Chapter Seven 👑

11.3K 235 11
                                    

Consequence

"Aeness, dalian mo diyan. Hihintayin nalang kita sa baba. Mauna na ako sa iyo." Binuksan ko naman agad ang pinto ng kwarto at lumabas doon. Excited na talaga akong bisitahin ang mga bata sa orphanage kagaya ng usapan namin ni Aeness kahapon. Pagkatapos nga naming mag-lunch kahapon ay pumunta agad kami sa bayan upang mamili ng mga dadalhin para sa mga bata. And this is the first time na makakasama ko si Aeness papunta doon.

"What the hell is the meaning of this, Rewane?"

Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko at hindi ko nagawang humakbang pababa ng sala ng makita ko kung sino ang mga nandoon. Pakiramdam ko nanlamig ang buong katawan ko at hindi ko alam ang gagawin ko. It's like my whole was being shattered into pieces.

"Da..daddy!" gulat na bulalas ko pagkakita sa kanya na masamang-masama ang pagkakatingin sa akin. Kasama nito ang mga Kuya ko pati na rin ang mga pinsan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na't nakikita ko ang sobrang dissapointment at galit sa mga mata nilang lahat. I bit my lips and refrain myself from crying.

"For almost two days na nawala ka ay ang lalaking iyon ang kasama mo? Are you really out of your mind?" galit na saad nito. Patakbong bumaba naman ako at agad na lumapit kaya daddy. Hinawakan ko naman agad ang braso niya.

"Dad.. Please... Let..let me explain." garalgal ang boses na saad ko. Hindi ko alam kung papaano ipapaliwanag ang mga ito pero isa lang ang alam ko ayaw kung iwan si Aeness dito. I.. I still want to spend more times with him kahit sandali nalang basta huwag lang ngayon.

"At ano ang ipapaliwanag mo? Na gusto mong maging kabit ng lalaking iyon?!The hell with it." he burst at bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Sasama ka sa amin ngayon. Uuwi ka sa bahay at ayaw kung magpapakita ka ulit sa lalaking iyon.

Napailing naman ako sa sinabi ni Daddy at nagsimula nang magsibagsakan ang luha sa mga mata ko. Hihilahin na sana ako ni Daddy paalis ngunit pinigilan ko siya. Ayoko pa. Ayoko pang umalis. Kahit ngayong araw nalang gusto ko pa siyang makasama.

"Dad, please just this one. Pag----"

Galit na hinarap naman ako ni Daddy at tinignan niya ako ng masama. "Alam mo ba iyang pinagsasabi mo? Nababaliw ka na ba? HE IS ALREADY MARRIED. Do you want to be his mistress? "sigaw nito at pinakadiinan pa niya ang huling salitang sinabi niya sa akin. Maybe I am. Maybe I'm crazy. Kasi kahit sa ganitong bagay nalang ay makakasama ko siya. Alam kung mali ngunit sa pagkakamaling ito ay dito ako nagiging masaya.

"Wane." Napalingon naman agad ako sa tumawag sa akin. At mas lalong bumuhos ang luha sa mga mata ko ng makita ko siya at nagpalipat-lipat ang tingin nito sa aming lahat. I felt my pain clinced in pain when his eyes met mine. And all I can see through it is sadness and fear..... Hindi ko alam kung para saan ang mga iyon pero isa lang ang alam ko... He is hurt... He is in pain......

"You bloody bastard. I told you already to stay away from my daughter but you didn't listen to me."hiyaw nito. Akmang susugurin sana siya ni Daddy ng mabilis na hinila ko ang braso ni Daddy at pinigilan siya...

"Dad! Stop it!" pag awat ko. Marahas na tinabig ni Daddy ang kamay ko at galit na hinarap ako.

" Hindi kita pinalaki para maging kabit lang. At pinoprotektahan mo ang lalaking iyan." dinuro pa nito si Aeness at matalim na tingin ang binaling nito dito bago ako ulit hinarap. "Now choose. Choose between that guy and your family, Wane. Sino ang pipiliin mo?"

Napamaang naman ako ng dahil sa sinabi ni Daddy at hindi ko alam ang sasabihin ko. I was being torn between the man I love and my family. At hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko. I love them both. And I don't want to lose one of them either.

Monetenegro Heirs 5: You Never Knew It Was You (2nd Generation) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon