Pg.9 ♛How close?♛

7.1K 198 3
                                    

Sydney pov

Natapos na ang meeting de-abanse na nakakapangsunog ng pwet

Mahigit ilang oras kaya un, siguro hmm. 5hours?, diniscuss lng naman yung mangyayari sa loob ng buong 1st semester kasama narin yung 2nd sem

Since walang gentleman nananatili kami ni maria na nakatayo habang naghihintay sa paghupa nitong traffic ng mga naguunahang studyante

Buti pa sila valentine, halos free way lang ampeg, dahil binibigyan daan kasi sila, kami ito, kailangang magparaya wag lng matulak na magiging bunga ng sugat

Okay lng sana sakin un ee, kaso itong si maria ayaw magasgasan yung kagandahan niya

Heller! Sanay na kaya ako makipagsagupaan

Pinauna narin namin yung mga nakaupo dito sa pwesto namin

Nakakainis talaga dapat nasa labas na ako ee.

Mga 5minutos ang lumipas, sa wakas humupa narin yung traffic, naglakad na kami ni maria  patungo sa gitna kung nasaan yung hagdan pababa

Pagkaharap namin, agad na nakita namin si Grey na nakatayo sa baba at nakangiting nakatingin sakin o samin?, diko alam kung samin ni maria yung hinihintay

Pero feeling ko, ako ata, hehe, saka diba kanina, err ako yung nginitian niya

Tumugon ako ng ngiti ganun din naman siguro ginawa nitong katabi ko, at naglakad na kami pababa, papalapit sa kanya

Habang bumababa tinutusok ni maria yung sexy kong tagiliran, halata kay gaga na kinikilig nanaman

Sa naalala ko, dapat ako ang umaakto na ganyan diba.

Nang nasa baba na kami, nagkamot si Grey ng batok bago nagsalita "Hi, sydney right?" Nahihiyang tanong nya

Sasagot sana ako ng agad na tumili itong si ganda with matching niyuyogyog pa nya yung braso ko "O-opo"

Inilahad nya yung kamay niya sa harapan ko "Hi, Im Grey Lucas" tinabuy ko muna yung kay maria bago inabot iyong kamay ni grey

infairness, Kakaiba yung kamay niya ah, hindi sa kamay alien to or kung ano pa man yang iniisip nyo, kasi usually paglalake  marami yung magaspang, at pasmado, sa kanya kasi malambot na,  makinis pa, sara enebe, nakakakilig kaya

Ihhh.. siguro ganito yung feeling kapag sa pogi makikipag shake hands

~@^_^@~

Agad na nagbitaw rin kami ng tumili uli si bruha "Kyaaahhh..! Nikikilig ako sainyo, syd, Alis na muna ako ah."tinaasan ko sya ng kilay

" Girl dakma na" Sabi niya obvious na seeninzone yung kilay ko, nginitian naman nya si grey  "bye papa grey" at naglaho na siya na parang bula

Pipigilan ko sana siya, kaso baka kung sno isipin ni grey

Speaking of him Napatingin ako sa kanya dahil nagsalita uli sya "Ang cute naman ng kaibigan mo, kulit eh"

"Hay nako mas pipiliin ko pang walang malay yan kesa sa gising yan" natatawang sabi ko

"Wag naman, napakajoyful niya kaya, nakakaaliw nga eh, and minsan lng tayo makahanap ng totoong kaibigan"

"By the way, shall we go?" Tumango nlng ako at naglakad na kami palabas

Habang nasa hallway maraming nakatingin samin, may iba na inggit yung makikita sa ekspresyon nila, may iba naman na wala lng.

Para masaya nagk-kwentuhan kami ni grey tungkol sa buhay habang naglalakad

Dating Valentine (Under Slow Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon