Pg.5 ♛Beautiful Girls♛

7.9K 212 2
                                    

Sydney pov

Masakit na ulo, Cotton na bunganga, yan ang una kong naramdaman simula ng minulat ko ang aking mata

At isa pa pala!

Ang nakacross arm nasi tatay at kuya neyo .

Pilit na inangat ko ang katawan ko para sumandal sa pader, makita naman sila rikardo na nakaupo sa monoblox katapat lang ng higaan ko "T-tay, s-sorry po" agad na paumanhin ko kahit na severe na ang sakit ng ulo ko

Ang galit na mukha ni tatay ay agad na napalitan ng awa dahil nadin sa sitwasyon ko,masakit kasi talaga ang ulo ko

Inabutan ako ni tatay ng tableta para sa sakit ng ulo at si kuya neyo naman na isang baso ng tubig

Agad na ininom ko yung gamot at binalik naman ang baso na may kalahati nlng na tubig kay kuya "Sydney, anak magdamag kaming nabahala sayo, buong gabi kaming nagalala, sana man lng sinabi mo yung totoo kung saan ka pupunta" sermon ni tatay pero malumanay yung boses niya

Yumuko ako, nagsisi sa ginawa ko "S-sorry po tay" medyo crack na yung boses ko at nagbabadya ng tumagas yung luha sa mata ko

Wala ni isa akong ideya sa nangyari kagabi after nung iniwan ako nila rikardo at nung grupo ng mga gwapong lalake

Pero may napaginipan akong isang babae, ewan ko kung literal na panaginip talaga yun oh hindi, medyo diko na matandaan yung mukha nun eh, sa paningin ko may dimple siya katulad ko.

Saka hello kelan pa ako nagfantasya ng isang babae?

"Sydney?, wala kanaman sa sarili mo" Agad na napatingin ako kay kuya at agad na maalala kong sinesermunan pa pala ako

-_-||

"Sorry kuya, tay, diko napo uulitin" huminga ng malalim si kuya at ginulo ang buhok ko "Sa susunod kasi sabihin mo kung saan ka talaga pupunta, okay naman sana samin na umattend ka sa mga party nayan, pero sana wag kang umuwi ng lasing" malumanay na sabi niya

Nananatiling nakayuko ako "Sorry po  kuya"

"Hay hindi ako makapaniwala na mauunahan mo pa akong malasing" napatingin kami kay rikardo ng nagsalita sya "edi sumama ka samin neyo sa susunod, para malasing ka"

Isa pa to, Di marunong maki-ere sinamaan tuloy sya ng tingin ni kuya

Tinignan ko si tatay "tay galit kapa po sakin?, sorry napo tay di napo mauulit"

Bumuntong hininga si tatay "Alam mo namang Hindi ko kayang magalit sayo anak, kaya pagbibigyan kita, pero sana naman anak sa susunod sabihin mo yung totoo" tumango ako na parang bata

Ngayon tinignan ko naman si kuya neyo "Haay.. Pasalamat ka mahal kita " lalong lumapad yung ngiti sa labi ko, ung pati pisngi ko punit na punit.

"Whow, what a cute family" Kinikilig na pukaw ni kyle

Kinalaunan, ay umalis na sila rikardo, si kuya naman pumasok na uli at si tatay binigyan muna ako ng space para makapagpahinga

Habang nakahiga tinititigan ko yung kisame uli, may hinala ako sa panaginip pakiramdam ko kasi nangyari yun kagabi

#dikolangtalagamatandaan

Hinawakan ko yung noo ko at huminga uli ng malalim

Sunday na ngayon di narin pala kataka-taka kung bakit natanggap agad agad ako sa RSU

Sabi daw kasi this monday na yung pasukan, hindi sa susunod

Mamaya mamimili na ako ng mga kailangan ko, 100pesos, pwede narin sa isang black ballpen, red ballpen, yellow pad, at isang notebook

Dating Valentine (Under Slow Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon