong nakikita ko? Si Earl at ang best friend ko nag-HHWW (Holding hand while walking).

Nagtungo sila sa ticket booth, mukhang panunoorin rin nila ang dapat sana'y panunoorin namin. Nagtatawanan pa ang dalawa habang nanggagalaiti na ako sa galit.

Niloko nila ako, pinagkaisahan, at trinaydor.

Nakita ko silang pumasok sa loob ng sinehan. Hindi naman ako nagpahalata at sumunod.

Habang nakatutok ang lahat sa panonood, tutok naman ako sa pagmamasid sa kanila. Dinaig ko pa si James Bond sa pag-iispiya.

Hanggang sa...

Makita ko silang maghalikan.

Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam mararamdaman ko. Parang dinudurog, tinatadtad, at pinupulbos ang puso ko.

"Can somebody pinch me?" Sabi ko.

"With pleasure." Sabi ng katabi ko at kinurot ako.

"Aray!" Sigaw ko na ikinakuha naman ng atensyon nila Earl at Sam.

Tumayo si Earl nang makita ako. Nagmadali naman akong lumabas ng sinehan.

"Raven, I can ex..." Aniya nang mahawakan ako sa balikat pero hindi natuloy dahil sinalubong ko s'ya ng sampal.

"Explain?! Explain what? Gago! I've seen enough. Hindi ko na kailangang marinig paliwanag mo!"  Sabi ko at kumawala sa pagkakahawak n'ya sa balikat ko.

Bigla namang niluwa ng pinto ng sinehan si Sam.

"Raven?!" Ani Sam nang makita ako. Nginitian ko s'ya habang nangingilid na ang mga luha sa mata ko.

"Bumalik ka na 'dun, hinahanap kana ng trabaho mo." Sabi ko.

Napipi si Earl sa sinabi ko. Tinalikuran ko sila at umalis.

'Yung luhang kanina ko pa pinipigilan, nag-unahang tumulo.

"Ano na? Paano na? Ga'nun nalang 'yon?" Untag ko sa sarili ko na hindi ko rin alam ang sagot.

Hinayaan kong dalhin ako ng aking mga paa kung saan, hanggang sa makarating ako sa parke malapit sa mall. Naupo ako sa isang bench at tuluyang humagulgol.

Hindi ko pinansin ang mga taong dumadaan o nakakakita sa'kin. Bakit? Umiiyak rin naman sila a.

Maya maya pa ay may tumabi sa'kin, etchepwera lang ako at patuloy parin sa paghagulgol.

"Huwag ka nang umiyak, mahal ka nun."

HavenWhere stories live. Discover now