Chapter 25

282K 4.8K 434
                                    

Chapter Twenty Five

"Perfect Moment"

Maaga akong pumasok sa trabaho kinabukasan. Nagpahatid ako sa driver ko imbes na maghintay pa kay Rance na ihatid ako. Hindi na rin ako naghintay na magluto si Aling Jera ng agahan. Ibinilin ko lang sa kanya na sa labas na lamang ako magbebreakfast, at kung darating si Rance sa bahay nang wala na ako ay sasabihin niya sa kanya na maaga lang talaga akong umalis.

Ako ang pinaka-unang nakarating sa Forta Elle's maliban sa security guard at janitor. The restaurant opens at 9, pero heto ako at dumating ako ng isang oras pa bago mag-open.

Ang aga ko talaga ngayon. Bumuntong hininga ako pagkatapos kong dumeretso sa aking opisina. Mabuti na rin siguro ito.. I can hopefully get my job done early for today.

Kaya pag-upo at pag-upo ko sa aking desk ay binabad ko na ang sarili ko sa lahat ng mga papeles na nasa harap ko.

Hindi ko na namalayan ang oras nang biglang tumunog ang aking cellphone. Natigilan ako. Pagtingin ko pa lang sa umiilaw kong screen ay kinabahan na ako.

Lahat ng nararamdaman ko't pinag-iisipan ko buong araw kahapon ay naaalala ko na ulit ngayon. Pagkatapos kong ihatid kahapon ni Rance sa bahay ay ginusto pa sana niyang samahan pa ako buong araw pero kinailangan niyang bumalik sa kanyang resort. Maliban sa nandoon ang mga kaibigan niya, he also had important appointments there too, tungkol sa project ng bagong building ng kanyang resort. Hindi ko naman siya pinigilan; I had to work too and.. I wanted some time.. away from him.

Pinulot ko ang aking cellphone mula sa gilid ng lamesa at hindi na ako nagtaka pagtingin ko sa pangalan na lumitaw sa screen nito.

From: Rance

You didn't tell me you wanted to be early today for work :( Hindi kita nahatid ngayon.

Hindi pa ako nakapag-isip ng reply ay nagmessage pa siya ulit sa akin.

From: Rance

I could've gone earlier if you texted me. Can I come see you there for a while?

Nagtipa ako kaagad ng reply para sa kanya.

To: Rance

Wag muna, Rance. Busy ako. Sorry.

Humugot ako ng malalim na hininga pagkatapos kong ibaba ang phone ko. Tumunog ito ulit nang nagreply na siya.

From: Rance

Can I see you at lunch then? Did you have breakfast? Sabi ni Aling Jera di ka na daw nagpaluto sa kanya...

Napasandal ako sa aking swivel chair. Nag-isip ako ng ititipa ko. Kinagat ko ang aking labi at nagreply na ako sa kanya.

To: Rance

May meeting pa din ako mamayang lunch. I don't have time to meet you.

Imbes wala naman akong meeting mamayang lunch.

Nagreply parin kaagad si Rance.

From: Rance

Okay.. I'll have to wait 'til I can take you home later after work then?

Bumuntong hininga ako pagkatapos kong basahin ang kanyang mensahe. Sumandal na lamang ulit ako sa swivel chair at minasahe ko ang aking noo't pinikit ko ang aking mga mata.

Tumunog ulit ang cellphone. Nagtext pa ulit si Rance.

From: Rance

Text me if you're almost done for the day so that I won't keep you waiting, alright? I'm still sorry for last time. I'll pick you up earlier tonight. Okay?

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon