Chapter 14

336K 5.1K 358
                                    

Chapter Fourteen

"Kinagat Ang Labi"

Una akong bumaba ng bus. Ni hindi ko nilingon si Rance at deretso lang akong naglakad patungo sa labas ng terminal ng San Fernando.

Pero kahit hindi ako lumilingon ay alam kong tahimik parin siyang nakasunod sakin. And of course, siya ang naghihila ngayon sa aking dalang maleta.

Huminto ako sa sidewalk. Bumungad ulit sa akin ang pamilyar na lugar ng San Fernando. Bumuntong hininga ako. I'm back home... again. And this time I'm gonna stay longer.

Taas noo akong naghanap ng masasakyan ko patungo sa bahay. I badly want to go home now.

Papara na sana ako nang bigla na lamang akong nagulat dahil paglingon ko ay wala na pala si Rance sa aking likuran!

Umawang ang aking bibig. Oh my god! Where is he?

"Rance?"

Luminga ang mga mata ko para hanapin siya. And thank god nakita ko nga siya!

Shit! I almost had a heart attack!

"Rance!" Ugh! Agad ko siyang tinawag. Bakit ba kasi naglalakad na siya sa unahan? Why isn't he following me? Dala dala pa niya ang maleta ko!

Siya na naman ngayon ang hindi lumilingon sa akin. Patuloy lang siyang naglakad kaya patuloy naman akong sumusunod sa kanya. What the?

"H-Hoy! Saan ka ba pupunta?" Sinusundan ko na siya. Since he has longer legs than me, mas mabilis talaga siyang maglakad kesa sakin!

Hindi siya sumagot at kalmado lang siyang nagpatuloy sa paglalakad.

"Hoy Rance! Sumagot ka nga!" Ginulo ko ang aking buhok habang nakasunod sa kanya.

Pero hindi parin siya nagsasalita. What the hell?

"Ugh. Akin na nga yang maleta ko! Ewan ko na sa'yo Rance! Uuwi na ako!"

Magpapatuloy pa sana ako sa paghihisterya ko pero nagulat ako nang bigla na siyang huminto. Muli akong natigilan at kinabahan, parang nawala ang lahat ng pagmamaldita ko nang tumingin siya sakin.

"Pumasok ka na sa kotse." aniya.

Kumunot ang noo ko. What's he talking about?

"Anong kotse?" Tanong ko.

Ngumuso siya at nang tumingin siya sa harapan ay napatingin din ako doon. Tumambad sa akin ang isang sobrang makintab at kulay itim na kotse. May lumabas na medyo may edad na lalakeng nakasuot ng pormal na damit mula sa driver's seat.

Lumapit siya kay Rance at kinuha niya mula kay Rance yung maleta ko.

"Put it in the back carefully please." the authority in Rance's voice was obvious and damn sexy.

Tumango yung lalake at nilagay na niya doon sa likod ng kotse ang aking maleta.

Binuksan pa muna ni Rance ang pinto ng back seat bago siya tumingin ulit sa akin.

"Halika na, Brooks." Malalim at napapaos ang kanyang boses. And the way those perfect eyes looked at mine. Damn.

Kinagat ko na lamang ang aking labi at nag-iwas na lamang ng tingin. Pumasok na nga lang ako at pumwesto na doon sa backseat ng kotse. Sumunod siya sa akin at huling pumasok ng sasakyan ay yung driver.

Buong biyahe ay tahimik lang kami. Magkatabi kami sa loob ng backseat. Hindi ako nagsasalita, hindi nagsasalita si Rance, ni ang driver ay hindi nagsalita.

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon