Dating Miss. Valentine *E d i t e d

12.2K 276 23
                                    

Third person pov

Halos iilang buwan na ang lumipas simula ng nagkaaminan ang dalawang dalaga

Hindi maipaliwanag ang saya nila para sa isat isa kahit na nananatiling ang mga kaibigan lang nila ang nakakaalam sa bagay na namamagitan sa kanila.

Para sa kaibigan ni valentine, walang kaso sa kanila ang bagay na meron sa dalawa, sa totoo lang, matagal na daw nila itong alam

Habang tumatagal, mas lalong nakikilala ni valentine si sydney, ganun din si sydney patungo sa dalagang mahal niya

Minsan ay napagkamalang magON na sila ng kaibigan nila kahit na ang totoo eh, hindi pa, pero sa ngayon, Oo.

"Ano na?, May naisip kanaba?" Tanong ni sydney sa kaibigan na magmula pa kanina'y pabalik balik ng lakad sa kaniyang harapan

Huminto ito sa ginagawa at tinignan siya "Ano bang mga bagay na dimo pa nagagawa sa kanya?"

Imbes na sumagot, pinagpulupot ni sydney ang dalawa niyang braso " Hello maria, kokonsulta ba ako sayo kung may alam pa ako?"

Umirap ito bago muli ay pinagpatuloy ang nakakahilong pagmartcha, obvious na dito rin kumukuha ng vitamina para makapagisip

Kinalaunan biglaan nalang itong lumapit sa dalaga, habang nakaukit ang malavictory smile sa labi "Date!, Yung Kakaibabe na date, naaya muna ba siya ng ganun?"

Nagkasalubong ang dalawang kilay ni sydney "Kakaibabe na date? "

"Yah! Bingi lang?"  ̄ε  ̄

"Yung parang sa m-movie ganun?"

"Yep!" Naglakad ito papalapit sa loveseat at umupo

"Ano yun, yung ano, yung parang hindi alam ni girl na kakantahan siya ni boy sa st--"

"Exactly!, diba may boses ka naman, bakit hindi mo gamitin, katahan mo si V"

Hinawakan ni sydney ang lalamunan niya " Meron naman, pero kasi, parang hindi ko kakayanin yun"

"Bakit naman?"

"Uhm, kasi aside kay valentine na kakantahan ko panigurado marami ring tao manunuod dun?---- teka nga, saan ko pala siya id-date?, yung dapat may mini stage ah"

"If your talking about Bistro, may alam ako, actually favorite to ni valentine"

"Talaga?, maganda yan, "

"Yes naman perfect bistro para maging official ng kayo!, yeeiii"

Napangiti ng abot tenga ang dalaga "Sobra"

"So?, to make your date more even romantic dapat yung song na kakantahin mo may impak, aside sa stage impak dapat meron din sa puso ni v"

"O-Oo may naisip na ako, panigurado magugusguhan to ni valentine "

"Ayos, maganda yan syd, hmm, marunong kabang gumamit ng mga instrument?"

"Ayun lang, marunong lang akong manira, hehe"

"Ow, mahirap yan, but may solution ako diyan, may kakilala ako na marunong tumutugtog ng acoustic's, later kokontakin ko siya, at sabihin mo narin kung ano yung kakantahin mo sa kanya, okay?"

"Sige, pero hindi kaya busy yun?"

"Pag ako kumontak sa kanya, free agad siya, alam muna, lakas ng tama nun sakin eh, kaya wag ka ng magalala"

Tumango tango na lamang si sydney sa sinabi ng kaibigan

"And also dapat mapanatili mong palihim iyan hanggang sa dumating sa due date, teka kelan mo pala balak?"

Dating Valentine (Under Slow Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon