Pg.16 ♛Truth♛

6.8K 181 3
                                    

Sydney pov 

Napamulat ako ng nakaramdam ako ng bagay ng dumampi sa ilong ko

Mabilis pasa susong pinalibutan ng bato ang buong katawan ko mapagtantong hindi pala ito isang bagay

Dahil si valentine ito na sobrang lapit ng mukha, saakin. Nakaharap yung mukha ko sa kanya sa gilid, ganun rin siya, sa sobrang lapit tumatama sa labi ko yung hininga niya "V-valentine?"

Imbes na sumagot, tinuon niya yung mata niya sa labi ko rason para bumilis yung kabog ng puso ko

Gusto kong lumingon sa ibang direksyon pero parang may enerhiya na pumipigil sakin

Hanggang sa naglapat na yung labi namin, hudyat para magdiwang ang dapat na magdiwang

Nananatiling magkalapat ang labi namin sa isat isa, obvious na walang ni isa samin ang may balak na gumalaw

Sa diko malamang dahilan hindi ako nasatisfied sa ganitong sistema lamang, kaya may buhay na naglakbay yung kamay ko papunta sa gilid ng leeg nya para dito nagpahinga, kasabay ay ang muling pagsara ng mata ko, at aaktong ibubuka kona yung labi ko ng ----

Agad na lumayo sya sakin, na sinundin din ng agad na pagupo niya "I-Im sorry" paumanhin nya, habang nakatingin sa ibang direksyon

Ginamit ko na kamay ko para saluhan sya sa pagupo, at tinignan sya "V-Valentine, W----"

"I need to go" at sa isang pitik, ay nakatayo na sya at nagmamadali ng naglalakad patungo sa pinto ng kwarto ko

Nananatiling nakaupo ako at tulalang nakatitig kay valentine, pagkabukas nya ng pinto si tatay agad ang nagpakita na agad din na gumilid para bigyan sya ng daan

Humakbang palabas si Valentine at nakayukong hinarap si tatay "T-thank you for everything Mr. Dela Buena, A-aalis napo ako" sabi nya at naglakad uli

Automatik na napatayo ako at hinabol sya, parang gusto ko siyang pigilan, at siguro kasama narin na paliwanagin tungkol sa ginawa niya

"Teka" nilagpasan kona si tatay habang nakatuon yung mata ko kay valentine

Alam kong naguguluhan si tatay sa nangyayari ngayon at alam ko rin na nakakunot na yung noo nya

Nakalabas nasi valentine pero nakasunod parin ako sa kanya" Valentine" tawag ko uli, di nya ako hinarap at patuloy lang sa ginagawa niya

Tumakbo na ako at hinawakan yung forearm nya na nagpatigil naman sa kanya "Please Sydney, let me go" malumanay na sabi nya habang nakatingin parin sa ibang direksyon "Teka lng --" napatigil nanaman ako ng marahas nyang binawe ang kanyang braso at lumabas na ng literal sa apartment house iniwang clueless sa ginawa niya kanina

Sumakay na siya ng sasakyan niya at pinaandar ito paalis, palayo sakin dito sa apartment

Bumuntong hininga ako at walang gana na naglakad papasok

Pagkabukas ko ng pinto si tatay yung nakita ko na nagkakape na sa lamesa

Umupo ako sa monoblox na nasa gilid lamang niya "Oh, Anak, anong nangyari sainyo ng kaibigan mo?" Nagaalalang tanong niya, nagkibit balikat ako "ewan koba tay, Wag na muna natin syang isipin" kumuha ako ng pandesal at kumagat ng malaki

"Hay, nak, ikain mo nalang yan minsan talaga may mga ganyang bagay na nangyayari" Nginitian ko na lamang

Minuto ang lumipas ay bumalik uli ako sa kwarto ko, pagkasara ko ng pinto, agad na pumukaw sa attensyon ko yung naiwan ni Valentine na damit nya at pares ng itim na sandals na nakapatong sa itaas ng Durabox

Nilapitan ko ito at kinuha bago umupo sa gilid ng kama

Inilapag ko sa sahig yung sandals ni valentine, at iginala naman yung daliring kamay ko sa malambot na tela ng damit nya, naaamoy ko pa yung mamahalin na perfume nya

Dating Valentine (Under Slow Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon