Pg.19 ♛The Confession♛

6.6K 214 2
                                    

Sydney pov

Napakalakas na naman ng ulan sa labas, obvious na naghahasik  na ng krimen si bagyong Kalbo,  pero ang nakapagtataka lang bakit elem to high school lang yung suspendido, pano naman kaming mga kolehiyo?

<(_ _)>

Hustisya naman oh!

Maliban kay kalbo, namomoblema rin ako, tulad ng, kung papaano umuwi ng hindi nababasa yung damit ko, buhok ko, maske yung medyas ko, mas lalo na kung paano umuwi ng walang bahid ni isang putik itong binti ko!

Napakalaki diba!, pero panimula palang yan, hays, kung alam niyo yung the rest pa!

>_<¦¦¦

Naka-kalumbaba ako habang pinapanuod yung ulan sa labas, kung titignan mukha akong donya version ni noynoy aquino

Si maria naman, hindi na ako magtataka, kung bakit di siya pumasok, alam niyo naman yung dalagitang yun, basta umulan maske nga umambon ata automatik wala na yung pasok

Hay ang sarap pa namang  itulog nitong problema ko nato, lalo na't malamig pa naman yung panahon, ipipikit ko sana yung mata ko ng may nagsalita.

"Ms. Dela Buena, may nakita ka nabang tatlong bibe dyan sa labas?" Dahan dahang minotion ko yung ulo ko, habang ganun parin yung position ko, makita si sr. Korny na nakangisi, since prof siya, nahawa rin naman yung mga klasmeyt ko

"(Wala pa sir, pero ngayon meron na!), P-pasensya napo sir" hay kung kaya ko lang na sabihin yan!, umiling iling siya "Focus, Ms. Dela Buena, baka mamaya, mawala ang pangalan mo sa listahan ng binigyan ng scholarship"

As if naman major itong subject mo, Tsk!, speaking of focus, finocus na niya yung attensyon niya sa lahat "Anyway, bukas magpapalong quiz ako, kaya advice ko lang sainyong lahat espesyali kay Ms, Dela Buena, mag review ng maigi, yung scores na makukuha niyo dito would refer as your grade for this midterm, since hanggang bukas lang ako nandito sa school, Ayun lang at pwede na kayong magsilayas"

Yes, sinabi niya yan, walang edit!, malinis na malinis, malinaw na malinaw, hindi ko nga hinawakan yan eh, saka as if naman nahahawakan!

Tulad ng sinabi ni Sir. Korny, nagsilayas na nga yung mga tao dito sa loob at syempre tangay tangay siya

Samantalang ako naman ito at katatayo palang habang ipinapasok na lahat ng inilabas kong gamit sa bag ko "Special mention tsk!"

Nakakaimbyerna!, parang sa naalala ko nananahimik lang ako habang nakatingin sa labas tapos, tapos, oh come on!

Pagkatapos, Isinukbit ko nato sa magkabilaang balikat ko, at naglakad papunta sa pintuan na nakasara

Ilalahad ko na sana yung kamay ko sa knob ng bumukas ito

()_()

φ(..)メモメモ

"Sydney, we need to talk" sabi ni valentine , hindi na niya ako pinasagot since agad na pumasok siya at isinara uli itong pinto

Sa eksenang nagaganap ngayon, dama ko agad yung pagbabago ng ihip ng hangin, yes, opo multo na si valentine, este charot lang

Pinagkuskos ko yung kuko ng hinlalaki ko at gitnang daliri ko, para kahit papano, hindi ko medyo madama yung usual na nararamdaman ko tuwing nasa paligid ko siya

Yumuko ako, pero aside dun, may parte sakin na natatakot makipageye contact sa kanya siguro dahil sa pinsan siya ni grey

"Uhm, narinig ko na, nireject mo daw si grey" sinubo ko yung labi ko, sabi ko na nga

Tumango ako para sa kasagutan kong Oo "But why?" kibit balikat naman yung sunod na isinagot ko, narinig ko yung pagbuntong hininga niya "is it because, M-meron ka ng ibang gusto?"

Ngayon, dahan dahan inangat ko na uli yung ulo ko para tignan na siya

Gusto kong sabihing Oo, ikaw, pero ang hirap eh, gusto ko pero ayaw bumuka ng bunganga ko

Para bang, may pumipigil may tumutulak

Lumapit siya sakin at hinawakan yung magkabilaang pisngi ko "Tell me, sino?" Malumanay yung boses niya

Imbes na sumagot ako, tumulo yung luha ko

Pinunasan niya ito gamit yung hinlalaki niya "P-please sydney, tell me"

Halatang interesado siyang malaman kung sino, pero bakit ba kasi napipipe ako?

Ang hirap palang sagutin yung katanungan na kung 'sino yung gusto mo' lalo na kung galing to sa mismong taong gusto mo

"I(tagalog) ---I(english)-- dont know" dahan dahang iniwan nung kamay niya yung pisngi ko na siyang iwas ko na uli ng tingin

Alam ko ambobo lang ng sagot ko, pero pinsan siya ni grey, hindi naman natin alam yung takbo ng isip niya, malay mo nagbago lahat since nung nagwalkout siya

Ilan minutong namayani yung katahimik bago hinarap na niya yung pintuan

Aakmang hahawakan na niya yung knob ng nagsalita naman yung bunganga ko "N-nabalitaan ko rin na, w-wala na k-kayo ni red"

Hudyat lang na hindi pa pala ako pipe, isang matipid na "Yes" yung sinagot niya

"Bakit?, may gusto karing iba?" Pagbabalik tanong ko "Yes" agad na napatigil ako, mix emotion yung nararamdaman ko, tuwa na may halong lungkot na ewan

Sino naman?

Hinarap niya uli ako "Hindi mo ba tatanungin kung sino?" (Ako?)

"Ako?" Kumunot noo niya, samantalang ako naman ay agad na napatakip ng bunganga mapagtanto kung ano yung sinabi ng bunganga ko

"A-ah, sabi ko kung a-ako ba, yung magtatanong say--"

"Yes, ikaw"

"Ako?"

"Oo" Hindi ko gets "Oo, ikaw, yung gusto ko" Okay, ngingiti ba ako o iiyak uli?

"G-Gusto mo ako?" Paguulit ko, pinunasan niya yung pisngi ko, for sure, umiiyak nanaman ako, bago sumangayon siya gamit ang pagtango niya "W-wag kang umiyak" may bahid na lungkot na sabi niya

"please Sydney, whenever na nakikita kitang umiyak, nasasaktan ako" pero patuloy parin ako sa pagiyak

Saka bakit nanaman ba ako naiyak?, huh?!

Niyakap na niya ako " P-please, stop crying" bulong niya, sa tono niya feeling ko naiyak narin siya

"V-valentine"

"Yes?"

"Gusto rin kita"

Sa palagay ko tears of joy itong luha ko, since the feeling is mutual.

♥♥♥

Dating Valentine (Under Slow Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon