Chapter 22

295K 4.9K 463
                                    

Chapter Twenty Two

"Lips"

"I'm fine.." Tumayo na ako. Daven just looked worried. Pati si Aling Jera ay bakas sa kanyang mukha ang pag aalala. Pero nilagpasan ko lang sila. I don't like it when people pity me, atsaka this is not a big deal. I'm just stressed!

Dumeretso ako sa isa sa mga cabinet ng kusina kung saan may alcohol. Nilagyan ko nito ang aking mga kamay.

"Brooks, are you sure?" Nakasunod sa akin si Daven. Umiling lang ako at pumunta nalang ako sa may faucet. Pinunasan ko ang mukha ko.

"Heto po, hija." lumapit narin sa akin si Aling Jera at binigyan niya ako ng isang basong tubig at face towel.

"Salamat po.." sabi ko. At pinunasan ko na ang aking mukha gamit ang towel na 'yon.

"Brooks.." Naramdaman ko ang kamay ni Daven na maingat na humawak sa aking braso.

Umiling lang ulit ako. "Daven, it's fine. I think I'm just stressed.."

Stressed ba ako? I've been sleeping fine and I've been eating a lot lately. Pero kahit ganun ay madalas naman sumasakit ang ulo ko na para bang may kumukuha sa lakas ko.

Although I haven't puked before when I was once stressed in college. I don't know. Ang weird talaga ng pakiramdam ko. Aish. Hindi ko na naiintindihan.

Uminom na lamang ako ng tubig.

"Is this why you weren't here for the past two days? Were you sick?" Nagtanong si Daven.

Napatingin ako sa kanya at kumunot ang aking noo. He really looked concerned.

Bakit ba siya nandito? Why is he here this early in the morning?

"What's that on your foot? Bandage? Teka.. May sugat ka?" Sunud-sunod ang kanyang reaksyon.

Ugh. Napansin na niya ang aking isang paa na nakatsinelas lang at nakabalot sa bandage, samantalang yung kabilang paa ay nakaayos sa isang simpleng doll shoes.

"Brooks, can you please tell me what's going on? Why are you injured? Why are you sick? What happened? Anong.."

Aish.. Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata.

"Daven.." Hinarap ko siya. "I am not sick. Okay? Wala akong sakit."

Kumunot lang ang noo ni Daven. It's like he couldn't get what I'm really thinking about, what I'm really feeling.

"Pero saan nanggaling 'yang sugat mo?" Tanong parin niya.

Napalunok ako. Crap, should he know what really happened? Siya ang in-charge sa akin dito pero hindi ako nagpaalam sa kanya na pumunta ako ng Bauang Beach. What will he say to my dad?

Bumuntong hininga na lang ulit ako at nag-iwas ng tingin. Well..

"I went to Rance's resort." Deretso kong sinabi.

Sa gilid ng aking mga mata ay alam kong nagulat si Daven sa sinabi ko.

"Evans?" Tanong niya.

He stood silent, naghihintay siya sa aking sagot pero tumango lang ako.

"Kailan ka pumunta doon? Bakit.. hindi mo sinabi sa akin?" kumunot ang kanyang noo.

Tinikom ko ang aking bibig. Aish..

"I went there for the menu for the resort's anniversary."

Kumunot ang noo ni Daven.

"You should've told me. I could've gone with you." aniya. Nakakunot ang kanyang noo. Daven had thick eyebrows.

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon