Chapter 38

329K 6.2K 657
                                    

BABALA: MEDYO SPG
-----------------------------

Chapter Thirty Eight

"Necktie"

Pagdating namin sa airport ng Dipolog City ay may sumundo na kaagad sa amin na isang kotse upang ideretso na kami sa kabilang lungsod ng Dapitan City.

Dipolog is a small, humble city of Zamboanga del Norte. I can't help but open the window of the car to feel the city's fresh air as we were riding to Dapitan.

Matagal-tagal nga ang biyahe namin papuntang Dakak beach resort. It gave me even more time to imagine the scenery of its shores.

"Hindi ka pa pagod?" Tanong ni Rance habang nasa tabi ko lang.

Nilingon ko siya't umiling ako.

"This is my first time here.." sabi ko lamang.

Nakapunta na ako ng Dipolog pero hindi ng Dapitan. Though they say they're just neighboring cities.

Unti-unting ngumiti si Rance. I know he is already getting tired. Buong biyahe mula San Fernando patungong Manila at sa buong biyahe din sa eroplano ay hindi siya natulog para lang mabantayan ako. Siguro ngayon ay pinapayagan na niya ang kanyang sarili upang magpahinga muna ng sandali.

It was a mountain-like road as we were getting closer to Dakak, tumingin ako sa aking relo at nakita kong bandang alas quatro na ng hapon.

"Naabot na ta, Ma'am, Sir." nang huminto na ang driver ay nilingon na niya kami at nagsalita narin siya ng bisaya. Kumunot ang aking noo dahil hindi naman ako marunong. I guess what he meant was that we're already here.

"Rance, nandito na raw tayo..." niyugyog ko ng bahagya si Rance na ngayon ay nakapikit na ang mga mata't nakasandal na sa upuan ng backseat. I was too awed by the scenery of the roads that I hadn't realized he was already alseep.

He woke up immediately. He was alert even when he was almost already lost in his sleep. Napa-iling iling na lamang ako. Pagkatapos ay pareho na kaming lumabas ng kotse't kinuha na namin ng aming mga gamit.

"Dito po tayo, Ma'am, Sir." Tinuruan kami ng isa sa mga employado ng resort sa daan.

As expected, Dakak was amazing. The entrance was already breath-taking and relaxing, it made me even more excited to explore it's white sand beach.

When we got into our cottage, agad nilagay ni Rance ang aming mga bag at gamit sa malaking sofa sa gilid ng pinto. We closed our door and he immediately jumped to the bed and lay down.

Natawa ako sa kanyang ginawa. He really is tired from the trip.

Lumapit ako sa kanya upang ayusin sana ang kumot sa kanya pero nagagip niya ang aking pulsuhan. He pulled me down to him and I ended up lying down right on top of his hard chest.

Tumawa ako sa kanyang biglang ginawa. Damn he's crazy.

His face was so close to mine, I could not help but stare at his perfectly chiseled jaw, the gorgeous bridge of his nose, his manly foreign features. He slowly opened his eyes only to be greeted by mine. A little smile drew on his face.

"This feels good.." aniya't ngumiti siya at pumikit ulit.

Napangiti na lamang ako at tumayo na ako mula sa kanya.

"Pagod ka na nga, matulog ka na lang muna dyan. Your meeting will be tomorrow morning.." Sabi ko't tumalikod na ako patungo sa aking dinalang bag. I want to change my clothes.

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon