Pg.15 ♛One Last Unforgetable Night♛

7K 198 3
                                    

"Sometimes letting our body do the work, lead us to have an unexpected guts, to compess"

Sydney pov

Tahimik yung naging buong byahe, since wala ni isa saming dalawa maybalak na magsalita

Tinuro ko lng yung daan patungo samin, bago nanahimik uli ako, alam ko kasing pagkinausap ko siya wala naman akong mapapala

Samantalang yung ulan naman sa labas, bahagya ng humina, bahagya lang naman as in

10billion na patak ng ulan ang lumipas laking pasasalamat ko't buhay pa akong nakauwi, since tanaw kona yung Apartment na tinitirahan ko

Nang naiparada na yung sasakyan sa tapat nito ay tinignan ko yung oras sa cellphone ko, at makitang 11:24pm na pala

May kinuha sa backseat si valentine, nang sa palagay ko ay nakuha na niya ito umayos na sya ng upo

Tinignan ko yung hawak niya, at isa uli itong payong, pero ngayon kulay itim naman

Inabot nya sakin ito, na siyang nagsalubong naman yung kilay ko, alam ko kung ano yung pinaparating niya, pero diko na kailangan ng escort para lang makapasok sa apartment house

"O-okay na ako, kaya ko na yung sarili ko, diko na kailangan niyan" tangi ko, bago  sumagot si valentine inikutan niya ako ng mata "Alam mo, you should be thankful nga at ieescort pa kita papunta sa house mo eh , saka i wont do this naman, kung di lang sa cousin ko" bumuntong hininga ako at kinuha yung payong

Wow!, as if nga naman na ieescort niya talaga ako!

"Oo na" tanging sagot ko at nakabusangot na tinanggap yung payong saka ginawa yung ginawa ko kanina lamang

Nasa loob na kami ng apartment house, at ngayon naglalakad na kami patungo sa secondfloor

Nang nasa tapat na kami ng inuupahan namin dito, agad na kumatok ako, na siyang agaran ring bumukas iyong pintuan, at binungad si tatay na nahikab pa "Hi, tay" bati ko bago agad din na pumasok at nagmano

"Oh anak, pasok ka iha" Aya nya kay valentine, magsasalita sana ako na WAAAAAAAAAGGGGG! kaso humakbang na si sunget papasok ,

hay kaya nga iniwan ko sya eh!

"Uyy (Bat ka pumasok?!), Valentine, Salamat sa paghatid ah" pagtataboy ko sa kanya, na sinundan naman agad ng pagdagundong ng kalangitan sa labas "S-sige hoh dito na po ako" plastik niyang paalam ka'y tatay

Aaktong tatalikod na sya ng nagsalita si tatay "Naku iha, halos dis oras na ng gabi, umuulan pasa labas, matulog ka nlng muna dito, malaki laki pa naman higaan ni sydney, kung okay lng sayo?" nanlaki mata ko sa sinabi niya bago pilit na tumawa "Naku Tay, ayaw nyan sa---"

"O-Okay lng po sakin, its up to sydney po, if she dont want me to stay, uuwi nlng po ako" Singit ng plastik na bruha na nagpatigil din sakin sa pagtawa, napalitan ito ng ngiwing ngiti

"Hay, wag mo ng alalahanin yang si sydney, mas mahalaga yung kaligtasan mo, papayag naman sya, kahit na anong mangyari" sabi niya habang tinapik tapik pa yung balikat ko "sydney nak, samahan muna itong kaibigan mo sa kwarto mo ng makapagpalit na kayo ng damit at ng makapagpahinga narin kayo " sunod ay naglakad na siya patungo sa kwarto nila ni kuya

Pero bago literal na makapasok ng kwarto si tatay agad na nagsalita ako "Tay!, eh panu kung ayaw ko?" napatigil siya sa paglalakad at hinarap ako

"Gusto moba anak na madisgrasya  si valentine?"

Tinignan ko si valentine,  at base sa ekspresyon niya mahahalatang nangangatog siya sa takot

Kaya tuloy agad na nakaramdam ako ng awa

Dating Valentine (Under Slow Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon