®Chapter 13

838 24 0
                                    

Ilang oras na ang nakalipas ngunit Hindi pa rin nahahanap si Lara. Nandito pa rin kami sa loob ng hotel pero hindi tulad kanina ay kalmado na ang lahat. Nakatulog na rin ang iba. Pero ako, andito pa rin ako sa kama ko, nakaupo. Hindi ko maiwasang mag-alala kay Lara. Alam ko... Ramdam ko na may nangyari sa kanyang masama. Natatakot ako para sa kanya.

Wala si Kyla dito ngayon. Nasa ibang kwarto ata. may lumapit kasi sa kanya kanina na schoolmate namin. ayaw niya sana ako iwan pero sabi ko sa kanya na samahan na niya yung kaibigan niya dahil kaya ko naman ang sarili ko.

May kumatok sa pinto. Nakita ko si David Bole na nakasungaw. Bukas lang kasi yung pinto. Bilin sa amin ni Mrs. Sheley na wag iwanang sirado ang pinto para madali lang itong mabuksan kung sakaling may mangyaring masama. "anong kailangan mo?" tanong ko.

"Hindi kasi ako maatulog... Pwede bang... dito muna ako?"

Tinignan ko siya ng masama. Aba? Malay! Hindi ko pa rin naman nalilimutan ang pagkamayak ng lalaking yan noh. Baka ano pang gawin niyan sa akon. Naninigurado lang.

"Ano... Gusto ko lang makapag-usap." anito.

Pinapasok ko na din siya. Umupo siya sa kabilang kama. May limang kama sa loob. Kasama ko dito si Kyla, Ylona, Andy at saka si Gina. Si Ylona, Andy at Gina, ayun tulog na tulog na habang si Kyla nga ay wala pa rito.

"Okey ka na ba?" siya.

"Hmmm.. Medyo... Pero nag-aalala pa rin ako kay Lara."

Tinitigan niya ako. Yung titig na parang binabasa niya ang isip ko? "ano?"

"Wala.... Kasi... ano... Bakit ka nag-aalala kay Lara? Diba hindi mo naman talaga siya kaibigan saka... Paano kung--"

"Paano kung tama si Ylona? Na siya nga ang nasa likod ng lahat ng toh... Yun ba ang gusto mong sabihin?" inunahan ko na siya. Alam ko naman na yun ang iniisip ng lahat ngayon. Na si Lara ang nasa likod ng lahat ng toh. Bukod sa nawawala siya ay iniisip ng lahat na baliw siya kaya di malayong gawin niya ang lahat ng ito.

"Hindi ko alam David... Ramdam ko kasi sa sarili ko na mabuti siyang tao. Alam ko hindi niya kayang pumatay." ramdam ko yun. Kahit kailan hindi pa ako nagkamali sa instinct ko. Alam ko, mabuting tao si Lara.

"Bakit ka ngumingiti?" tanong ko sa kanya. Ang lakas lang talaga ng tama ng taong toh.

"Ngayon mo lang kasi ako tinawag sa pangalan ko." anito.

"Talaga? Di ko napansin. Hindi rin naman kasi tayo magkaibigan." wika ko.

"Pero... Si Lara... Andami rin kasing pwedeng dahilan kung ba't niya kayang pumatay. Una, dahil baliw siya. Pangalawa, dahil lagi soyang binubully sa school kaya gumaganti lang siya."

"At marami na yun para sayo?"

"Oo, more than one eh."

"Gago ka talaga!... At saka nga pala... Hindi siya baliw." depensa ko. Bahala siya sa gusto niyang isipin. "Kung totoo man yan, aba sigurado ako na hindi ako mamamatay dahil minsan ko na siyang pinagtanggol at hindi ako bad sa kanya... Pero ikaw, maghanda ka na. Tawagan mo na parents mo at ibilin mo na kung anong gusto mong kulay para sa kabaong mo." biro ko.

Binigyan niya ako ng matalim na tingin. Tumawa ako...-- tumawa ako? Wow, pagkatapos ng lahat ng nangyari nakatawa na rin ako. Malaking pakinabang rin naman pala tong si David Bole.

"Yan kasi! Sa susunod. Kung mabuhay ka man, wag ka ng bully."

"Gusto mo na talaga ako mamatay noh?" inis na inis na siya. Nakakatawa ang expression niya. Ang cute niya tingnan...-- sinabi ko bang cute siya? Hmm, well totoo naman din na cute si David Bole. Hindi lang pala basta basatng cute kundi gwapo rin. Ngayon ko lang napansin, infairness, hahaha... Bumait na kasi siya ng konti.
Nahinto kami sa pag-uusap ng biglang bumukas ang pinto. Si Mrs. Sheley, hingal na hingal na para banag galing siya sa pagtakbo at saka... Umiiyak rin siya... Bakit? May nangyari ba kay Lara? Nakita na ba siya?

Psychology Class 101Место, где живут истории. Откройте их для себя