Chapter Sixteen 👑

Start from the beginning
                                    

" We will talk later,sweetheart. In our room."

Napalingon naman ako sa gawi niya at itinuon na nito ang tingin sa pagkain nito.

" Let's eat." mariing saad nito at ngumiti kanilang lahat. Pero imbis na matuwa ako sa ngiti niya ay mas lalo akong kinabahan dahil doon.

Pilit kung winawala nalang iyon sa aking isipan at tinuon ko nalang ng pansin ang pagkain ko ng steak na nakahanda sa plate ko.

" You're using spoon and fork to cut the steak? There's a knife there." biglang saad ni Hera sa akin.

Napatigil naman ako sa pagkain at tinignan ko ang ginawa ko dahil halata namang ako ang kinakausap niya. Seriously??

" Atsaka meron kang sauce sa gilid ng mga labi mo." dugtong nito. Namula naman ako dahil sa kahihiyan at agad na pinunasan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko.

" Oh gosh, you're using your hands to wipe those things. There's a table napkin on your table." iritableng ani nito. Napayuko naman ako. Hiyang-hiya na ako sa sarili ko dito.

" So-sorry." nakayukong saad ko at kinuha ko iyong table napkin sa gilid ng pinggan ko.

Pupunasan ko na sana ang mukha ko pero biglang hinawakan ni Aeness ang chin ko at pinaharap niya ako sa kanya.

" Let me, Wane. Ang dungis mo talagang kumain kahit kailan." ani nito at ito na mismo nagpunas ng dumi sa gilid ng labi ko. Bahagyang ngumiti pa siya sa akin at biglang sumimangot na din na para bang may naalala siyang masamang ginawa ko. Binitiwan na niya ang panga ko at ako naman itinuon ko nalang ulit ang atensyon ko sa pagkain.

" May kasalanan ka pa sa akin and it won't lessen even in situation like this. " mariing bulong nito sa tenga ko. Napalunok naman ako dahil doon. Napatingin naman ako kay Hera at hindi pa di maipinta ang mukha nito.

" Hindi ba niya alam ang tamang gagawin sa harap ng hapagkainan, King Aeness? She's the Queen, she must know it. Paano nalang kung may mga bisita at may okasyon, nakakahiya iyon sa kanila."

I bit my lips when pain crept inside my chest. Kasi alam ko namang tama ang sinabi niya. Magiging isa akong kahihiyan para kay Aeness. At mukhang ako pa ang makakasira sa kanya.

" She's still learning, Hera. And I don't care what other people would think about her. What's matter to me is what I think about her." Napatingin naman ako kay Aeness ng dahil sa sinabi niya. At kahit hindi ko man aminin alam kung may kakaibang saya ng namumuo sa aking puso. Sobrang sarap pakinggan.

" Oh, you never change, Aeness. You're still so sweet as before." nakangiting saad ni Hera dito at bahagyang tumawa pa.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaunting kirot sa dibdib ko. Why does she know? Anong ibig sabihin niya doon? Naging sweet din ba si Aeness noon sa kanya?? Katulad din ba ng sa amin?? May relasyon pa sila??

" Nothings change, Hera. I'm still the Aeness you've known since before."

Napayuko nalang ako dahil sa pag uusap nilang dalawa at itinuon ko nalang ulit ang atensyon ko sa pagkain. Right now, I felt like I'm no longer exist in here anymore.

Hanggang sa natapos na kaming kumain ay wala pa ding tigil sa pagkwentuhan sina Aeness at Hera. Dumating na nga si Airo ay hindi pa din sila natatapos at kanina pa ako naririndi sa pinag uusapan nila. Sa totoo lang. I wanted to shout at Aeness because jealousy is eating me alive, right now! Pero hindi ko ginawa. Manners nga diba! Baka kung ano na naman ang masabi sa akin dito.

" Thank you for the food." magalang na saad ko at tumayo mula sa pagkakaupo. Bahagyang yumuko ako at nagpaalam na sa kanila bago tuluyang lumabas sa lugar na iyon.

Monetenegro Heirs 5: You Never Knew It Was You (2nd Generation) ✔Where stories live. Discover now