Chapter Fourteen 👑

10K 200 1
                                    


     Act as a queen

" Stop! That's enough. You have no sense of class! Tatlong libro palang nga ang nandiyan sa ibabaw ng ulo mo at hindi mo pa magawa ng tama kung paano maglakad."

Tumigil ako sa paglalakad at kinuha ang dalawang aklat na nalaglag mula sa ulo ko at hinarap si Ms. Carrie.. Siya ang tumuturo sa akin ng mga proper etiquette na dapat kung gawin dito sa palasyo. I should act as a queen dahil ako ang napangasawa ni Aeness. Sa totoo lang ang sobrang hirap. Kahit na sabihin pang lumaki ako sa buena familia, hindi ko naman ito ginagawa. I am not like my cousin Eira nor Dwight na magaling sa ganitong bagay. Sanay ako lumaki sa rancho at kasama ang mga kabayo.

" So-sorry po." paghihingi ko ng paumanhin at bahagyang yumuko. Naningkit naman ang mga mata niya.

" We are wasting almost four hours here at ni wala ka manlang nagawang tama. I already teach you the proper greeting, how you should talk to people, how you bow, walk at eat properly. Pero ni isa sa doon wala ka may nagawang tama. How can you be so stupid!" lintantiya nito

I stop myself to let out my tears dahil sa totoo lang kanina pa gustong kumuwala ng luha sa mga mata ko dahil sa mga masasakit na salitang naririnig ko mula sa kanya. I'm trying alright. Hindi naman siguro ibig sabihin na kapag itinuro niya agad ay makukuha ko bigla. This is just the first day I'm learning.

" Kung hindi lang sana umalis si Princess Hera, hindi na sana ako mahihirapan ng ganito." I heard him almost whisper.

Nag-angat naman ako ng tingin. Hera? Whose Hera???

Natigil lang kami ng makarinig kami ng katok mula sa pinto at bumukas agad ito. Isang matangkad na lalaki ang binungad niyon. He smiled at me when he saw me. At nakangiti ang mga matang lumapit ito sa amin.

" Good morning, Ms. Carrie." nakangiting saad ng binatilyong lalaki at lumapit sa amin.

" Mabuti naman at dumating ka na Duke." ani ni Ms. Carrie at binalingan ako. " Your highness, this is Duke Steven, one of my students at siya ang makaksama mo sa pag aaral mo kung papaano magsayaw ng tama."

Napalunok naman ako dahil sa sinabi niya. Sayaw? Oh gosh, paniguradong wala na talaga akong magagawang tama ngayong araw. Pareho pa namang kaliwa ang mga paa ko. Naalala ko noon ng magsayaw kami ni Zach sa kasal ni Eira ay palagi kung naaapakan ang paa niya. Ininda lang niya ang sakit dahil ayaw lang niya akong mapahiya pero pagkaumagahan todo reklamo ang abot ko sa kanya. Kesyo di daw ako marunong at palaging naapakan ang paa niya. Lasing pa naman ako ng araw na iyon kaya hindi ko alam ang pinagagawa ko.

" Okay, let's start." sigaw ni Ms. Carrie na nagpabalik sa atensyon ko.

Napalunok ako ng ngumiti sa akin si Duke at nagbigay pugay at yumuko sa harapan ko ng nakangiti. And he lend his hand towards me kasabay din nun ay pag-ugong ng isang tunog.

" Will you dance with me, Your highness?" magalang na saad nito.

I swallowed hard again for the last time and held his hand. Hinawakan niya ang bewang ko at ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kamay ko.

" Chin up, Wane!" dinig kung galit na sigaw mi Ms. Carrie. Agad na nag-chin up naman ako.

" Gosh. Don't tilt your head so high. I already teach you the right way!" galit na dugtong nito. Napayuko naman ako dahil doon. Namumula ang pisngi ko dahil sa hiya lalo na't narinig kung tumawa si Duke. At ng dahil sa ginawa ko ay mas lalong nangangalaiti sa galit si Ms. Carrie.

" Aray." dinig kung saad ni Duke ng naapakan ko ang paa niya. Namula na ako sa sobrang hiya.

" Sorry." hingi ko ng paumanhin sa kanya. Ngumiti lang siya to assure me na okay lang daw iyon.

Monetenegro Heirs 5: You Never Knew It Was You (2nd Generation) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon