- o n e - (Edited)

20.9K 297 14
                                    

Sydney point of view

Rose State University.

Maraming nagsasabi maganda daw ang universidad nato, at base sa nasagap kong chismis mula sa mga kapit pinto namin dito sa apartment house na bagong tinitirahan namin, marami daw ang taeng tae na makapagaral dito, mapa mayaman at sobrang hirap, siguro pati yung mga nangangarap at walang pangarap.

Sinong hindi ba naman matatae e prestiryoso kasi itong university nato, maske ako nga natae ng kinuwento nayan sakin kuya, pero hindi dahil sa skul a, dahil sa manggang kinain ko nun.

Sabi, once daw na nakapagaral ka dito, panigurado maganda na agad ang kinabukasan mo, anyway tanging mga makapangyarihan lng sa republika ng pilipinas ang may kayang tumbasan ang enrollment fee nila, labas pa dun yung books, uniform at kung ano pang bling bling na pauso nila.

Pero syempre di lng din naman sila ang dapat na nakaranas na mangamoy RSU.

Syempre ako din no!.

Ako paba?. Si sydney dela buena magpapatalo?, huh!, utut nila no!.

Ang kaso nga lang, Kailangan kong panatiliing uno lahat ng gradong makukuha ko. Bawal dos, maske tres pati quatro, Kaloka naman kung singko diba, hindi sa pagmamayabang a, pero anupat nag iskolar ka?. Kung puro fetus lang gradong makukuha mo. Yung nakakapit pa. Yung muntikan ng malaglag, yung- basta yun.

Nagpapaskolar itong RSU, obviously , matagal na nila itong ginagawa, nasa vision and mission nila ang tulungan ang mga mahihirap na tulad ko na, magkaroon ng pagkakataon na makapagaral sa eskwelahang tulad nila, kaso bilang lang ang nakakapasa sa hirap ng exam nila, sabi, if ever na pinalad ka, worth it na worth it naman, sagot na kasi nila lahat, plus may allowance kapa weekly, take note weekly!.

Hindi tulad ng ibang eskwelahan itong RSU, yung tipong dapat magtrabaho ka sa kanila o kaya maging teacher assistant para lang magkaroon ng income, sila wala, hindi pwede, pinanghahawakan siguro nila ang pagiging prestiryoso. At good news yun sa tulad kong nagaapply palang ng scholarship nila.

Trabaho ni kuya neyo sanhi kaya kami nandito, kaya kami lumipat ng tirahan.

Si tatay naman dito nalang din sa sa makati maghahanap ng trabaho.

Nagt-trabaho si kuya neyo bilang isang waiter sa isang sabi nya pangmayaman na restaurant daw, well pangmayaman nga talaga, sa pangalan palang eh, namamaril na ng bulsa.

Kakaapply lang nya dito at agaran din naman siyang natanggap. Nakita ni kuya yun sa dyaryo, rason kaya agad siyang lumuwas papunta sa makati.

Halos magiisang linggo na kami dito sa apartment, ganun rin si kuya sa trabaho niya.

Halos sumakto talaga sa-aming tatlo itong laki ng apartment, meron siyang mini sala/kusina, banyo, at dalawang maliit na kwarto.

"Ini, may kilala akong studyante na nagaaral sa RSU kung gusto mo bukas papuntahin ko sya dito para may kasama ka pumunta sa Rose state " Suggest ni kuya bago tinusok ang hotdog ng tinidor niya "Kuya, Gusto ko ng magtrabaho, ayaw ko ng magaral" desidido na akong hindi makapagkolehiyo, lalo nat ngayon 18 na ako.

Isa pa dun nandito kami sa makati, maraming trabaho dyan sa tabi tabi na naghahanttay sa magandang resume ko.

Bumuntong hininga si kuya at nilapag an hotdog sa plato niya, alam kong rindi na siya sakin, sa paulit ulit na sinasabi ko "Ini, magaaral ka, ayaw ko na matulad ka sakin, alam mo naman kaya kitang bigyan ng baon mo na pang araw araw, matalino ka ini, sayang kung hindi ka magaaral, mas maganda kapag may tinapusan " at iyan naman ang laging isinasagot niya.

" Okay" bakit ba ako nagiinarte pa?, ako na nga pagaaralin ako pa magiinaso. " Gusto ko lang tumulong, ayaw ko ng maging pabigat "

" sydney ikaw lang nagsasabi niyan, hindi ka magiging pabigat kapag magkokolehiyo ka, kaya nga ako nagtrabaho para sayo, si tatay maghahanap ng trabaho para sayo "

Dating Valentine (Under Slow Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon