Pg.12 ♛University Week♛

7K 159 1
                                    

Sydney pov

Hinawakan ko yung braso ni Maria at agad na hinihila papasok ng gynasium, itong babae nato kasi kala mo suso!

Aba'y ke bagal maglakad

Ng nasa loob na kami ng gym ay inilibot ko agad ang paningin ko para hanapin si grey, pero naistorbo din ako ng malakas na hinampas ng bruhang ito yung slim kong braso "Ayun sya sydney oh!, halika na, bili" hinawakan ko yung braso ko na hinampas ni maria, magrereak sana ako ng agad na sya naman yung humawak sa braso ko at kumaladkad sakin papunta kay grey "Kalma, maria,"

Ikaw ba naman hilahin na halos kulang nalang sumubsub mukha mo sa sahig, parang macho papa kung makahila eh

Agad na niyakap ako ni grey nang nakalapit na kami sa kanya , si maria, ito nanaman at sobrang kinikilig

"I know you'll come" masayang sabi nya bago bumitaw "Good luck grey sa laban, ipanalo mo ang engineering"

Tinap nya ang ulo ko "Ofcourse para sayo" nakangising sabi nya "Grey, tawag kana ni couch" singit ng isang co-player nya bago naglakad na papalapit sa coach nila na nagsisimula namang idiscuss yung game plan, hinalikan ni grey yung pisngi ko "Wish me luck syd" sabi niya bago nagjogging papalapit dun sa kumpulan ng mga teammates nya

Kami naman ni maria umupo nasa bleachers na malapit lang sa pwesto nila grey

Marami na ang studyante dito sa loob ng gymnasium dahil laban ngayon ng engineering at Business, championship game!

Kaya expect ko nang marami ang manunuod

Since varsity si Grey ng soccer bawal syang magparticipate sa larangan ng soccer game, dahil unfair daw kapag varsity versus ordinary student, pero pwede silang maglaro parin kaso nga lang sa ibang sports, tulad nlng ng basketball ngayon

Pagkaupo namin ni Maria sa dalawang natitirang bakanteng upuan ay nagsimula ng magsigawan yung mga studyante, na mala anak ni godzilla sa madison square garden sa palabas na Godzilla ano paba?!

"Go engineering" sigaw namin ni maria sumasabay sa ingay nitong mga engineering students at drum instruments "Engineering" cheer uli namin

Pumwesto na yung limang players ng business at engineering sa gitna ng court, bago pumito yung referee kasabay ng pagbato nito ng bola sa ere ..

"Kyyaaahhh Go papa grey ko!" Agad na sigaw ko, dahil na kay grey napunta yung unang bola

Pinasa ni Grey sa kakampi iyong bola, nilito nya muna yung kalaban na nagbabantay sa kanya, hindi naman siya nabigo dahil naiwan siyang wide open sa line ng 3point, kaya agad na pinasa uli sa kanya yung bola na sinundan naman ng agad na pagshoot nya sa ring

At Boomm!, 3points, dumagundong uli yung hiyawan ng engineering, si maria halos nirape ako sa sobrang tuwa, rason para matamaan ko yung taong nasa tabi ko "Ano ba maria!" Inis na sabi ko bago hinampas yung kamay nya

Tinignan ko ang katabi ko para magpaumanhin dahil natamaan ko sya sa kalandian nitong malandi kong kaibigan, kaso ng makilala ko kung sino ito ay agad na napatigil ako, dahil Ito nanaman ang mga kalandian na nangyayari sa mga laman loob ko

San naman to nanggaling? At bigla bigla nalang lumilitaw!, kabote lang ampeg ganun.

"Ano kaba bata?, maykatabi ka oh!" mataray na sabi nya at inirapan ako, nanuod uli sya ng laban, maya mayay pumalakpak siya

Bumuntong hininga ako bago itinuon ko narin ang paningin ko sa harapan at mapansing may score narin yung business kaso 2points lng at angat parin kami ng 4points since naka3points uli si grey

"Go engineering!!, whooaaa" sigaw uli ni maria ng nasa engineering uli yung bola "Go Grey!" Cheer uli yan ni Maria, since hawak ni grey uli yung bola,

Dating Valentine (Under Slow Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon