Chapter 35

289K 5.6K 521
                                    

Chapter Thirty Five

"Worth"

Nguminig ang aking mga tuhod habang nakaharap sa kanya. Rance eyes were so fierce and full of emotion, mukha siyang nataranta na nagulat na masaya na nagulat pa din hindi ko mawawari. I saw his eyes almost watering. Pero hindi pa din ako makakapaniwala sa kanyang tanong.

"Pakakasalan?" Napabuga ako ng hininga at niyugyog ko na ang aking kamay mula sa kanya. Umawang ang bibig ni Rance dahil sa aking ginawa.

"Just because I am pregnant with your baby... Pakakasalan mo agad ako?" Tanong ko.

Humugot ako ng malalim na hininga at hinarap ko siya.

"Pagkatapos mo akong sabihan na nagpapalandi lamang ako kay Daven? Pagkatapos mong umalis ng walang pasabi? Na naniwala ka pa kaagad sa lintang Camille na 'yon, ni hindi mo man lang pinakinggan ang totoo mula sa akin? At.. at pagkatapos mong makipaglandian doon sa cr kanina?! You expect me to marry you, Rance?"

Namumungay na ang mga mata ni Rance at nakita ko ang pagnginig ng kanyang pang-ibabang labi.

"Brooks.." Narinig ko ang pagbasag ng kanyang boses. "I'm.."

"I know..." sabi ko. "I know you're sorry. Pero kasal agad? Galit pa rin ako sa'yo."

Tinulak ko siya ng bahagya upang lumayo siya sa akin. Wala siyang ibang nagawa kundi magpatulak din lamang. Napatingin sa baba si Rance. He looked defeated. But he looked into my eyes again. I can see the longing in his eyes.

Umiwas ako ng tingin.

"We both don't want to ruin this night." Matigas kong sinabi. "I have my job and you have your responsibilities with your dad and the resort's guests. Babalik na ako sa party. Please... Let's talk about this later. Kailangan ko pa din ng time and space..."

Masyado akong naooverwhelm. And for some reason... naiinis ako sa mukha ni Rance.

Does being pregnant really make you this emotional?

Pero habang naglalakad ako palayo, narealize ko... I'm happy. I'm happy because he says he's not gonna leave me.

I need some time alone right now... Pero alam ko... Maayos namin ito.. 

Pagbalik ko sa party ay kumilos lang ako na parang walang nangyari. I went back to my staff to check if everything's doing fine.

"Hey Brooks!" Nagulat lamang ako nang biglang nilapitan ako ng mga matatangkad na lalake.

"The food is delicious, Brooks!" Ani Daniel, nasa likuran niya sina Aaron at Cairo. I don't know if Maxwell and Pierce is around but the chances are they're most probably invited.

"Thank you." pilit kong ngumiti at hindi magpahalatang may nangyari sa pagitan namin ni Rance.

"Where's Evans? Di ko kayo nakitang magkasama ngayon ah?" Kumunot ang noo ni Cairo.

Nahagip ng mga mata ko si Rance na kakabalik lang mula doon sa lobby. Nakita rin niya ako kaagad habang malayo pa. Napalunok ako't bumaling kina Daniel.

"He's busy.." sabi ko lamang.

"Hm.." tumango naman sila. "Pareho nga kayong busy. But seriously Forta Elle's menu tonight is amazing. Maybe it could've even been better if you were the one who cooked for tonight."

And our chitchat continued, hanggang sa kinailangan na nilang bumalik sa kanilang mga upuan.

Rance sat next to his father, in the front and biggest table of the party. Kasama nila ang kanilang mga kakilala, their elite circle. Habang nakatayo sa gilid ng buffet table ay nakikita kong kahit nasa malayo ako ay nasa akin ang atensyon ng mga mata niya.

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon