Chapter 5

323K 5.3K 396
                                    

Chapter Five

"Come Home"

Gumising ako sa boses ng flight attendant. Nang minulat ko ang aking mga mata ay sumilip ako sa labas ng bintana ng eroplano at nakikita ko na ang airport ng NAIA.

Tumikhim ako at sumandal na ulit sa backrest ng upuan.

Finally. I'm back in Manila.

Ilang taon narin ang nakalipas ngayon. I just got back from New York. Ilang taon na din akong nakatira doon sa NYC para mag-aral ng culinary. And yes, pagkatapos kong gumraduate ng highschool doon sa La Union ay sinunod ko na ang pinangarap kong pumunta ng New York para makasama doon si Eleven. And it did happen.

Kaya lang ay pagdating ko doon ay 3rd year college na siya. At madali siyang nakapagraduate dahil ilang beses siyang nagsusummer classes. So technically mga isang taon ko lang siya nakasama doon.

Sinuot ko ang shades ko paglabas ko ng airport. Naramdaman kaagad ng balat ko ang mainit na klima ng Manila.

"Miss Brooks!" Sa isang sandali ay narinig ko na ang pangalan ko. May lumapit sa akin na isang lalakeng nakasuot ng kulay itim na polo na may nakatatak na logo ng Forta Elle's sa dibdib.

Forta Elle's kasi ang pangalan ng malaking restaurant chain namin ni Dad.

Agad kong hinablot ang cellphone ko mula sa aking suot na shoulder bag. Nagtipa ako ng text para sa kanya.

To: Eleven <3

I'm back in Manila. I wanna see you.

Malaki ang ngiti ko pagpasok ko sa itim na kotse na sumundo sa akin.

Gaya ng sinabi ko ay mga isang taon ko lang nakasama si Eleven doon sa NYC. Ilang taon akong nanatili sa New York upang makapagtapos ng culinary, without Eleven. Pagkatapos kasi niyang gumraduate ng business na kurso ay bigla siyang nagpasyang bumalik na ng Pilipinas. Nalaman kasi niya na buhay pa ang kanyang mom, itinago 'yon ng kanyang daddy mula sa kanya. At dahil doon ay naglayas siya mula sa bubong ng kanyang dad. They're not in good terms with his dad, si Tito Hezron. Nagulat talaga ako dahil sa kanyang ginawa, I tried stopping him. Pero wala akong ibang magawa kundi suportahan na lang siya sa kanyang desisyon. And here I am following him back to Manila again.

Ngayon na nakapagtapos na ako sa two-year course kong culinary ay pwede na akong makauwi. Kailangan ko na ding pag-aaralan kung paano asikasuhin ang negosyo ng restaurant ni Dad, pati yung bago niyang tinayo na resto bar, yung Brooks Bar and Resto. Yes, kahit ayoko ay yun ang ginawa niyang pangalan ng bar na 'yun. Dad named it after me.

Di nagtagal ay tumunog na ang cellphone ko. Lumitaw ang pangalan ni Eleven sa screen nito.

My heart skipped a beat. Tumatawag si Eleven!

"Hello?" Kinagat ko ang aking labi habang lalong lumalapad ang aking ngiti sa mukha.

"Brooks." narinig ko ang malalim na boses ni Eleven. His perfect manly voice!

"Um.. Napatawag ka?" Kinagat ko na ang aking daliri at nagpipigil na aking sarili na tumili.

"You're in Manila? I didn't know you were coming home?" Tanong niya.

Ngumiti ako. "I wanted to surprise you."

Narinig ko ang hininga ni Eleven mula sa kabilang linya.

"So.. Nasurprise ba kita?" Tanong ko.

"Where do you want to see me, Brooks?" Tanong naman niya.

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon