Chapter 21

272K 4.5K 337
                                    

Chapter Twenty One

"Ang Tiyan"

Mabilis kaming nakauwi ng San Fernando. Buong biyahe ay tahimik lang ako. Hinayaan naman ako ni Rance na hindi ako nagsasalita.

Pag-uwi namin ay dumeretso pa muna kami sa doctor para sa aking check-up. Maliit lang naman yung sugat ko. Pinapasigurado lang talaga ni Rance na wala akong makukuhang infections o kahit anong sakit kagaya ng tetanus.

"How are the tests, doc?" pambungad kaagad ni Rance nang bumalik na yung doktora pagkatapos kong dumaan sa kung anu-anong mga tests ng ospital.

Ngumiti lang ang doktora.

"She's fine, hijo. No worries." aniya.

Seryoso pa din ang mukha ni Rance pero mas kalmado na siya nang narinig niya ang sinabi ng doktora.

Tumango tango si Rance. "So nothing's gonna be wrong with her? How many days should I treat her wound? Is it still vulnerable to infection? I don't want any infection to happen to her."

Umawang ang bibig ko. Pakiramdaman ko ay umiinit na naman ang mga pisngi ko. Bakit ba kasi ang dami niyang tanong? Nakakahiya tuloy. Ugh.

Pagkatapos ng maliit na pag-uusap nilang dalawa sa doktora tungkol sa mga gagawin ko para hindi maiinfected yung sugat ko, ay tumayo na kami ni Rance upang umalis.

"Thanks, doc." tumayo na si Rance. Tumango din ako at nagtama ang mga mata namin ng doktora. Ngumiti siya at ngumiti naman ako pabalik. Kaya lang ay may kung ano sa kanyang pagtitig sa akin. Is there something on my face?

"Let's go?" Tanong ni Rance sa akin.

Tumango lang ako. Kaya una nang naglakad si Rance papunta sa pinto.

Sumunod na sana ako nang biglang nagsalita si doktora.

"Congrats pala, hija." Aniya.

Kumunot ang noo ko. Napalingon ako kaagad kay doktora.

"Po?"

"You're lucky to have him, Miss Fortaleza." ngumiti siya. "He'll be a good father."

Lalong kumunot ang noo ko.

Ano ba ang pinagsasabi ni doktora?

"Brooks?" Tinawag na ako ni Rance kaya napabaling na ako sa kanya.

"Uh.. Sige po, aalis na po muna kami, doktora." ngumiti na lang ako sa kanya at dumeretso na ako papunta kay Rance na tahimik na naghihintay sa akin sa pinto.

"Okay." ngiti ng doktora.

Mabilis kaming bumalik sa kanyang kotse. Tiningnan ko ang aking relo at nakita kong bandang alas dos na ng hapon. I badly want to go home now and rest.

Tumingin lang ako sa labas ng bintana habang tahimik na nagmamaneho si Rance.

Pumasok sa isipan ko ang tungkol sa sinabi ng doktora sa akin kanina. She said congrats, that I'm lucky to have Rance.. and that he's going to be a good father?

Kumunot ang noo ko. I don't get her point of saying those things to me. Ang weird. May anak ba si Rance? Wala naman.

Pagdating namin sa tapat ng bahay ko ay unang lumabas si Rance ng kotse upang tulungan akong bumaba. Tumikhim naman ako at hinayaan siya kahit kaya ko namang bumaba mag-isa.

Pinagbuksan kami ng gate ni Aling Jera. Tahimik pa din si Rance sa tabi ko. Minsan talaga ay bigla siyang maging tahimik. Seryoso at malalim ang iniisip. He's always mysterious. Ano kaya ang iniisip niya?

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon