Chapter 6

313K 5.1K 260
                                    

BABALA: SPG (Slight lang)
---------------------------

Chapter Six

"Casanova"

Minulat ko pa ang aking mga mata. Kahit antok na antok na ako dahil sa dinami kong ininom kanina ay may konti pa naman akong natitirang huwisyo.

Tahimik lang akong nakasandal pa din sa malambot na upuan ng kotse. Hindi ako nagsasalita, hindi rin nagsasalita ang kung sino man itong driver.

"Uh.." Umungol ako at hinaplos ko ang aking mga braso. Brr! Ang lamig ng aircon ng kotseng ito!

Narinig ko ang pag-ubo ng lalakeng nasa tabi ko at nakahawak sa manibela. Half-closed ang mga mata ko, at nakita ko ang paglapit ng kanyang kamay sa aircon ng kotse na nasa harap ko. Inilayo niya 'yong hangin ng aircon sa akin.

"Excuse.. me? Mishter.." Nang lumayo na sana ang kanyang kamay ay nahagip ng mga kamay ko ang kanyang siko.

"Sino.. ka... ba?" Tanong ko, ngumingiti at nakapikit na ulit. Pakiramdam ko ang bigat ng mga eyelids ko.

Pero imbes na sumagot siya ay narinig ko lang ang kanyang buntong hininga.

"Let go of me, Brooks. Nagmamaneho ako."

Malamig at malalim ang kanyang boses. I swear... his voice sounds so familiar.

"Hmm.." binitawan ko na nga ang kanyang siko. Binaba ko ang aking mga kamay at sumandal ko ulit sa backrest ng upuan.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Minulat ko na ng konti ang aking mga mata. I can see his face but it's a blur. Parang umiikot ang aking paningin at ang dami tuloy ng mukhang nakikita ko. Ang alam ko lang ay lalake siya, at nakasuot siya ng simpleng kulay puti na t-shirt.

Tumikhim lamang siya at bumaling na yata sa kalsada.

"Hindi mo na pala ako kilala? Tss."

Kumunot lang ang noo ko sa kanyang sinabi. Ano naman ang ibig niyang sabihin dun? Uh nakakaantok.

Saan ba kami pupunta? Kinagat ko na lang ang aking labi at pagkatapos ay humikab. I'm getting drowsier by the second.

"Kung iba akong lalake ngayon na hindi mo kilala at dinala kita sa kotse ko, sasama ka rin kagaya ngayon?" Tanong niya, mahina pero seryoso ang tono ng kanyang boses.

"Shit. Kelan ka pa natutong maglasing? Do you pull stunts like this every time you get drunk?"

Mura siya ng mura pero wala naman akong naiintindihan sa kanyang mga sinasabi. Masyado siyang mabilis magsalita. Ano ulit yun? Gusto ko ng matulog.

Ilang minuto na yata ang nakalipas. Inaantok na talaga ako kaya nakapikit na ang mga mata ko habang tahimik akong nakasandal sa malambot na upuan.

Pero biglang nagsalita na naman ulit yung lalake.

"I haven't seen you in years and now I'm seeing you drunk. Damn it, Brooks."

May galit na naririnig ako sa kanyang boses.

Kumunot na lang ang aking noo habang nakapikit pa din. Gusto ko siyang tingnan at tanungin kung ano ba ang pinagsasabi niya, pero pagod na ako. Gusto ko na talagang matulog.

Ayun nga at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Nang gumising ako ay madilim pa din. Inaantok pa din ako at sumasakit ang ulo ko.

Nasa loob pa din ako ng tumatakbong sasakyan. Ang tagal ng biyahe. Saan ba talaga kami puputa? Anong oras na ba? Uh.. Ang sakit ng ulo ko.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang paghinto ng kotse, gabi pa din. Hindi ko alam kung bandang alas dose pa o madaling araw na.

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon