Chapter Five 👑

11.8K 223 2
                                    

Badly Hurt

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga ng makarating ako sa harap ng condo unit ni Aeness. Oh, gosh. What am I thinking? Bakit ko ba sinusunod ang utos ng lalaking iyon? Wala na siyang hold sa akin. Pero kilala ko si Aeness, at natatakot nga ako sa maaari niyang gawin. I was about to press the buzzer ng bigla akong natigilan dahil medyo nakaawang naman iyong pinto. Hinawakan ko ang seradura at nakitang bukas iyon. Kumunot naman ang noo ko at tuluyan ng pumasok sa loob ng condo unit niya.

Nasaan na kaya ang lalaking iyon? Bakit sobrang tahimik ng bahay niya ngayon. Nagtungo ako sa kusina and my eyes grew wider sa naabutan ko. The place was so romantic. Naka-set ang mesa para sa isang candlelight dinner at may mga petals pa ng roses na nakapalibot sa floor ng buong lugar. Ayokong mag- assume, but how I wish na sana para sa akin ang lahat ng ito pero alam ko namang hindi.

Lumabas nalang ako ng kusina at nagtungo agad ako sa kwarto ni Aeness. Kakatok na sana ako ng bigla akong natigilan ng may marinig akong ingay mula sa loob. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya naisipan kung sumilip sa loob. And my heart flinched in pain from the scenario. It was Aeness and his wife talking and happiness is really visible in their eyes.

"I am two months pregnant, Aeness." impit na tili ng asawa nito. Nakita kung nanlaki ang mata ni Aeness ng dahil sa sinabi nito. At pakiramdam ko parang may bombang sumabog sa dibdib ko at ramdam na ramdam ko iyong pangangatog ng binti ko.

"I am so damn happy for this, Hadley." saad ni Aeness dito. Kumirot ng husto ang dibdib ko lalo na't nakita ko ang sobrang saya na mukha ni Aeness. Kumikislap ang mga mata nito ng dahil sa galak. Pakiramdam ko mabubuwal ako sa kinatatayuan ko lalo na't nakita kung niyakap ni Aeness si Hadley. Such an eyesore. Agad na pinalis ko naman ang luhang pumatak sa pisngi ko ng dahil doon. At bago pa madagdagan ang hinanakit sa dibdib ko ay tumalikod ako at tuluyang umalis sa lugar na iyon.

Kahit na nanlalabo ang mata ko ng dahil sa luhang walang tigil sa pagpatak mula sa mga mata ko ay nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Ang sakit sobra. Pakiramdam ko, mamamatay ako sa sobrang sakit na bumabaon sa dibdib ko. They look like a happy couple. At magkakaanak pa sila. I must be happy for them but I can't. Ang hirap palang umasa. Bakit ganun? Simula palang alam ko naman na hindi siya magiging akin, na may nagmamay ari na sa kanyang iba. Bakit mas masakit pa din. Siguro nga hindi talaga ako tuluyang magiging masaya. Wala akong karapatang maging masaya.

"I'm sorry.:" agad na hingi ko ng paumanhin ng may nabangga ako habang papalabas ng building. Nag angat naman ako ng tingin at tinignan ang taong nakabunggo sa akin.

"Miss are okay?" bakas ang pag aalala sa mukha nito at magtatangka pa sana siyang hawakan ako ngunit umatras ako at umiling.Agad na pinalis ko naman ang luhang pumatak ulit sa pisngi ko.

"Okay lang ako. Sorry ulit." saad ko at mabilis na tumakbo palabas ng lugar na iyon. Narinig pa akong tinawag ng lalaking nakabangga ko ngunit hindi ko nalang iyon pinansin. Iisang tao lang ang palagi kung pinupuntahan kapag ganitong nasasaktan ako. Iisa tao lang din ang nakakaunawa at nakakaintindi sa akin kapag ganito ako..

"Kuya Shaveen." mas lalong bumuhos ang luha sa mga mata ko ng pagkabukas ng pinto ng bahay ni Kuya ay siya agad ang bumungad sa akin.. Halatang nagulat ito pagkakita sa akin at hindi siguro nito ini-expect na pupunta ako sa bahay niya sa ganitong oras. Magsasalita pa sana siya ngunit niyakap ko agad siya. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon mismo umiyak ng husto.Naramdaman kung unti-unti din akong niyakap ni Kuya at hinaplos niya ang buhok ko.

"What happened, princess? Anong nagyari sa iyo?" pag aalo nito. Umiling naman ako at mas lalo ko pa siyang niyakap. Only him can only see me cry. Dahil alam ko siya lang ang nakakaintindi sa akin. Kahit hindi ako sumagot at magpaliwanag sa kanya hindi niya ako pinipilit. He just let me cry and wait until I'm done.

Monetenegro Heirs 5: You Never Knew It Was You (2nd Generation) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon