Pg.4 ♛Valentine Anderson♛

8.8K 222 8
                                    

Sydney pov

Hindi parin umuuwi si tatay halos 5:30㏘ na

Nagiisip ako kung paano magpaalam, kung sasabihin kong magp-party ako kasama sila rikardo, for sure di ako papayagan nun

Kinikitkit ko na ang kuko ko, halatang tensyonado habang nakatingin sa refleksyon ko sa nakaoff na t.v

Paano na? Wala parin si tatay ??.

Agad na nagkailaw yung lightbulb na nasa tuktok ng ulo ko

Alam kona!! Gagawa nlng ako love letter kay tatay

Tama!!

Ngiting tagumpay akong tumayo at naghanap ng papel at ballpen sa kwarto nila tatay

Ng nahanap ko na yung mga kailangan ko ay agad uli akong nagtungo sa sala at nagsimula ng magsulat

Tay, nakapagsaing na po ako, ulam nlng po ang kulang.. pupunta lng po ako sa bahay ng bago kong kaibigan

P.s: wag po kayong magalala, love sydney .

At tuldok!

Binasa ko uli yung sinulat ko, at ng pumasa naman ito kahit papano sa mata ko ay nilagyan ko na ng tape ang itaas at dinikit sa screen ng t.v

Tinignan ko yung orasan sa bago kong cp, time check 5:55㏘

Bongga feeling ko ang yaman yaman ko pag hawak ko itong niregalo nila kyle sakin

Kakareerin ko ng akin na talaga to

Ibinulsa kona ang cellphone ko at naglakad palabas.

Pagkalabas ko sa medyo may kalakihang apartment ay siyang timing naman ng paparating na itim na sasakyan

panigurado naman kayla rikardo iyon.

Huminto ito sa harapan ko, bago dahan dahang bumukas yung tinted na salamin sa driver seat banda at confirmed nga kela rikardo nga "Akala ko maghihintay pa kami ee, pasok na" aya nya habang nakangisi nanaman tulad nlng kanina, nginitian ko sya bago binuksan na yung backseat at pumasok

Pagkapasok ay tinignan naman ako ni kyle ng nakakunot ang noo "Ganyan parin damit mo?" Parang nangaasar na tanong niya

Bakit may mali ba sa suot ko?

"Bakit?, hindi ba dapat ganito?"

Umiling iling sya "Hindi naman sa ganun, pero diba kanina pa yan yung suot mo"

"Hoy, Mabango naman ako noh wag kang magalala wala akong kilikili power"

Grabe to!, kahit dalawang araw pa akong walang ligo, mabango parin ako no!

Saka ano naman ang ipapalit ko sa damit na suot ko?, dress?, ganun

eh wala naman akong pambili sa mga ganung klaseng damit!

tinawanan lang niya ako.

"Party, here we go!" Di makapaghintay na sabi ni rikardo at pinaandar na uli ang sasakyan.

Sa kalagitnaan ng byahe diko na mapigilang di mapakali sa mangyayari sa loob ng party na sinasabi nitong dalawa, baka kasi iwanan nila akong magisa "Kyle, kayo na bahala sakin aa"

Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila, may kutob lng.

"Oo naman sydney, wag kang magalala" sabi nya, pero mukhang hindi from the heart

Lagot talaga ako kay tatay pagmay kung anong mangyari sakin!

Malay ba natin kung ano diba?

Tinignan ako ni rikardo sa rear mirror nang nakaukit nanaman itong ngisi sa labi niya! "And if ever naman na malasing ka meron namang isa pang penthouse si kyle ko para sayo" sabi nya bago kumindat

Dating Valentine (Under Slow Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon