Chapter 18

301K 5.4K 328
                                    

Chapter Eighteen

"Possession"

Hindi ako nakapagpahinga sa kwarto. Humiga lang ako sa kama pero hindi ako nakatulog. I couldn't stop thinking about Camille.

Camille Del Rosal. That's her name. Ilang tao naman kaya ang may pangalan na Camille Del Rosal sa mundo? There's gotta be more than one. Right?

Siya ba talaga yung tinutukoy ni Rance sa kanyang katawag sa cellphone niya kanina? At kung totoo man na siya 'yon.. what does Rance have to do with Camille?

Paglabas ko ng banyo ay nakabihis na ako. Bandang alas dos na ng hapon. Pumunta ako kaagad sa harap ng salamin upang tingnan kung maayos lang ba ang suot kong two-piece na swimsuit. I bought it when I was still in the States. Binili ko sana in case may outing kami ni Eleven noon.

Bumuntong hininga ako pagkatapos kong ayusin ang strap ng pantaas ng aking swimsuit. It was all black. Simple but sexy.

Hinaplos ko ang aking mga braso. My skin is soft and white, I should get ready to be sun kissed today.

Huminto ang aking kamay sa aking tiyan.

Manipis ang aking pangangatawan. I go to gym almost every week back in the States or even Manila. Pero magmula nung nagdesisyon na akong mag move on kay Eleven ay tumigil na muna ako sa pagjigym. Maybe that's why my stomach seems to he less flat than before. Tumaba ba ako?

Kinuha ko ang aking shades at white laced cardigan. Nagpasya din akong kunin yung dala kong malaking summer hat. Sinuot ko ang mga 'yon bago kinuha ang aking dalang shoulder bag at lumabas na rin sa aking suite.

"Good afternoon.." ngumiti yung mga nadadaanan kong employado ng resort. Nginitian ko lang sila pabalik at patuloy akong naglakad patungo sa baba.

Sa malayo pa ay nakikita ko na ang seashore. Dumeretso kaagad ang mga paa ko sa buhangin ng dagat. There's a pool in the resort. Pero iba lang talaga kapag sa dagat mismo. I can't wait to get in the water already. I love beaches.

Umupo pa muna ako doon sa isang bench sa gilid. May malaking payong na nakatayo para sa puting bench na 'yon.

Nang umupo ako ay malaki na ang ngiti ko. I miss this beach so much!

Hinubad ko ang aking shades at sombrero. Luminga pa muna ng mga mata ko sa dagat at sa mga halu-halong foreigner at pinoy na naliligo o naglalakad lakad sa gilid ng dagat. Hinubad ko na din ang aking suot na laced cardigan. I revealed my skin, the bikini was embracing my body tight.

Hindi nakatali ang aking buhok kaya sumasayaw na ito sa hangin. I liked it. The sea breeze is so refreshing. I feel so welcomed. Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ko ang hangin na dumadampi sa aking mukha.

Minulat ko ang aking mga mata at nagpasya na akong kailangan ko nang maglagay ng sunblock upang makapagligo na ako.

Nang kinuha ko na ang aking sunblock ay napahinto ako nang may mga paa akong nakita na huminto sa aking tapat. Tumaas ang aking kilay.

He was wearing slippers. Nakasuot siya ng khaki shorts at simpleng polo na kulay puti. The cloth of his shirt embraced his muscles.

Kahit anong suot niya ay mukha parin siyang hari.

Rance's serious face greeted me. Napawi kaagad ang aking ngiti nang nagtama ang aming mga mata.

Pakiramdam ko ay umiinit na naman ang mga pisngi ko. There's that look in his eyes again. So expressive and absolute. Bumaba pa ang kanyang tingin sa aking suot na two-piece. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon