Chapter 7

275K 4.7K 240
                                    

Mahaba-haba talaga ang flashback. I had to write it para sa mga readers dito na hindi pa nakakapagbasa ng TDL. Tried hard making it shorter though. Abangan na lang po yung present time ng story, malapit na naman yun e. Hehe. Thanks so much to all supporters and readers!
---------------------------------

Chapter Seven

"Sino Ang Partner Ko"

Athalia hurt Eleven in the end. Tinaboy niya si Eleven. Sinaktan!

That's what happened before Eleven came back to the States. Hindi lang dahil sa pinapahanap na siya ng kanyang dad na si Tito Hezron. Kundi dahil din sa sobrang sakit na dinulot ng walang hiyang babaeng 'yon sa kanya. That stupid, idiot girl! I don't know what really happened, hindi naman kasi sinabi sa akin ni Eleven ang lahat. But Eleven's a mess! Naging playboy siya ulit!

Ilang linggo pagkatapos kong nakauwi galing NYC nun ay babalik na naman pala ulit si Eleven doon? I had no choice but to follow again!

Nagpasya na lang din akong mag-aral ako ng konting business doon at kumuha na din ng mga extra cooking classes. May catering services din naman kasi ang Forta Elle's doon sa isang sikat na hotel sa NYC. Doon sa La Marcellino. I had to check up on business there, too. Buti at pinayagan naman din ako nina Dad.

Tatlong taon na naman ulit ang lumipas ngayon. At tuwang tuwa ako dahil kahit na kung sinu-sino na ang babaeng dinadala ni Eleven doon sa kanyang condo sa Manhattan ay at least.. Nasa New York din ako para bisitahin siya at masusubaybayan.

Eleven is a broken man now. Dahil lang doon sa babaeng 'yon. Dahil sa Athalia na 'yon! I have no choice but to be by his side, to be patient. I've been patient all my life with Eleven. Kahit nahalikan ko naman siya noon sa bar nung naglasing ako at wala paring progress ay naghihintay parin ako dahil nagbabakasakali parin akong balang araw ay babaling narin si Eleven sa akin at tingnan ako kagaya ng pagtingin ko sa kanya.

Everything was supposed to be fine. I was taking business lessons, cooking lessons. New York is where dreams are made. Sinusulit ko na lang ang panahon ko habang nandoon para kay Eleven. Si Eleven naman, kahit alam kong ayaw niya ay tumutulong na rin siya sa wakas sa kumpanya ng kanyang dad.

Okay lang naman sana ang daloy ng relasyon namin ni Eleven. Nasa friend zone parin ako pero nangangarap pa din akong balang araw ay tatapak na ako sa next level. Sana nga.

Pero laking gulat ko nang nagdesisyon siyang bumalik ng Pilipinas. Aasikasuhin raw niya ang kanilang negosyo doon. At may birthday party raw din siyang kailangan puntahan. Birthday ng pinsan kong si Dishon, na kabarkada rin pala niya.

At dahil doon ay naging girlfriend na nga niya ako. Oo. Girlfriend ni Eleven.

Yehey? No. Kasi pretend girlfriend lang pala. Tss.

Alam kasi niyang makikita niya ulit si Athalia doon sa Manila. He needed me to act like his girl. Hindi sa gusto niyang nagselos si Athalia, kundi dahil ayaw niyang magmukhang talunan sa harap ng babaeng yon. That stupid girl has a boyfriend already for god's sake! Pinalitan na niya si Eleven! Agad agad!

Ugh. At dahil alam kong masakit sa ego ni Eleven yon ay pumayag akong maging pretend girlfriend niya.

Nagpasalamat ako sa lahat ng mga anghel at mga santo. Kahit pretend lang naman ay hindi ko maiwasang umasa na baka ay madedevelop na siya sa akin sa wakas. Kahit gagamitin lang niya ako, baka chance ko na. Kaya sinulit ko na lang.

But not everything went the way I wanted things to happen. Nabigo ako.

"What?!" Nalaglag ang aking panga nang nakatanggap ako ng tawag ni Eleven isang araw.

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon