®Chapter 20

758 24 1
                                    

David's POV

Kakarating ko lang sa harapan ng bahay nina Sam. May sasabihin lang sana ako sa kanya. gabi gabi ko na rin tong pinag-isipan. Kasi... Gusto ko siya... Nung una ko pa lang siyang nakita. Nung kasaa niya ang mommy niya na naglalakad sa building. Enrollment ata nun eh. Freshman siya.

Nakikita ko na siya sa TV nun dahil nga anak siya ng isang senador. maganda naman talaga siya... Sobra. Nakkapagtaka nga na walang pomoporma sa kanya. Pero alam ko maraming may gusto sa kanya.

Nagulat na nga lang ako ng lumapit siya sa amin nung binubully namin si Lara. Akalain niyo yun? Kailangan ko pa pala mambully mapansin niya lang. Inis na inis na siya nga siya sa akin nun eh. Ansaya ko nun, dude. Kaya lang nahinto agad yung pag-uusap namin, kasi nakita ko si Lucky sa likod niya. Si Lucky yung pinsan ko. palasumbong kasi yun. Ayoko naman ma-trouble kaya umalis na lang ako.

Until nung fieldtrip nagkita na naman kami. Lagi akong nagpapapansin kaya lang mainit dugo niya sa akin. hays, buti na nga lang okey na kami ngayon eh.

"Si Sam po? Andyan po ba?" tanong ko sa maid na bumukas ng gate.

Pinapasok niya ako. Kilala na kasi ako ng mga katulong nila dahil lagi akong bumibisita sa kanya. Pati nga mommy niya kilala na ako.

"Iho, andyan ka pala. Si Sam nasa kwarto niya... Nandun din si Kyla." anito.

"Goodmorning tita. Sorry po at napaaga. Pwede ko po ba puntahan si Sam?"

"Yeah. Alam mo na naman ang kwarto niya diba? Puntahan mo na lang ha? Gumagawa pa kasi ako ng miryenda." anito.

Ngumiti ako para puntahan na si Sam. Nandito na naman yung Kyla na yun. Ayoko talaga sa babaeng yun. Tingin ko kasi ginagamit lang niya si Sam. ang landi din kasi ng babaeng yun. Lagi nung nilalandi si JD, sumalangit nawa ang kaluluwa ni JD....

Ewan ko ba.... Ayaw ko lang talaga sa babaeng yun. Wala akong tiwala.

Napansin ko na nakabukas ng konti ang pinto sa kwarto ni Sam. Nagtaka naman ako. Saka... May narinig akong ingay sa loob... Ano bang... Ano bang nangyayari?

Hindi ako agad pumasok. Nakaramdam ako ng kaba... Para kasing may mali. Sinilip ko na lang muna sa loob.

"Hmmm, pano kaya kita papatayin?" boses ni Kyla.

Napatakip ako sa bibig ko ng makita si Sam na nakatali sa kama niya habang iyak ng iyak. A-anong....

"Please, wag." rinig ko pang sambit ni Sam. Natakot na ako... Naghanap ako ng pwedeng gamitin kong pamalo kay Kyla.... Diyos ko,... Anog ginagawa niya kay Sam...

SAM'S POV

"Please, wag." nagmamakaawa na ako. Ayoko pang mamatay. Gusto kong sumigaw pero hindi ako makasigaw.

Pinipilit ko pa ring makawala sa pagkakatali ng kamay at paa ko. Nakatayo lang si Kyla sa paanan ng kama ko habang nakatingin sa akin na para bang nag-iisip. Pero hindi pa rin mawala ang ngiting demonyo sa mga labi niya.

Napansin ko na umuwang yung pinto. Si David. May dala-dala siyang baseball bat na tingin ko ay kay daddy.

Hindi ako nagsalita. Mukhag alam ko ang gagawin niya. Nakatingin lang ako kay Kyla. Di tumagal ay pinalo ni David ng sobrang lakas si Kyla nug baseball bat na nabali pa yung bat na pabortio ni daddy.

Pinakiramdaman ni David kung gumagalaw pa ba si Kyla pero ng hindi na ay nagtungo siya sa akin at dali dali akong kinalagan sa pagkakagapos. "okey ka lang ba? Ano bang nangyayari? Bakit ka niya gustong patayin?" sunod sunod nitong tanong.

Imbes na sumagot ay umiyak ako ng umiyak. Pinatahan niya ako... "Kailangan na nating tumawag ng pol--" bago niya natapos ang sasabihin niya ay bigla siyang hinila ni Kyla na puro dugo na ang mukha at sinakal ito.

Tumayo ako para tulungan si David. Pinalo ko ulit si Kyla gamit ang flower vase na nasa kwarto ko. Bahagya lang siyang nasaktan pero tumayo lang ulit ito. Lalapit sana siya sa akin pero hinawakan siya ni David Bole. Pinipilit niyang itali ito Pero nagpupumiglas si Kyla.

"Tumawag ka ng police." wika ni David. Agad kong kinuha ang cellphone ko na nasa mesa at tumawag ng police. "emergency po. May gusto pumatay sa amin." wika ko sa pagitan ng hikbi.

Tumingin ulit ako sa kanila. Nakita ko si Kyla na nakatali na pero pilit pa ring kumakawala.

"Pakawalan niyo ako!" anito.

"Papatayin ko kagong lahat.... Kayong lahat!"

"Pasensya na Kyla. Alam ko naging magkaibigan tayo pero mali ang paraan mo. Kailangan mo pagbayaran ang mga ginawa mo sa mga inosente nating kaklase."

"Inosente?? Sigurado kang inosente sila? Wala silang pinagkaiba sa mga magulang nilang gahaman at mapagmata sa kapwa nila." anitong punong puno ng emosyon ang boses.

"Kahit na gaano sila kasama, wala ka pa ring karapatan na hatulan ang buhay nila."

Psychology Class 101Where stories live. Discover now