Chapter Twelve 👑

10.6K 205 1
                                    


   Face it

" Ayoko nga nang amoy ng cheese! Gusto ko ng lansones! Hanapan mo ako ng lansones, Aeness!"

Ewan ko ba pero kanina pa umiinit ang ulo ko sa lalaking ito. Lahat yata ng request ko ay hindi niya kinukuha. Instead, iba ang dinadala niya dito sa akin. Naiinis na ako. Samahan pa na hindi masyadong maganda ang pakiramdam ko.

" Bibili naman ako ng lansones, Wane. Pero kainin mo nga muna ito. Hindi ka kumain ng dinner kagabi at ngayon kailangan mo ng kumain ng agahan."

" Eh, sa ayaw ko ngang kumain! Gusto ko ng lansones." halos maiyak na ako habang sinasabi iyon.

" Damn hell! Oo na! Kukuha na!" galit na turan nito. Di ko na napiglan at napaiyak na ako.

" Huwag na mukhang napipilitan kalang yata!." inis na sigaw ko ng magsimula na siyang maglakad palayo sa akin.

Tumigil siya sa paglalakad at nakakunot noong bumaling ito sa akin.

" Alam mo hindi na kita maintindihan!" inis na saad nito. Binato ko naman siya ng unan na nasalo din niya.

" Edi, huwag mo akong intin----Shit!"

Agad na bumangon naman ako mula sa kama at mabilis na tumakbo patungo sa banyo. Pakiramdam ko hinahalukay ang loob ng tiyan ko at hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Nagtungo ako sa lababo at sumuko doon. Nahihilo ako. Kumakalam pa ang sikmura ko.

Naramdaman ko ang paglapit ni Aeness sa akin at paghaplos niya sa likod ko ng dahan-dahan.

I turned on the faucet at hinugasan ko ang bibig ko. Inabot ko ang tissue at pinunasan ang mukha ko.

" Wane, are okay?" bakas ang pag aalala sa boses nito. Hinarap ko siya at namutawi na naman ang inis sa dibdib ko ng makita ko siya.

Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko. Tuwing umaga sinusungitan ko siya pero pagdating naman ng tanghali at hapon hanggang gumabi gusto kung nilalambing siya.

"Hindi! Hindi ako okay! Kita mo na ngang nasusuka ako!" inis na ani ko. Kumunot naman ang noo niya.

" Alam mo this past few days, nagiging masungit ka. Buntis ka ba?"

Nanlaki ang mata ko ng dahil sa tanong niya. Ako??? Buntis?? Buntis ako??? Oh gosh, I almost forgot. Dapat last two weeks dinatnan na ako pero hindi. Hindi ko nalang pinansin dahil baka na-delay lang pero hanggang ngayon wala pa din.

"I'm positive. You are pregnant!" he stated.

" Hindi ako buntis!" iritadong ani ko at lumabas ng banyo. Sinundan naman niya ako.

" How can you be so sure? You are so moody. Ayaw mo ng amoy ng cheese. Gusto mong kumain ng lansones, buko at peanut na sinasawsaw sa toyo. Nagsusuka ka din tuwing umaga. Hindi pa ba basehan iyan na buntis ka?"

" Hindi! Porket ganun buntis na agad. Di pa pwedeng ganun lang kasi di maganda ang pakiramdam."

" Then try this one, Wane." mariing ani nito at inabot sa akin ang dalawang pregnancy test. Nanlaki naman ang mata ko ng dahil doon.

" Kailan ka pa bumili niyan?" gulat na tanong ko. Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong hininga.

" Kahapon. Dumaan na ako sa pharmacy ng bumili ako ng ni-request mong pagkain. Nanghihinala na kasi ako na baka buntis ka."

Nagdadalawang isip pa ako kung susubukan ko ba o hindi. Paano nga kung buntis ako? Hindi naman sa ayaw ko. Kaya lang natatakot ako. Am I going to be a good mother? Paano kung magkamali ako? Paano kung hindi ko pala kayang mag alaga ng bata? Paano kung hindi ako maging mabuting ina? Handa na ba ako? I'm not even oriented how to be a mom, yet.

Monetenegro Heirs 5: You Never Knew It Was You (2nd Generation) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon