Chapter Ten 👑

13.8K 303 27
                                    

I Will

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang patungo ako sa isa sa mga kompanya ng pinapamahalaan ng pamilya ng mga Saveedra, ang pamilya ng Mama ni Aeness. Ayun kay Kuya Shaveen ay dito sila ngayon sa conference room nag-meeting. Nanginginig sa sobrang inis ang kalooban ko at the same time, i'm scared. Scared what will happened after this..

" Wane, sigurado ka ba-----"


" Shut up, Kuya!." putol ko sa sasabihin ko. Kanina pa siya daldal ng daldal simula ng umalis kami kanina sa bahay. At naiirita ako. Kahit na takot na takot ako sa kanila noon na hindi ko magawa manlang silang sigawan, ngayon ay nagagawa ko.


" Eh kasi-"


" One more words came from you and I will hate you forever, Kuya." banta ko at patuloy lang ako sa paglalakad. Nauuna ako sa kanya. Hindi naman ito umimik at sumunod lang siya sa akin.

Good. I know Kuya Shaveen. Kapag alam niyang may kasalanan siya, hindi siya lumalaban sa akin. At alam kung may kasalanan talaga siya sa akin.

Pagkadating namin sa pinto ng conference room ay agad kung binuksan ng pagkalakas-lakas ang pinto. At halatang nagulat ang lahat pagkakita sa akin.


" AENESS GAVEN SKWELINS!" malakas na sigaw ko na halos nagpalaki ng mata ng lahat ng tao dito. I want to let out my frustration by shouting. Naiinis ako, nagagalit. At wala na akong pakialam kung mag-eskandalo ako dito. All my life ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sobrang inis.


Nakita kung napatayo si Aeness mula sa pagkakaupo nito at nanlalaki ang matang bumaling sa akin. Hindi na ako nakaramdam ng hiya kahit na maraming tao dito sa loob. Wala akong pakialam kung galing sila sa Royal Family. I wanted to burst the irritation I felt inside.


" Wane!" gulat na bulalas nito. " Anong ginagawa mo dito?" parang hindi pa ito makapaniwala na nandito ako. Naningkit ang mata ko. Inilihim niya sa akin ang lahat and I want an explanation.


" We need to talk!" matigas na ani ko. Huwag siyang magkakamali magsabi ng hindi kung ayaw niyang kaladkarin ko siya palabas dito.


" Pero kasi--" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng pinaningkitan ko siya ng tingin. Napalunok siya at binalingan ang mga tao dito sa loob.


" I AM YOUR WIFE! AND THAT'S AN ORDER!" iritadong ani ko.


Napaawang ang panga niya at ganoon din ang mga kasama niya dito. Mukhang gulat na gulat sa sinabi ko at ipinahayag sa kanila. So, hindi pa pala sinasabi ng pontiong pilatong ito kung sino ang tunay na asawa niya..


"Fierce." dinig kung ani ni Kuya Shaveen sa likod ko. Hindi ko naman iyon pinansin at ang buong atensyon ko ay kay Aeness lang ngayon.


" How....paano....when.." parang wala sa sariling saad nito at mukhang gulong-gulo padin ang isip niya kung paano ko nalaman. Sumimangot ako.


" Sasama ka ba sa akin o kakaladkarin kita palabas!" banta ko. Napatulala naman ito at hindi alam ang gagawin.


" Scary." sulpot ulit ni Kuya. Kung hindi lang ako seryoso kanina ko pa ito siniko sa likuran ko.

Tinignan ko naman si Aeness at gulong-gulo pa din ang isip nito. " Pero...I mean...."

"Okay." tamad na saad ko at lumapit sa kinaroroonan niya. And in a second, piningot ko ang tenga niya at hinila ko siya palabas ng room na iyon.


" Aray---aray ko, Wane..." ani nito. Hindi ko siya pinansin at tuloy - tuloy lang ako.


" Kuya Aeness!" dinig ko pang saad ng isang tao dito sa loob at nagtangkang tumayo pa. Parang familiar sa akin ang mukha niya. Pero hindi ko na muna inisip iyon.


Monetenegro Heirs 5: You Never Knew It Was You (2nd Generation) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon