Chapter 15

282K 4.6K 586
                                    

Chapter Fifteen

"Ang Wais"

"Um.." Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. It's almost as if I can't breathe. Rance and Daven is sitting in front of me. And both of them are looking at me straight in the eyes. Kaya nga lang ay mas intense at nakakanerbyos ang mga titig ni Rance.

"Let's just eat now." biglang nagsalita si Daven. Tumingin siya kay Rance. "You're not gonna order?"

Napalunok ako habang nakatingin sa dalawa na ngayon ay nagtititigan na. Rance's jaw was clenching. Daven was calm but I can feel the intensity of his glare. Tumaas ng bahagya ang mga kilay ni Daven at nakita ko ang pagkunot ng noo ni Rance. Lalong nag-igting ang kanyang panga.

Shit. Ano na ba ang nangyayari sa kanilang dalawa?

"I'll only eat with Brooks, Aranjuez. Tss." sumandal na si Rance at nakahalukipkip na siyang bumaling sa akin. His eyes were piercing and perfect.

Nag-iwas na lamang ako ng tingin. Nakakalunod ang mga titig ni Rance. Damn it! Panu ba kasi niya nalaman na nandito ako kasama ni Rance? How can he track me so fast?

"Then Brooks and I will eat together." ani Daven. Ngumuso siya bago tumingin sa akin at binigyan ako ng ngiti.

Napaawang na lamang ang aking bibig. Nalilito na talaga ako sa dalawa! Their tension is making it hard for me to compose myself!

Pero bago ako makapagsalita ay biglang tumayo si Rance mula sa kanyang inuupuan.

Nag-igting ang kanyang bagang kay Daven. Kumalabog kaagad ang puso ko nang bumaling siya sa akin. His eyes softened when they met mine.

"Then I'll take her home." Rance's voice was quiet. Pero diniin niya ang bawat salita habang nakatingin sa akin.

My mouth widened. At bago pa ako makakapagreact ay humahakbang na si Rance at nilapitan ako.

Nang nakatayo na siya sa gilid ko ay nilahad niya ang kanyang kamay sa akin.

"Let's go home, Brooks."

His voice was tired. Napapaos ito. Pero dinig na dinig ko pa din ang kanyang pagkakaseryoso. Kitang kita ko parin sa kanyang mga mata ang pananabik.

Umiwas ako ng tingin. Nanginig ang mga kilay ko. W-Why should I come home with him?

"You go home Rance, kung ayaw mo namang kumain." mahina kong sinabi. Ayokong tumingin sa kanya kaya nanatili na lamang ang tingin ko sa baso na nasa gilid ng aking plato..

Kinagat ko ang aking labi. He did not answer. There was just silence.

Akala ko ay magagalit si Rance at aalis na nga siya. Pero narinig ko lamang ang kanyang mabigat na buntong hininga.

Narinig ko ang paghawak niya sa kanyang inuupuan kanina. Bumalik siya doon at umupo.

"I'll eat." aniya.

Bumalik ang mga mata ko kay Rance. Umawang ang aking bibig dahil sa gulat ng kanyang ginawa. He sat back down?

Bumalik na 'yong waiter dahil sa pagdating ni Rance. Nag order lang si Rance ng simpleng pasta at cappuccino.

Tumaas ang aking kilay.

"That's what you're gonna eat for dinner?" Tanong ko kay Rance nang dumating na ang kanyang pagkain sa hapag.

Pasta and cappuccino is too small for a guy's appetite. At sa pangangatawan ni Rance... I expect him to be eating lots of protein.

"Wala akong ganang kumain." simpleng sagot ni Rance at bumaling siya kay Daven. Nagkakatitigan na naman silang dalawa bago umiling si Rance at tumingin na ulit sa kanyang plato. "I'd eat more if it was only the two of us." Ani Rance sabay subo na sa kanyang pasta. And his face was so cranky. Ni hindi siya tumitingin na ulit sa akin. What the?

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon