Pg.20 ♛The One On One♛

8K 225 9
                                    

Sydney pov

Maraming nagbago simula nung umamin sakin si Valentine, at simula din nung nireject ko si grey, nahati yun sa dalawa, isang panget at maganda

Magsimula muna tayo sa maganda, nakakasama ko na si valentine ng kaming dalawa lang, good news diba?

Yung panget minsan lang naman yun mangyari, at yung isa pa, yung kay grey, mabilis na kumalat yung balita sa pagitan namin, kaya maraming babaeng naghinayang, at naawa sa kanya, hindi rin mawawala na may MGA nagalit sakin.

Also, huling nakasama ko lang siya nung sa restaurant, the rest hindi na, maske makita nga eh, magpahanggang ngayon

Since affected ang ibang mga babae, inaasahan ko na yung taas kilay nila habang  nakatitig sakin, bulungan at kung ano pa.

So far wala pa namang nagmatapang na humarang sa daan ko para saktan ako

"Alam mo para kang artista look at them, lagi ka nilang tinitignan" sabi ni maria habang nakatingin sa kabilang table yung mata niya, saka lang niya itinuon sakin ito ng nakaupo na siya sa bakanteng upuan na nasa harapan ko "Ganyan talaga pag maganda"

"By the looks of them i think hindi dahil sa maganda ka kaya ka nila tinitignan" inikot ko yung mata ko

Seryosong tao naman nito

"I think dahil sa nireject mo si grey, obviously mas effected pa sila kesa dun kay grey"

"Hayaan mo nalang sila, kumain ka nalang ng hotdog" pagbabalewala ko bago finocus yung attensyon ko sa pagkain ko

"Okay?, alam mo sa totoo lang, nacucurious ako kung bakit mo nireject si grey, last time that i remember, okay naman kayo" tinignan ko uli siya "May iba kana no?"

Muntikan na akong mabilaukan sa sinabi niya "A-ano?, wala ah"

"Weh, di nga?, wag ka ng mahiya, sabihin muna"

"Wala nga, siguro, baka, wala na akong nararamdaman sa kanya"

"Ganun?, *sigh* Okay, fine, Oo nalang" at nagsimula na siyang kumain

Hindi na ako nagsalita, bagkus ay ibinalik ko nalang uli yung attensyon ko sa pagkain ko

Eh, Hindi ko naman alam kung papaano sasabihin sa kanya na si valentine yung dahilan kaya ko nagawa yun kay grey

Maliban sa hindi ko naman alam kung homopony siya, baka kasi pandirihan niya ako, or worse eh iwasan, ayaw ko naman na mangyari yun

Pero sa palagay ko naman hindi naman siya ganung tao, sa paningin ko lang ah

♀♥♀

Humikab ako habang nakikinig sa nagdidictate naming proffesor

Samantalang si maria nakakulumbaba naman base sa peripheral vision ko

Bumuntong hininga ako at tinignan siya

"Psst, Maria" Ipipihit na sana niya yung ulo niya paharap sakin ng nagpadismiss yung professor sa harapan, kaya tumayo muna siya bago hinarap ako, "Ano yun?" Nakabusangot yung mukha niya, isinusukbit na niya rin yung bag niya sa balikat niya

"G-galit ka?"

"Hindi ba halata?" Ansunget naman nito

(;o;)

Nang walang lumabas na salita sa bunganga ko tinalikuran na niya ako at naglakad

Senyales para automatik naman na mapatayo ako "Sorry na maria" napatigil naman siya at dahan dahang hinarap uli ako

"We promise to each other, you promise, na walang magha-hide ng sikreto, pero anong ginawa mo, obviously youre hiding something to me" Nakasimangot yung nguso niya

Dating Valentine (Under Slow Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon