Chapter 12

318K 5.5K 485
                                    

Chapter Twelve

"In-Charge"

Pilit akong bumalik sa aking huwisyo. Niyugyog ko ang aking kamay pero hindi parin niya ako binibitawan. Hindi parin siya tumitigil sa paninitig sa akin.

Kinagat ko ang aking labi at nag-iwas ng tingin.

"I don't wanna talk to you." mahina at mariin kong sinabi.

Hindi nagsalita si Rance. Sa gilid ng aking mga mata ay alam kong nakatitig siya sa akin. He's still staring at me so intensely with those eyes.

"U-Umuwi ka na nga ng Australia! A-Ano ba?!" Inis na inis akong niyugyog ang aking kamay mula sa kanya. But I can't freakin' wiggle my hand away from him! He's too damn strong!

Pero imbes na bitawan niya ako o magsalita man lang ay nagulat ako nang bigla na naman niya akong binuhat.

Oh my god!

"Rance!" Tinawag ko siya at niyugyog ko na ang sarili ko upang ibaba niya ako.

Binuhat niya ako na parang sanggol at huminto siya sa kanyang kotse. Walang kahirap hirap niya itong binuksan at inilapag niya ako sa front seat nito. Agad akong napahawak sa kanyang batok upang hindi ako mahuhulog.

"Ano ba Rance?! Nababaliw ka na ba? Ibaba mo ako!" Why the hell is he forcing me to sit in his freakin' car?

"Bilin sakin ng dad mo, Brooks. I went to your house here in Manila a while ago. Kaya nalaman kong nandito ka. He told me to fetch you here." Tipid niyang sagot, binubuhat niya parin ako.

"My god Rance! I can go to that house by myself! Lagi na lang ang dad ko ang ginagawa mong excuse! Put me down!!" Demanda ko.

"I am putting you down." Aniya at inilapag na niya ako sa front seat.

Nakaawang lang ang aking bibig at nakakunot ang aking noo. I stared at him in frustration habang inaayos niya ang seat belt ko. He was leaning close to me. Naaamoy ko ang pabango niya. Damn, he smells so good.

Kinagat ko ang aking labi at hindi ko alam kung bakit bigla akong natahimik. Hindi ko alam kung bakit tumitibok ng malakas ang aking puso. Lalong lumakas pa ang pintig nito nang tumingin siya ulit sa akin.

"Don't escape. Please." Bahagyang tumaas ang kanyang mga kilay at seryoso siyang nakatitig talaga sa aking mga mata.

Hindi ako nakapagsalita. Parang nanunuyo ang aking lalamunan at ang tanging magagawa ko lang ay titingnan siya. Napalunok na lamang ako.

Hindi ko na namalayan na umalis na siya sa harap ko at umikot siya upang makaupo narin sa driver's seat sa tabi ko.

Bumalot sa amin ang katahimikan.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako lumabas at tumakbo paalis ng kanyang kotse. Yun sana ang dapat kong gawin pero hindi ko nagawa. Hindi ko alam kung bakit nanatili ako sa loob ng kanyang kotse.

Tahimik na pinaandar ni Rance ang sasakyan.

Sumimangot na lang ako at humalukipkip na tumingin sa labas ng bintana.

Ilang minuto kaming tahimik sa loob ng kotse. Hindi siya nagsasalita, hindi rin ako nagsasalita. Everything was silent.

Pinaandar niya ang kotse, pero hindi naman niya ito pinapatakbo. We were still sitting in his car in the parking lot.

Bawat segundong nananatili ako sa tabi niya ay naaalala ko... yung nangyari kagabi. Umiinit ang pisngi ko at hindi ko alam kung bakit may kung ano akong nararamdaman sa aking dibdib.

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon